Confessed

2.5K 127 4
                                    

Maine's POV

Sa tulong ng dalawang bata, madali naming natunton ang mismong bayan ng probinsyang pinuntahan namin. Doon kasi nagtatrabaho si Aling Mercy, ang nanay ni Angelique na sya namang tumulong sa aming makakalap ng mga impormasyon at makapag-interview. Napakabait ng mga tao dahil winelcome nila kami ng maayos. At doon na rin kami kumain ng tanghalian.

Sinundo kami ni Paris bago maggabi. Sumakay kaming pareho ni Alden sa hulihang bahagi ng kotse.



"How's your trip? Nagawa nyo ba lahat ng pinapagawa ni ate?" tanong sa'min ni Paris nang makasakay na kami ng kotse nya.

"Okay lang, malapit na naming matapos pero kailangan pa naming bumalik bukas dahil may kailangan pa kaming data." ako na ang sumagot sa kanya.




Kasasandal ko pa lang sa upuan nang may tumunog na kung ano...

"I love you! I love you!"

Pareho kaming napatingin ni Alden sa likod at nakita namin ang isang cute na puting teddy bear. Kinuha ko ito...

"Ang cute naman ng isang 'to. Sa'yo ba 'to Paris?"

Tumingin si Paris sa may rearview mirror para silipin ako.

"Actually para sa'yo talaga yan Maine."

Ha? Para sa'kin? Bakit naman nya ako bibigyan??

"Matagal ko ng gustong ibigay sa'yo ang teddy bear na yan. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng chance dahil ngayon lang naman ulit tayo nagkita."

Tumingin ako kay Alden pero agad syang umiwas ng tingin sa'kin. He just looked away and preferred to see the view outside.

"Ha? Ah...eh...salamat." yun na lang ang tanging naisagot ko sa kanya.






Pagkababa namin ng kotse, dumiretso agad si Alden paakyat sa kwarto nya. Hinabol ko naman sya at bago pa sya tuluyang makapasok sa loob, tinawag ko sya.

"Alden..."

Lumingon naman sya sa'kin...pero parang ang cold ng expression nya.

"Ahm...gusto mong kumain ng dinner?"

"Hindi na. Busog pa ako."

At pumasok na sya agad sa kwarto nya nang hindi man lang hinintay ang sunod kong sasabihin.

I sighed.


Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kung anong bumabagabag sa'kin. Kanina lang ang saya-saya pa namin tapos ngayon...parang may malaking pader na nakaharang sa pagitan namin.

Naguguluhan na ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...dahil hindi pa naman malinaw sa'kin sa kung ano ba 'tong nararamdaman ko.

***






Nasa living room ako at busy sa pag-e-encode ng mga data na nakuha namin. Nagulat ako nang may biglang naglapag ng isang basong gatas sa mesa. Akala ko talaga si Alden yun pero nang inangat ko ang tingin ko...

"Paris?"



Umupo sya sa upuan na katapat ko.

"Don't indulge yourself too much...magpahinga ka muna."

Nginitian ko sya...

"Pero kailangan eh, we need to accomplish this within three days."


"Si ate Sydney talaga...pahirap masyado sa inyo." at sabay kaming tumawa ng mahina.


"You know what...that's the reason why I really like you. Masyado kang all out pagdating sa pag-aaral. Kaya hindi kita matalo-talo noon sa mga quiz bee."






Parang nakaramdam ako bigla ng awkwardness sa atmosphere namin ngayon.

Bakit nya ba 'ko kailangang titigan ng ganyan ka-intense?



"Kung sana nauna lang ako kay Alden...maybe you're mine now."




Halos hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. He looked serious and sincere on what he uttered.

Napangiti sya...

"Actually, mas nauna naman pala talaga ako ng dating kay Alden. Yun nga lang, mas nauna syang makapasok dyan sa puso mo."







Tiningnan ko sya sa mga mata nya at nakikita kong nasasaktan sya. Hindi ko alam kung kelan nagsimulang magustuhan nya ako pero...sa tingin ko...hindi ako ang babaeng nararapat sa pagmamahal nya. Baka mas lalo lang syang masaktan.


"Sorry Paris pero..."

Napatungo ako...



"You love Alden." sya na mismo ang nagtuloy ng sasabihin ko.

Something That We're NotМесто, где живут истории. Откройте их для себя