Chapter 3

2.9K 100 11
                                    


"See you sa enrollment, Luke!"

Last exam na kaya atat na atat na akong lumayas sa school. Hindi nyo na itatanong pero ako ang unang nag-pass ng exam paper. Syempre pa-bida na naman ako. Pero wag niyo ng tanungin kung sigurado lahat ng sagot ko dahil nag mini mini lang ako.

Tumingin ako sa sumigaw sa pangalan ko. Si Danny. Masama pa din ang loob ko na hindi ako makakasama sa kanila mamaya para gumimik.

"Okay man. Enjoy." Sabi ko bago sumakay sa elevator.

Nasa 10th floor ako kaya medyo mahaba pa lalakbayin ko. Peste. Atat na akong umuwi para matulog.

Nang nasa 9th floor na kami, bumukas uli ang elevator. Guess what?

Andun na naman si Danny, kumakaway. "See you sa enrollment, Luke!" nakangising sigaw niya. Ewan ko na lang kung hindi pa magsilabasan mga teacher para sawayin siya. May mga nag-eexam pa, hello!

"Baliw ka na" sabi ko bago magsara ang elevator.

Narinig ko pang tumawa siya bago tawagin ng isang teacher ang pangalan niya. He's quite popular sa mga teacher dahil sa mga artworks niya sa hallways. I meant vandalism. Yaman ng bugok na 'yon pero sadyang malaki tama niya sa ulo. Minsan nga, tinatanong ko siya kung matino pa siya o na-diagnose siya na may mental disability.

When the door opens again, I heard someone groaned. I looked at the girl at the corner. Naka-upo siya habang yakap niya mga tuhod niya. Hindi ko naman napansing may kasama pala ako sa elevator na 'to. Ang tahimik naman kasi niya. Nakatingin siya sa labas ng elevator. Ano problema ng babaeng 'to?

"See you sa enrollment, Luke!"

I scratched my head. Yep. Andun na naman si Danny. Kumakaway pa nga sa'kin.

"What the hell man?" reklamo ko.

He chuckled before sending me a flying kiss.

"Yuck Dan!"

"I love you, Luke!"

Buti na lang sumara na uli ang elevator bago ko itapon sa kanya ang ballpen ko. Hindi ba siya napapagod na tumakbo sa stairs pababa para lang harangin ang elevator? I shook my head. Baliw na nga 'yon.

The girl at the corner groaned again. Sinuri ko siya. Wala siyang bag. Hindi din siya naka-ID. Naka black shirt, hoodie, loose pants and boots siya. Kung ako tatanungin niyo, tingin ko miyembro siya ng sindikato. Hindi naman siya mukhang gusgusin pero parang may something sa kanya.

Mukhang inaantok pa siya. Nakapatong lang ulo niya sa tuhod niya and mukhang wala siyang balak tumayo. She sure is a discreet one.

Malapit na kami sa ground floor nang tumayo siya. Whoa. Ang tangkad niya. Abot siya hanggang sa leeg ko. And to think na 6'1 ako. Matangkad siya para sa isang babae. Tumingin siya sa'kin. She furrowed her brows then groaned. Parang sinasabi niyang 'anong tinitingin-tingin mo'.

I can't help but glare at her.

"See you sa enrollment , Luke baby!"

Binawi ko ang tingin ko sa babae at tumingin kay Danny na nasa labas na naman ng elevator. Ang lawak ng ngisi ng baliw. Loko 'to. Pinagtitinginan siya nung mga naka-pila sa elevator. Ang ingay naman kasi niya, idadamay pa niya ako.

Nawala lang ngisi niya nang lumabas ang babae na kasama ko sa elevator at banggain siya sa balikat. She groaned again before leaving. Wow. Maton ang isang 'yon.

Lumabas na din ako.

"Anong ginawa ko sa isang 'yon?" kumakamot na tanong ni Danny habang nakatingin sa exit door.

The Delinquent and The SilentWhere stories live. Discover now