Chapter 9

2.3K 85 4
                                    


Luke's POV


"So anong nangyari sa pipi?"


Tumingin ako kay Danny. "Her name's Century, dope"


"Century who?" tanong naman ni Gabby. Gabby and Danny are cousins. And they're here para syempre inggitin ako sa mga pinaggagagawa nila sa Bora. Kasama din si Don.


"Si Century lang naman ang pinagbuwisan namin ng buhay para mahanap. Ilang aso ang tinakbuhan namin, ilang bahay ang dinaanan, ilang gutom ang tiniis, ilang—"


"Danny! Nagpapaka makata ka na naman diyan! Ang OA mo." Binato ko si Danny ng piso. "Ayan, kay Rizal ka makipag tulaan. Baka sakaling mabuhay siya para dagukan ka."


"Che"


"So? How is she?" asked Don. Si Don ang may pinakamatinong takbo ng utak. Tahimik lang siya pero siya ang pinaka makulit pag lasing.


"Naka-uwi na siya. She's got the bruises and scratches still pero she's okay. She's healing."


"Chicks ba dre?" tanong naman ni Gabby.


Binato sa kanya ni Danny yong binato kong piso. "Lul! Aaswangin mo pa eh!"


"Nagtatanong lang eh..." reklamo ni Gab.


"La! Nagtatanong daw, mamaya dumidiskarte ka na! Kilala kita oi!" pang-aaway ni Danny.


Gab made a face. "Style mo 'yon..." reklamo niya.


Sasagot pa sana si Danny pero pinagbabatukan sila ni dad na hindi namin alam kung saan banda nanggaling.


"Ang iingay niyo! Natutulog yong anak ko." He pointed at Galaxy na nakatulog sa bean chair.


"Malay ba naming nandyan pala yan..." bulong ko.


Don apologized for us then scooped Galaxy at inakyat sa taas. Yeah, trust Don to do that. Mas gusto pa nga niya si Galaxy kaysa sa'kin. At kapag dumadalaw sila dito, siya lang ang mahilig makipaglaro kay Galaxy.


"Thanks Don! You may take Luke's place as my son!" sigaw ni dad kay Don na nasa taas na.


I crumpled my face. "Feeling. Umayos ka nga dad. Ikaw tong sumusuway sa ingay namin pero ikaw tong sumisigaw."


"Hmp!" aniya sabay layas. "Bye rats!"


My friends waved goodbye. "Ingat tito!"


"Dude, m-may mumu sa bahay n-niyo..." tumingin kaming lahat kay Don na naglalakad pababa. Parang anemic siya na ewan sa pagka-putla. Daig pa niya ang lumamon ng batya-batyang gluta.

The Delinquent and The SilentWhere stories live. Discover now