Chapter 8

2.5K 91 5
                                    



"Bihis ka na?" inip na tanong ko kay Century. Nasa loob siya ng CR at kanina pa siya andun. Naririnig ko naman siyang gumagalaw kaya hindi ako nagpapanic na baka may nangyaring masama sa kanya.


Pwede na siyang umalis dito kaya inaasikaso ni mama ang mga bills at gamot niya. And of course, ako daw ang bahalang maglabas kay Century at sa bahay na kami magkikita nina mama.


She just tapped the door. "Ano? Bubuksan ko na 'to pag hindi ka pa lumabas dyan"


I heard her moved again then lumabas na siya. Wala siyang suot sa pang-itaas maliban sa nakabalot na benda mula sa dibdib hanggang sa mid-rib niya. She's so thin! Nagmumukhang siyang kalansay.


Inabot niya sakin ang T-shirt na hawak niya. I raised my brows. "Anong gagawin ko dyan?"


Inabot niya ang tab sa mesa. Mukhang nahihiya pa siya.


"hindi ko masuot, hindi ko maangat kamay ko"


I took a deep breath. Kelan ba ako makakawala sa isang to? Halos parehas sila ni Galaxy na inaalagaan ko.


I took the shirt from her and she kinda blushed. Tiningnan ko uli siya. Ni wala ngang boobs ang isang to kaya hindi ako mag-eenjoy na bihisan siya.


Dahan dahan kong sinuot sa ulo niya hanggang sa isang kamay and sa isa pa. Medyo napapangiwi siya kaya binagalan ko pa. Inabot kami ng tatlong minuto sa pagsuot lang ng t-shirt! Mind you, t-shirt ko pa 'yun.


Ako na din nagtali ng jogger pants niya dahil mukhang hindi talaga marunong magsuot ng damit ang isang to. Next... shoes.


"Asan na 'yong sapatos mo?"


She shrugged. Tinanggal lahat ng nurse damit niya nung naipasok siya dito at hospital gown lang suot niya sa mga araw na nakaratay siya dito. Except syempre nung nagdala si mom ng mga damit para sa kanya nung isang araw pero inuwi din niya para malabhan.


I looked at her feet. May extra akong sapatos lagi sa sasakyan ko pero hindi syempre magkakasya sa kanya. Ang liit ng mga paa niya though she have long toes. Napansin kong may black stuff sa may ankle niya pababa sa sole ng paa niya.


I knelt down para makita ng husto. Tattoo.


"Century, what's your tattoo?"

She pulled her pants up. Cross with some dots and feathers.


"Nice ink, Cent"


She smiled and scribbled something.


"wag na akong magsapatos, tara na"


Tinawag ko ang isang nurse para sa wheelchair. Century sat down at mukhang busy na siya sa pagsusulat sa tab niya. At ako na ang bumuhat sa mga gamit namin ni Century hanggang sa makarating kami sa parking.

The Delinquent and The SilentWhere stories live. Discover now