Chapter 5

2.5K 87 2
                                    

Hindi kami umimik habang nakatingin lang sa'min 'yong pipi. Sa dilim ng kalyeng to, para siyang kawatan. At idagdag pang may hawak siyang butcher knife! Bakit siya may butcher knife?!

"L-Luke.. b-bakit siya may dalang e-espada?"

Tumingin ako kay Danny. Mukhang iihian na niya pantalon niya. Nasisiraaan na ba to ng mata? "Ano ka ba?! Anong espada?"

Alanganing tinuro niya 'yong hawak ni Century.

Ngumisi ako. "Hindi kaya hindi pa niya nakakalimutan 'yong ginawa mo sa elevator nun kaya binabalikan ka niya?" pananakot ko pa sa kanya.

Siniko naman niya ako sa tiyan. Anak ng--!

Sisinghalan ko pa sana siya pero nagsimula nang lumapit sa'min si Century. Ang higpit pa ng hawak niya sa butcher knife. Hindi kaya hindi lang pipi 'to? Baka may diperensya din siya sa ulo.

Hindi kami nakapagsalita ni Danny hanggang makalapit siya sa'min at tuluyan kaming lampasan.

Napahinga lang kami ng maluwag nang nakalayo na siya sa'min.

"Uuwi na ako! Mommy!" tili ni Danny habang naglalakad siya palayo. Syempre hinila ko hoodie niya bago pa siya makaalis.

"Hindi pwede! Sabi mo sasamahan mo ako kaya sundan na natin siya. Andito na tayo, ayoko ng bumalik bukas para maghanap uli!" singhal ko sa kanya.

"Luke! Hindi mo ba nakita?! Papatayin niya tayo! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang ikalat ang genes ko!" reklamo nya.

I made a face. "Kung papatayin niya tayo adi sana kanina pa niya ginawa nung nakatalikod pa tayo sa kanya! Pero nilampasan niya tayo Danny!"

"Wala akong pakialam!"

Hindi na din siya naka-angal nang hilahin ko siya para sundan 'yong pipi.

"Diyan siya nakatira?"

Dinagukan ko si Danny. "Huwag kang hater!"

Hindi naman sa hindi maganda ang bahay na pinasukan ni Century pero andami kasing nag-iinuman sa labas ng bahay. Tinisod pa siya nung isang lalaki nang papasok na siya. Tawanan naman 'yong iba.

Kung ako lang 'yong pipi na 'yon, gagamitin ko sa kanila ang butcher knife. Pero hindi eh.

"Parang hindi ako tatagal diyan, Luke. Bahay ba niya 'yan?" tanong na naman ni Danny.

This time, humarap ako sa kanya. "Ano tingin mo sa'kin? Stalker niya, ganun? Malamang hindi ko alam di ba? Kaya nga sinusundan natin siya eh!"

Nag-surrender naman si Danny. "Oo na. Kalma lang boss. Baka tumaas altapresyon mo, mawalan pa ako ng minamahal sa buhay. Mamimiss kita, alam mo 'yan. Mahal kit---"

"Anong kailangan niyo?"

Sabay kaming tumingin sa nagsalita. Isa siya sa nag-iinuman at lahat ata ng tumatagay eh nakatingin sa'min. Siniko ko agad si Danny.

"Ang ingay mo kasi eh!"

"Nawawala ba kayo?" tanong na naman nung mama. May hawak siyang San Miguel sa isang kamay at yosi sa kabila. Halatang may tama na siya pero nakakabilib na nagagawa pa niyang tumayo.

"Ah hindi po, may hinahanap l-lang" sagot ni Danny habang nagtatago sa likuran ko.

Kahit kelan naman talaga.

"Sino hinahanap niyo?"

"Okay lang po. Aalis na po kami. Salamat na lang po" singit ko habang hinihila si Danny pabalik sa dinaanan namin kanina. Ayokong mapa-away dito. Inutusan lang akong hanapin 'yong pipi hindi magpakadakila para mahanap siya. Ang swerte naman niya kung magagalusan 'tong pagmumukha ko para lang sa kanya.

The Delinquent and The SilentWhere stories live. Discover now