MBAI 3

35.9K 732 12
                                    

Unang araw ko ngayon sa coffee shop ng pinsan nina Trivor at Travis.

Nagpapasalamat ako sa pinsan nila kahit part-time lang ay tinanggap pa rin ako, kaya sisipagan ko sa trabaho.

"Good evening po sir! Ano pong order niyo?"

"1 black coffee and 2 marble cup cakes." Sir.

"1 black coffee and 2 marble cup cakes." Pag-uulit ko at tumango naman siya.

"Okey sir. Coming up." Agad kong inayos ang order.

"Here's your order sir. Have a good night." Bumalik na ulit ako sa counter.

"HI! CC!" Sino pa nga ba ang tumatawag sa akin niyan?

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na baka mapahamak ka pa sa daan." Concern din ako minsan sa mga isip bata.

"Ooy! Concern siya sa akin. Well, don't worry I have my bodyguards outside and I'm here 'coz I want to drink coffee." Ningitian niya lang ako.  Bakit dito pa siya magkakape, eh pwede naman sa mansyon nila at isa pa malayo to sa tinitirhan niya.

"CC, 1 creamylatte please and 2 cheesecakes." Valerie.

"Okey! Just wait for awhile, and oh you can sit over there while waiting your order." Sinunod naman ni Valerie ang sinabi ko at naupo sa di kalayuan sa counter.

Pagkatapos kong inaayos ang order ni Valerie ay dinala ko na sa kanya.

"Here's your order. Enjoy eating." Babalik na sana ako sa counter ng hawakan ni Valerie ang kamay ko.

"Pwedeng mamaya ka nalang bumalik sa counter. Magkwentuhan muna tayo. Ako na ang bahala sa boss mo." Valerie.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Hanggang sa lumalim na ang gabi at nagpaalam na si Valerie.

"Pare, girlfriend mo ba yun? Ang ganda huh." Greg Mendez, katrabaho ko.

"Hindi. Kaibigan ko lang yung si Valerie."

Natapos na rin ang shift ko at inaayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na.

Naglalakad na ako pauwi ng may nakita akong isang babae na hinabol ng apat na lalaki.

Sumunod ako dun sa mga lalaki. Baka may masamang balak ang mga to dun sa babae. Nakarating kami sa isang madilim na eskinita at na corner na yung babae. Nagtago ako sa gilid at pinagmasdan muna sila.

"Paano ba yan miss wala ka ng matatakbuhan. Hahaha." Lasenggo 1

Mga lasenggo pala ang mga to.

"Sumama ka nalang sa amin. Dadalhin ka namin sa langit." Lasenggo 2

Lumabas ako ng makita ko yung babae hawak na nong dalawang lalaking mukhang unggoy. Actually, lahat sila mukhang unggoy.

"Bitiwan niyo siya." Sabi ko sa mga lasenggo.

Nagpupumiglas yung babae para makalawa pero mukhang di ata niya kaya.

"At sino ka para pakialaman kami?" Lasenggo 1

"Bata umuwi ka nalang baka hinahanap ka na ng nanay mo. Hahaha." Lasenggo 2

"Sabing bitiwan niyo siya." Sinipa ko yung isang lasenggo na may hawak dun sa babae.

"Aba't!" Akmang susugod yung lasenggo 1 ng sinipa ko siya at tumilapon sa sahig. Tss. Mga wala pala itong binatbat.

Sumugod naman sa akin sina lasenggo 2 at lasenggo 3. Sinuntok at sinipa ko sila. Nagulat ako ng biglang tumilapon si lasenggo 4 sa malayo, napatingin ako dun sa babae na nakatayo.

"You don't get yourself involve in this." Sabi nong babae. Sinugod siya nina lasenggo 1 at lasenggo 2. Pinagsusuntok at pinagsisipa niya ito sa tiyan kaya ayun tulog ang dalawa.

"YAAAH!" Putik! Nandito pa pala tong dalawang to?

Sinipa ko sa tiyan sina lasenggo 3 at lasenggo 4, ayun nakatulog din.

Napatingin ulit ako sa--- Teka, Asan na ayun na yung babae?

O_O Nawala siya bigla di kaya multo yun?

Naku! Kailangan ko ng umalis dito baka bumalik pa yun. Nakakatakot pa naman yung mata nun.

***

Thanks for reading.

-dkc

MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now