MBAI 45

23.6K 445 3
                                    

Author's POV

Judgment Room...

Umandar na naman ang mapaglarong Clay habang hinihiwa niya si Diego sa braso habang na nakatali ang magkabilang kamay.

May pagkabrutal din kasi tong si Clay at nasisiyahan siyang nakakita na umaagos na dugo.

"TAMA NA! MAAWA NA KAYO!" Nagsisisigaw naman si Valerie sa gilid. Di na niya kasi kayang makita ang pinaggagawa ni Clay kay Diego, naging kaibigan din niya ito at naiisip niyang ginagawa din nila to sa kanyang kapatid.

"Wag kang mag-alala di ko din naman papatagalin ang buhay nito." Sabi ni Clay na ngayon ay hinahanda na ang kanyang baril.

Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay. Mas lalo siyang nagpupumiglas mula sa pagkakatali niya. Hindi niya gustong makita na may mamatay na kaibigan niya at sa kanyang harap pa mismo.

"Any last word sa iyong pinakamamahal?" Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay at napatingin siya kay Diego na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Val--."

*BANG*

Hindi na pinatapos ni Clay ang sasabihin ni Diego kay Valerie.

Nakayuko nalang si Valerie habang umiiyak hindi niya inaakala na aabot siya sa sitwasyon na to at masaksihan ang pagpatay sa kanyang naturingang kaibigan. Nagsisisi na tuloy siya na sumama sa pagdukot ng anak ni Courage Hayes.

"Bye-Bye loverboy." Dun na natauhan si Valerie sa sinabi ni Suzane.

"PAKAWALAN NIYO NA AKO DITO! ANO BA?" Sigaw ni Valerie kina Clay at Suzane pero di siya pinakinggan ng mga ito.

Sino bang tangang pakakawalan ang anak ng taong pumatay sa kanilang mga magulang?

Mayamaya pumasok sina Travis at Trivor na may dalang pagkain. Nagpresenta silang sila na magdala ng pagkain para kay Valerie.

"Val, ito kumakain ka muna." Nilapag ni Travis ang pagkain sa tabi ni Valerie pero tinabig lang niya ito gamit ang siko niya.

"PAANO AKO MAKAKAKAIN KUNG BIHAG AKO NG MGA TINURING KONG KAIBIGAN." Sigaw ni Valerie sa pagmumukha ni Travis.

"Val, tinuring ka din naming kaibigan hanggang ngayon kaibigan ka pa rin namin kaya nga kami nalang ni Trivor ang nagpresentang dalhan ka namin ng pagkain." Sabi ni Travis. Totoo naman, hanggang ngayon kaibigan pa rin nila si Valerie pero kailangan nilang gawin to para sa pamilya nila.

"Kung itinuturing niyo pa rin akong kaibigan, please pakawalan niyo ako rito." Pagmamakaawa ni Valerie sa kanilang dalawa.

"Pasensiya na Val hindi namin magagawa yang sinasabi mo. Dapat lang na pagbayaran ng ama mo ang pagpatay kay Mommy, Tito Darwin, Tita Faith at sa magulang ni Chris." Sabi ni Travis.

Nagulat si Valerie sa huling sinabi ni Travis.

Bigla namang pumasok si Chris sa Judgment Room na ikinagulat ni Valerie.

'Pati ba naman si Chris.' Sa isip ni Valerie.

"Kamusta ka na?" Chris.

Hindi nakasagot si Valerie, hindi pa nga masyadong nagrehistro sa kanyang utak ang kina Travis at Trivor ngayon naman si Chris.

Si Chris na sandalan niya sana. Si Chris na lihim niyang minahal ay isa rin palang kalaban ng kanyang ama.

"Alam mo ba, nong unang sinabi sa akin nina Trivor at Travis na ikaw ang anak ni Hector Salvatore hindi ako naniniwala. Napakaimposible kasi isang mabait at maalalahing kaibigan ay anak ng isang walang pusong mamamatay tao." Walang umimik sa kanilang lahat.

"Hindi lang pala mamamatay tao kundi kidnapper din pala at ang masakit kaibigan ko pa ang kikidnap sana sa anak ko. Mabuti't may mata kami dun sa teritoryo niyo." Nagulat si Valerie sa sinabi nito kaya pala walang katao-tao nung pagpasok namin kanina maliban sa mga taga-bantay sa labas.

'Anak? Ibig sabihin siya ang ama ng anak ni Courage?' Sa isip ni Valerie.

Napayuko nalang si Valerie at umiiyak. Hindi na niya kinaya ang mga matuklasan niya lalong-lalo na kay Chris.

***

To be continue...


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن