MBAI 41

24.1K 428 2
                                    

Chris POV

Bumalik na rin kami ng pilipinas a week after sinabi sa akin nina Trivor na si Valerie Florencio anak ni Hector Salvatore. Hindi pa ito alam ni Courage baka mabinat siya, kakapanganak pa naman niya.

"Dumadamoves din tong si Kuya Clay kay Ate Suzane eh, noh?!" Nagpaiwan sina Clay at Ate Suzane. Maghohoneymoon pa ata. Nainggit kasi Clay sa amin ni Courage dahil may Baby Yassy na kami sila wala pa eh, sila pa naman tong unang kinasal. Hahaha.

"Bukas, papasok na ako. Ako muna ang sasama-sama kay Valerie kayo na ang bahala sa paligid." Sabi ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa veranda at nagusap-usap, wala si Courage dahil pinapaarawan niya ang anak namin sa may garden.

Akala ko nga walang alam tong si Courage pagdating sa ganyang bagay, di pala. Mas hands on pa nga siya kay Baby Yassy kaysa sa akin.

"Mabuti pa nga, nong ako kasama niyan walang ibang bukang bibig kundi ikaw. 'Nasan na si CC?' 'Ilang araw na siyang di pumapasok.' 'Kailan kaya babalik?'. Tsk. Kung ikaw kasama niya baka may mahanap ka. Alam mo namang patay na patay yun sayo. " Travis.

---Kinabukasan

Agad akong sinalubong ni Valerie ng yakap pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom namin.

Di ko kaklasi ang dalawang yun kaya payapa ang umaga ko pero--

"CC, ang tagal mong nawala, namiss talaga kita." Di parin siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Pinagtitingan na tuloy kami ng mga kaklasi namin pati rin yung mga useserong palaka nakiusyuso din.

Mukha na halata na niya na di ako komportable kaya kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Pasensiya ka na CC, di ko napigilan eh." Panghingi niya ng paumanhin.

This is the day, sisisimula ko na ang pag-oobserve kay Valerie. Hmmm. Mukhang wala namang bakas sa kanya nakahinala-nala.

Break na namin at kasama ko parin si Valerie. Yung dalawa naman ay nandyan lang sa tabi-tabi.

"CC, Bakit pala yung dalawa?" Nagtataka niyang tanong. Kasi naman palaging nauuna dito sa cafeteria yung si Travis kapag break time na.

"Ayaw mo nun tayo lang dalawa. Sana nga hindi yun dumating." Bigla namang namula si Val. Aware naman akong may gusto to sa akin kaya lang kapatid lang ang turing ko sa kanya at may asawa't anak na ako.

"Ito kumain ka na, ilang linggo nga lang tayo di nagkita ang payat mo na." Talaga namang pumayat siya.

"Payat ka diyan. Ang sexy ko nga." Sabi niya sabay subo ng lasagna.

"Naggegym ka ba? Kaya ka pumayat?"

"Hindi ah. Nagtetraining kasi ako." Nagtetraining? Tsk. Nadulas ata yung dila niya.

"Nagtetraining? ng ano?" Patay malisya kong tanong.

Bigla naman siyang nabilaukan, agad kong inabot sa kanya yung tubig.

"Anong nagtetraining, Val?" Hindi ko parin siya tinitigilan. Gusto lang malaman kong nagtetraining ba siya gaya nong akin.

Bigla namang may tumawag sa kanya at mabilis pa sa alas kwatro siyang nagpaalam sa akin.

Tinawagan ko agad si Trivor dahil siya ang nakaatas sa kilos ni Val sa labas ng university.

"Trivor, may tumawag kay Val atsaka mabilis siyang umalis. Kayo na ang bahalang sumunod sa kanya kailangan ko pang makabawi sa mga absents ko."

"Walang problema." Sabi ni Trivor sa kabilang linya. Pagkatapos nag-end call na ako, kailangan ko pang magmake up test.

***
Hector's POV

Nakapanganak na pala si Courage at nandito na sila sa pilipinas kasama ang hunghang niyang asawa.

"Dad, napatawag po kayo kanina. Ano po yun?" Sabi ng anak kong si Valerie.

"Maghanda ka, nandito na sila."

"Handa po ako lagi. Dad, kilala niyo na po ba kung sinong naghack ng profile ko?" Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan to.

"Oo anak, taga Prestine University din. Edward Ruth ." Malas lang ng taong to.

"Wala po akong kakilalang Edward Ruth. Ano po ang ginawa niyo? Pinatay niyo ba siya?" Sa kasamaang palad patay na siya ng matagpuan namin.

"Patay na siya anak ng matagpuan namin." Naabutan nalang namin na nakahimlay na ang kanyang katawan sa bahay nila. Ang sabi ng mga kapitbahay nagpakamatay raw.

"Salamat naman. Ano na pong plano natin?" Valerie.

May plano na ako pero mamaya ko nalang sasabihin.

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now