MBAI 29

24.7K 493 10
                                    

Continuation...

"Chris, mauna na kayo ni Suzane sa--Asan si Chris?" Wala ng Chris na nakasunod sa kanila palabas ng hall.

(Note: Kapag naka-italic ang convo it means nasa earpiece sila nag-uusap.)

"Chris! Chris! Nasan ka?" Sabi ni Clay sa earpiece.

"Diba magkasama kayo?" Trivor.

"Bigla nalang siyang nawala sa likod namin kanina." Clay

"Where's Chris?" Agad na tanong ni Courage paglabas nila ni Travis.

"Hindi ko alam, baka nasa loob pa. Bigla nalang kasi siyang nawala sa likod namin ni Suzane." Clay.

"Take this. I'll go back inside." Agad binigay ni Courage ang kwentas kay Suzane. Nag-aalala si Courage para kay Chris lalo't alam niyang nandun si Hector Salvatore.

Nagulat ang lahat sa inakto at sinabi ni Courage. Ngayon lang nila nakita ang boss nila na nag-aalala.

"Your not going back." Matigas na sabi ni Clay kay Courage.

"Your not going back there. Let just wait Chris here." May tiwala siya kay Chris.

"Nakita ko na siya. Kaharap niya si Hector Salvatore at napapalibutan siya ng mga tauhan nito." Heinz.

"I'LL GO BACK INSIDE! CHRIS, NEEDS ME." Pinipigilan nina Clay at Travis na pumasok ulit si Courage sa loob. Una, ayaw nilang mapahawak ang kapatid at pinsan nila. Pangalawa, hindi pa ito ang paghaharap ng Salvatore at Hayes mafia at Pangatlo, buntis si Courage.

Meanwhile...

"Crisostomo Calibre. Ang pumatay sa aking tatlong galamay. Ang anak na aking traydor na kaibigan." Saad ni Hector Salvatore.

"Pagbabayaran mo ang pagpatay mo sa mga magulang ko." Gusto na talagang tapusin ni Chris ang buhay ni Hector Salvatore.

"Hahaha. Paano mo ako sisingilin bata? Papatayin mo rin ba ako? Hahaha. Marami ka pang bigas na nakakainin.__Saka mo nalang ako sisingilin kung handang-handa ka na.__Tara na!" Lumabas na ng kwarto si Salvatore kasama ang mga tauhan niya. Naiwan naman si Chris na nanginginig ang mga kamay.

Pagkakataon na sana niyang mapatay si Salvatore kanina pero bakit biglang umurong ang loob niya.

"Hindi pa ba sapat ang loob ko na maipaghigante ang mga magulang ko?" Tanong ni Chris sa kanyang sarili.

-----

"CHRIS!" Agad siyang sinalubong ni Travis ng makalabas siya ng cruise pero dinaanan lang niya ito at nauna ng pumasok sa yati.

Nakatingin lang sa kanya ang lahat pati rin si Courage na sobrang nag-alala sa kanya kanina.

Nakalabas na rin ang iba pa nilang mga tauhan kasama si Heinz. Bumalik na rin ang mga ilaw sa loob ng cruise at pinagpatuloy pa rin ang bidding. Hindi nila alam na napalitan na pala ang Full Diamond Necklace.

"Woah! Tagumpay ang misyon natin at wala pang dumanak ng  dugo. Let's have a toast!" Travis. Tama! Walang dumanak ng dugo dahil pinalitan lang naman nila ang kwentas at yung mga tao sa control room ay pinatulog lang ni Heinz.

"Hoy! Chris, ang tahimik mo diyan? Halika rito let's drink." Aya ni Travis.

"Sige salamat. Magpapahinga na ako." Pumasok na si Chris sa loob ng yati. Iniisip pa rin kasi niya yung nangyaring paghaharap nila ni Salvatore.

"Wag mo ng isipin yun. May pagkakataon ka pang maipaghigante ang mga magulang mo." Sabi sa kanya ni Courage. Sinundan pala siya nito. Alam kasi ni Courage sa ganitong sitwasyon kailangan niya ng makakausap, napagdaanan din kasi niya ito no'n.

"Paano mo natitiis na hindi muna patayin ang taong pumatay sa mga magulang mo na nasa harap mo na?" Chris.

"Noon pa man, gusto ko ng patayin yang si Salvatore. Sa harap ko mismo pinatay niya ang mga magulang namin ni Clay. Isang araw narealize ko nalang bakit hindi ko dahan-dahanin ang pagpatay sa kanya mas mag-eenjoy pa ako." Sabi ni Courage habang nakatingin sa malayo.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Chris.

"Una, pinatay ko ang anak niyang lalaki na siya sana ang susunod sa yapak niya at pangalawa pinatay mo ang mga galamay niya." Courage.

"Isa nalang ang hindi ko pa napapatay, ang anak niya sa labas." Patuloy ni Courage.

"Kilala mo ba ang anak niya?" Chris.

"Hindi pa pero oras ng malaman ko kung sino siya papatayin ko agad." Saad ni Courage.

***

Thanks for reading.

-dkc



MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now