MBAI 43

22.5K 434 9
                                    

Continuation...
____________________________________

Still Valerie's POV

"Ano ngayon kung anak siya ni Hector Salvatore? Papatayin niyo rin ba siya gaya ng ginawa niyo kay Christian Salvatore?" Sabi Diego at nilagay niya ako sa likod niya.

Nakatingin lang ako kina Travis at Trivor. Hanggang ngayon di pa rin nagsisink-in sa utak ko nakalaban sila ng daddy ko.

So, Si Chris nalang ang natitirang kaibigan ko na mahal ko rin.

Sobrang na akong kinakabahan ng bumunot ng baril yung lalaki atsaka tinutok sa amin ni Diego.

"Kinakausap ba kita? At bakit ganyan ka makapagreact anak ka ba ni Salvatore o mahal mo ang babaeng yan?" Bigla akong natigilan sa sinabi nong lalaki. Hindi umimik si Diego at yumuko nalang.

"Ngayong kinakausap kita ayaw mong sumagot." Bigla niyang binaril si Diego sa binti kaya napaluhod ito.

Agad kong dinaluhan si Diego.

"ANG SAMA NIYO!" Di ko napigilang sumigaw. Ang sama nila, hindi nga lang nanlaban si Diego binaril pa niya.

"Bakit yung ama mo ba hindi masama?" Inaamin kong masama ang ama ko pero dahil din yung pinatay nila si Kuya.

"Anong kaguluhang to?" Sabay kaming lahat napatingin sa babaeng nagsalita sa taas ng hagdan.

Siya ba si Courage Hayes ang babaeng pumatay sa Kuya ko. Nanginginig ang kamay ko sa galit.

Gustong-gusto ko siyang patayin. Nang dahil sa kanya kaya nawala ang kaisa-isa kong taga-pagtanggol.

"So, it's you!" Sabi niya habang pababa ng hagdan.

"WALANG HIYA KANG BABAE KA! PINATAY MO ANG KAPATID KO NA WALANG KALABAN-LABAN. DAPAT SAYO MAMATAY!"  Kukunin ko sana ang baril ko na nasa sahig ng magsalita siya ulit.

"Just think twice before you do it. Baka nakakalimutan mo nandito ka sa teritoryo ko." Hindi nalang ako nanlaban baka ipapatay o siya na mismo ang papatay sa akin.

Ayaw ko pang mamatay, gusto ko pang makasama ang mahal kong si Chris. Kapag nakaalis na kami rito sasabihin ko na kay Chris ang nararamdaman ko.

Ang tanong, makakaalis pa kaya kami rito ng buhay?

"Yan, marunong ka din palang makinig." Malakas ka lang dahil nandito kami sa teritoryo mo.

"Alam mo bang nakakabasa ako ng isip? At ang pinaka ayaw ko ay yung ayaw sabihin sa akin ng harap-harapan ang gusto nilang sabihin." Ibig sabihin nababasa niya ang sinabi ko kanina sa isip ko?

"Ano? I'll give you a chance. Anong gusto mong sabihin sa akin?" Nanlamig naman bigla ang buo kong katawan? At para rin akong tinakasan ng dugo ng makita ko ang replica sa salamin na nasa likod nina Travis at Trivor.

Grabe kasi ang titig niya sa akin, parang papatayin na nga niya ako sa mga titig niya.

"MALAKAS KA LANG DAHIL NANDITO KAMI SA TERITORYO MO." Walang anu-ano'y malakas kong sabi. Yan naman ang gusto niya diba?

Daddy? Nasan na po kayo? Nasa bingit na kamatayan po ako. Natatatkot na talaga ako kung anong gagawin ko.

"Dalhin niyo na muna sila sa JR bahala na kayo kung ano niyo basta wag niyong patayin. Linilisan niyo yang mga kalat" Utos ng demonya sa mga tauhan niya.

Anong JR? At bakit ako kinakabahan?

"JR means Judgment Room." Bulong sa akin ni Travis habang hinila ako ng mga tauhan nila.

Chris, sana nandito ka para iligtas ako sa mga mamamatay'ng taong to.

***

To be continue...


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon