MBAI 47

27.1K 465 7
                                    

Continuation...
____________________________________

Di napigilang umiyak ni Valerie dahil nasigawan siya ng Daddy niya.

Nakarinig naman sila ng putok ng baril mula sa labas, nagkaroon ng pagkakataon si Salvatore ng makaalis sa kinatatayuan niya.

Nakipagpalitan rin ng putok si Salvatore at ang mga tauhan niya sa mga tauhan ni Courage, pati na rin sina Heinz, Clay, Suzane, Travis at Chris.

Si Trivor at ang iba pa nilang tauhan ay nakipagpalitan rin ng putok sa mga tauhan ni Salvatore sa mansyon.

Nang napalibutan na nina Chris si Salvatore, binigyan ito ni Chris na pagkakataong sumuko pero hindi nakinig si Salvatore.

"MAMAMATAY MUNA AKO BAGO SUMUKO SA INYO!" Matigas na sabi ni Salvatore atsaka pinaputukan ng baril si Chris pero biglang may sumalo ng bala na para sana kay Chris.

"VALERIE!" Sigaw ni Chrirg ng makita niyang bumagsak na ito.

Agad namang nakahanda ang mga kasamahan ni Chris para barilin din si Salvatore pero huli na. Binaril na ito ni Courage sa di kalayuan at bumagsak ito. Tinamaan kasi ito sa may puso.

"O-okey ka lang ba, C-C? Hehe. Hu-humingi ako ng ta-tawad sa na-nagawa ng da-daddy ko sa inyo. CC, ma-matagal ko na sana gus-gustong sa-sabihin sayo to pero lagi ako na-nauunahan ng ta-takot. Ta-takot na ba-baka la-layuan mo a-ako Cc, mahal na mahal kita." Unti-unting bumibigat ang paghinga ni Valerie hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay.

Walang ibang ginawa si Chris kundi yakapin ito. Tinuring na niya itong nakakabatang kapatid at nagligtas ng kanyang buhay.

"Kambal, patay na si Valerie." Sabi ni Travis kay Trivor mula sa earpiece. Alam ni Travis na may lihim na pagtingin ang kanyang kakambal sa kaibigan nilang si Valerie.

Mayamaya'y lumapit na rin si Travis na may sugat sa kanang balikat at niyakap rin ang bangkay ni Valerie. Mamimiss niya ang bangayan nilang dalawa sa tuwing maglalaro sila ng arcade.

Natapos na rin ang laban sa pagitan ng mga Salvatore at Hayes.

"Tayo na Chris, sila na ang bahala kay Valerie naghihintay na sa atin si Baby Yassy." Sabi ni Travis kay Chris. Nilapag na ni Chris ang bangkay ni Valerie atsaka niya naalala si Courage.

"Nasan ang asawa ko?" Chris.

"Nauuna na pong lumabas, baka nga iniwan ka na nun. Ang tindi kasi ng drama mo diyan hindi mo napansin na nandyan ang pinsan ko. Alam mo namang selosa yun pagdating kay Val." Travis. Napatampal ng noo si Chris. Nakalimutan nga niya ang asawa niya. Baka sa labas na naman siya patutulugin ni Courage.

Dali-dali namang tumakbo palabas si Chris pero di na niya naabutan ang kotse ni Courage.

'Lagot!' Sa isip niya.

-----
Sa mansyon nga mga Hayes...

Maraming nakakalat na mga bangkay sa labas ganun din sa loob, luckily may natitira pang buhay at yun sina Trivor kasama ang ilang tauhan.

"Kayo ng bahala dito. Pupuntahan ko lang si Baby Yassy sa kwarto." Paalam ni Trivor sa mga tauhan.

Agad niyang pinuntahan si Baby Yassy sa secret room, laking gulat niya na wala na si Baby Yassy sa crib nito.

"Are you looking for her?" Agad napalingon si Trivor sa likod at nakita niya si Heinz habang hawak niya sa kabilang kamay si Baby Yassy at ang isa nitong kamay ay may hawak na baril na nakatutok kay Baby Yassy.

Sakto naman ang pagdating nina Clay, Suzane, Chris at Courage.

"Heinz, ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga yang baril mo baka makalabit mo yan." Nag-alalang sabi ni Chris.

"Yun naman talaga ang gusto ang kalabitin ang gatilyong to sa batang to. Hahaha." Heinz.

"Bakit Heinz?" Di makapaniwalang tanong ni Chris.

"Bakit? Dahil dumating pa kayo sa buhay ni Courage. " Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Heinz maliban kay Courage.

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi maintindihan ni Chris ang pinagsasabi ni Heinz.

"Kung hindi ka pa sana dumating sa buhay ni Courage di ko sana hawak ang anak niyo na nasa bingit ng kamatayan. Mahal ko na si Courage nong una palang, masaya na ako na parati niya akong inuutusan atleast makakasama ko siya pero nong dumating ka, kayo ng batang to hindi na ako pinapansin ni Courage at ang mas sakit palagi na kayong magkasama. Kaya mas mabuti patayin ko kayo ng anak mo. Uunahin ko ang batang to." Heinz.

"WAG!" Sigaw nilang lahat ng muling tinutok ni Heinz ang baril sa natutulog na baby.

*BANG*

Nagbigla nalang sila ng biglang bumagsak sa sahig si Heinz at wala ng buhay, mabuti't nasalo agad ni Chris si Baby Yassy.

"Tsk! Ang galing ko talaga! Bulls eye!" Sabi ni Travis ng makatalon mula sa puno papasok sa bintana ng kwarto.

"Pinakaba mo ko. Akala ko nabaril na ang anak ko." Sabi naman ni Chris kay Travis. Napakamot nalang ito ng ulo.

Kinuha naman ni Courage si Baby Yassy mula kay Chris atsaka lumabas ng kwarto. Sinundan naman ito ni Chris.

'Kahit kampante lang itong asawa ko, sigurado akong sobrang kaba ang nadarama niya kanina, di lang niya pinapahgalata.' Sa isip ni Chris.

***

Next: Last chapter

Maggo-goodbye na ang MBAI.

MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now