MBAI 37

23.9K 446 8
                                    

Author's POV

"Kamusta yung pinapagawa ko sa inyo?" Tanong ni Hector Salvatore sa kanyang tauhan.

"Sigurado na pong sa atin papanig ang Knights Mafia." Tauhan.

"Mabuti naman. Oh! Siya, umalis ka na sa harapan ko." Mabilis namang lumabas sa opisina ni Salvatore ang kanyang tauhan.

Mayamaya pumasok si Diego Gonzaga ang kanang kamay ni Salvatore.

"Anong balita?" Agad na tanong ni Salvatore kay Diego.

"Boss, mukhang kilala na po ng mga Hayes kung nasan at sino ang anak niyo." Diego.

"ANO?! PAANO?! HINDI PWEDE TO!" Napasigaw bigla si Salvatore sa ibinalita ni Diego. Natatakot kasi siyang makilala ang anak niya ng mga kalaban kahit na pinagtraining pa niya ito.

'Hindi pwede to. Hindi pwede makilala nila ang anak ko.' sa isip ni Salvatore.

***

Valerie's POV

Naglalakad ako papasok ng University. Hindi kasi ako nagpahatid sa driver, nagcommute lang ako.

Habang naglalakad ako pakiramdam kong may sumunod sa akin. Lilingon na sana ako sa likod ng biglang---

"Oi! Val, ano pang ginagawa mo diyan? Tara na! Malalate na tayo." Nakita kong papalapit si Travis sa akin.

"Tara na!" Inakbayan niya ako at sabay na kaming naglakad papasok ng gate.

Napalingon ako sa likod. Mukhang wala na yung sumunod sa akin.

"Hindi mo ata kasama si Trivor ngayon?" Himala atang hindi sila magkasama ngayon. Kahit naman magkaiba ang ugali ng dalawa, hindi sila magkahiwalay, ngayon lang.

"May pinapagawa kasi si dad sa kanya paniguradong malalate yun. Alam mo naman si dad kapag may pinapagawa dapat tapusin agad." Tama naman! Gusto kasi ni Tito agad-agad hindi yung maya-maya.

"Papasok na ba ngayon si CC? Pang limang araw na niyang absent ngayon. Next week pa naman yung major exam natin." Nag-aalala lang ako kay Chris baka hindi siya makapasa at di makagraduate.

"Wag ka ng mag-alala dun. Alam naman nating matalino yung Chris konting basa lang niya sa libro. Atsaka baka napapasarap yung bakasyon niya dun sa probinsiya nila. Minsan lang yung magbakasyon kaya sinusulit lang niya."  May tama din itong si Travis. Lately kasi napapansin ko na lagi siyang pagod at nakakatulog sa klase, siguro nga kailangan niya yung bakasyon na yun pero paano yung pag-aaral niya, ayaw ko naman siyang bumagsak.

"Wag ka ng mag-isip diyan. Tara na baka tayo ang di makapasa niyan." Hinila na ako ni Travis papunta sa room namin.

***

Travis POV

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko at sa sinabi ni Trivor kagabi mula nong production tour hanggang nong sinundan niya ito.

Hindi naman kasi sila magkamukha at isa pa iba ang dalang apelyido ng anak ni Hector Salvatore.

"Hoy! Natulala ka na diyan? Break time na oh! Gutom na ako samahan mo na ako sa cafeteria." Hindi na ako nakapalag dahil hinila na niya ako palabas.

"Travis, bakit wala pa si Trivor? Hindi pa ba niya natapos yung pinapagawa sa kanya?" Valerie.

Ang totoo niyan, wala namang pinagawa si dad kay Trivor. Yun lang kasi ang nakita kong palusot na sigurado akong paniniwalaan ni Val.

Ang totoo niyan, nandyan lang sa tabi si Trivor nagmamasid-masid.

"Baka hindi pa niya natapos yung pinapagawa ni dad. Bakit lagi mong hinahanap si Trivor eh, nandito lang naman ako atsaka magkamukhang-magkamukha kami nun."

"Ayaw kong isipin ng iba na nagdadate tayo atsaka magkaiba kayo ni Trivor kahit na kambal kayo. Si Trivor GWAPO, ikaw KWAGO. hahaha." Sabi ni Valerie sabay tawa ng malakas.

"Grabe ka namang magsalita sa gwapo kong to? Kwago ako sa paningin mo. Aba! Val, kailangan mo ng magpatingin sa mata."

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now