MBAI 40

23.8K 444 1
                                    

Chris POV

Busing-busy ako sa kakaalaga kay Baby Yassy, ayaw ko kasi siyang ipaalaga kahit kanino maliban kina Clay, ate Suzane at siyempre sa Mama niya.

"Chris, pakarga naman kay pamangkin oh!" Nagpupumilit si Travis na kargahin ang anak ko. Agad silang lumipad ni Trivor dito sa San Francisco ng mabalitaan nilang nanganak na si Courage.

"Hindi pwede, wala akong tiwala sayo baka malaglag mo pa si Baby Yassy." Mas may tiwala pa ako kay Trivor. Ito kasing si Travis napaka-clumpsy baka malaglag pa niya pa ang anak ko at magkadabali-bali ang buto.

"Ang sakit mo namang magsalita bro, porke't saya ng lovelife mo at may bunos pang Baby Yassy." Naupo nalang siya sa tabi ni Trivor na busy sa paglalaptap.

"Bakit di mo ligawan si Valerie at buntisin mo. Yan magkakalove life ka na at soon may Baby Yassy ka na rin." Pang-aasar ko sa kanya. Ayaw niya talaga kay Valerie pagdating sa usapang lovelife pero 'pag arcade ang usapan ay di na sila mapaghiwalay, mga isip bata kasi.

Napansin ko natahimik bigla si Travis at parang lalim ng iniisip. Ano kayang iniisip nito? Siguro narealize na niyang gusto niya si Valerie at balak na niya itong ligawan.

"Hoy! Anyare?" Mukhang nabalik naman siya sa reyalidad at kinulit na naman ako tungkol sa pagkarga kay Baby Yassy.

"What's happening here?" Kabababa lang ng aking pinakamamahal na asawa. Agad siyang lumapit sa akin at kinuha si Baby Yassy.

"Ang daya bakit agad-agad mong binigay si pamangkin kay insan? Eh, sa akin ang dami mo pang sinasabi." Pagmamaktol ni Travis.

"Natural asawa ko yan at nanay ng anak ko." Ikumpara ba raw niya ang sarili niya kay Courage na nanay ni BabyYassy.

"Papaliguan ko muna si Baby Yassy." Courage.

"Tutulungan na kita." Siyempre, ako naman lagi ang tutulong sa pagligo kay Baby Yassy.

"Wag na. Dito ka nalang asikasuhin mo nalang yang mga pinsan kong may tupak atsaka si Ate Suzane ang tutulong sa akin." Sinundan ko nalang siya ng tingin habang paakyat si Courage karga si Baby Yassy at pumasok na sa kwarto namin.

"Chris, may dapat kang malaman." Napalingon ako kay Trivor. Sinara niya muna ang laptap niya saka niya ako hinarap.

"Anong dapat kong malaman?" Ano kaya? Napakaseryoso kasi ng mukha ni Trivor eventhough lagi siyang seryoso, pero iba eh, pati si Travis yung mukhang niyang katawa-tawa kanina napalitan ng seryosong mukha.

"Chris, kilala na namin ang anak ni Hector Salvatore." Naikuyum ko ang mga kamay ko sa sinabi ni Trivor parang gusto kong manapak ngayon. Gusto ko talagang patayin yang Hector Salvatore na yan.

Hinintay ko lang ang susunod na sasabihin ni Trivor.

"Si Valerie. Valerie Florencio Salvatore." Si Valerie? Anak ni Hector Salvatore? Na kabarkada namin nina Travis at Trivor? Na ituring kong nakakabatang kapatid?

Ayaw kong maniwala. Ang bait-bait ni Valerie, maliban nga lang yung production tour.

Pero teka, may sinabi siya nun 'I'd rather die than to step inside of that company' hinding-hindi ko malilimutan yun.

"Anong plano natin ngayon? Sasabihin ba natin kina insan? Karapatan din nilang malaman to." Travis. Di ako makapaniwala na siya ang matagal na naming hinahanap na anak ni Hector Salvatore.

"Wag na muna. Obserbahan muna natin ang kilos niya. Kung kinakailangan sundan, susundan natin siya." Tumango naman silang dalawa. Napakahirap sa aming tatlo to dahil mabuting kaibigan namin si Valerie.

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now