MBAI 9

27.1K 652 17
                                    

Chris POV

Lutang pa rin ang isip ko habang naglalakad sa hallway papuntang classroom ko.

"Chris!"

Hindi ko pa rin lubos maisip na kasal na ako at sa isang mafia boss pa. Kahit di ko pa siya nakikita alam kong nakakatakot ang aura niya. Lalo pa't narinig ko yung mga tauhan na nag-usap-usap na mabangis na parang leon daw si boss.

"CC!"

At isa pa si nanay, laking tuwa niya ng sinabi kong ikinasal ako kahapon kay Courage Davidson Hayes at sinabi pa niyang alagaan ko raw ang napakaganda kong asawa.

Asawa ko? Whatta word!

At maganda? Hindi ko pa nga siya nakikita. Malay ko bang mataba at pangit yun, at ito namang si nanay siniguradong maganda talaga yung asawa ko raw.

Ang sabi ni Heinz baka mamayang gabi daw uuwi si boss.

"Chris!"

Nga pala, do'n na din daw ako titira dahil asawa ko na raw ang boss nila.

"CRISOSTOMO BALA CALIBRE!"

P*TA! Sino ba yang nagkumpleto sa pangalan ko?

Napalingon ako sa likod dahil dun nanggaling yung boses na yun at nakita ko sina Travis, Trivor at Valerie na nakatingin sa akin ng masama.

Ano bang problema ng mga to?

"Bro, kanina pa kami tawag ng tawag sayo. Namamaos na nga kaming tatlo rito."Travis.

"Bakit ba?" Ako.

"Lagpas ka na po kasi sa classroom natin." Trivor.

Napatingin ako sa paligid.__Oo nga, lagpas na pala ako.

"May problema ka ba, CC? Tungkol ba to sa pagkidnap sayo?" Nag-alalang tanong ni Valerie. Teka, alam niya?

Napatingin ako sa dalawa at si Travis nag-iwas ng tingin... Kunti nalang iisipin ko ng bakla to, nakapadaldal.

"Wala atsaka di naman ako kinidnap. Kung kinidnap man ako wala sana ako rito. " Ginulo ang buhok niya para di na siya mag-alala.

Pumasok na kaming lahat sa classroom sakto namang pagdating ng prof. namin.

KRrinnggg! (Bell po yan)

Breaktime na namin at  kasama ko ang dalawang tukmol na to. Hindi namin kasama si Valerie dahil may gagawin pa raw siya.

"Bro, di ba kinidnap ka kahapon? Ano nangyari? Nakatakas ka?" Travis.

"Tanga ka ba? Sa tingin mo nandito si Chris sa harap natin kung di siya nakatakas?" Trivor.

"Kung makatanga naman to, akala niya, di niya ako kakambal." Nakasimangot na turan ni Travis.

"Nga pala bro, anong nangyari sayo? Paano ka nakatakas sa mga kumidnap sayo?" Isa pa to.

Akala talaga nila nakidnap ako?...Parang ganun na rin pala, ito kasing mga pakulo ni Heinz. Susunduin na nga lang dinadaan pa sa dahas. Pwede naman sanang kausapin nila ako ng maayos at sasama din naman ako sa kanila.

"Bro, wag kayong mag-alala hindi naman ako kinidnap ng mga yun. Mga kaibigan ko sila dati at sinundo nila ako. At dahil mahilig sila sa adventure kaya ginawa nila sa akin yun." Hindi na dapat nila malaman kung anong nangyari sa akin kahapon. Sigurado naman akong hindi maniniwala ang mga to na ikinasal ako sa isang mafia boss kahapon, ni hindi nga ako makapaniwala hanggang ngayon.

"Ganun vah! Akala namin kinidnap ka nila talaga. Kung nagkataon sino kaya ang magtutubos sayo?" Travis.

"AT TALAGANG GUSTO MO AKONG MAKIDNAP?" Pusang gala! naman tong lalaking to.

Ring... Ring... Ring... (phone rangs.)

"Mga bro sagutin niyo na yung Phone niyo kanina pa yan nagriring." Ako.

"Hindi sa akin yan. Dessert yung ringtone ko." Trivor.

"Mas lalong hindi akin yan. New Thang kaya yung akin." Travis.

Eh, kanino naman kaya yun? Ang lakas pa ng ringtone.

"Teka, bro parang galing diyan sa bag mo." Trivor.

"Hahaha. Paanong galing sa bag ni Chris, eh, wala naman siyang cellphone." Travis.

Pinakinggan naming maigi yung tunog tapos kinuha ko yung bag ko at---

Kinalkal ko ang bag ko at may nakita akong cellphone. Wala naman akong cellphone pah.

"Woah! Iphone S6!" Travis. Kanino kaya tong cellphone na to?

"Bro, sagutin mo na baka importante yan." Trivor.

Unknown number calling...

Sinagot ko na ang tawag baka---

[WHAT TOOK YOU SO LONG TO ANSWER MY CALL.] Hala! Nakakatakot naman ang babaeng to. Kaano-ano kaya nito ang may ari nitong cellphone na to?

[ARE YOU STILL THERE, CRISOSTOMO BALA CALIBRE?] Sino kaya to? Ba't alam niya ang pangalan ko?

"Sino--"

[TSS. MEET ME AT PHOENIX COFFEE NOW!]

Toot... toot... toot...

Sino kaya yun? Wait? Don't tell me she's Courage? My wife?

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon