MBAI 19

26.4K 507 2
                                    

Chris POV

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mga naglalaro ng volley ball sa labas.

Di ko lubos maisip na may nang---

"Arrgh!" Napasabunot ako sa buhok ko.

"Hey! Chris, anong nangyari sayo? Nasiraan ka na ba ng bait? Kaya sinabunutan mo ang sarili mo?" Sabi ni Travis sabay upo sa harap ko. Hindi ko nalang sila pinansin at dinukmo ko ang ulo ko sa desk.

Flashback: Earlier

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Babangon na sana ako ng makita ko ang damit kong sinuot kagabi na nakakalat sa sahig.

Bigla akong napatingin sa sarili ko. Wala akong suot na damit, nakaboxer nalang ako.

Inisip kong mabuti ang mga nangyari kagabi. Nag-inuman kami tapos nakatulog na yung iba dahil sa sobrang kalasingan. Naiwan nalang kaming dalawa ni Courage na nag-iinuman pa rin, binati niya ako tapos lumapit ako sa kanya at hinalikan tapos binuhat ko siya without breaking the kiss, tapos--O_O

WOAHH! Di kaya may nangyari sa amin kagabi?

Napatingin ako sa tabi ko, wala naman siya.

Haaay! Salamat naman! Wala sigurong nangyari.

Nang bumangon na ako at inayos ang higaan ko may nakita akong matsa ng dugo sa kama ko.

O_O May nangyari nga sa amin.

End of Flashback:

Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya. T_T nahihiya talaga ako sa ginawa ko.

"Hoy! Chris, nakatulog ka na diyan?" Travis.

Napa-angat ako ng ulo at mukha ng dalawa ang una kong nakita.

"Anong problema mo?" Trivor. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Di ko alam paano sasabihin ang problema ko.

"Naiintindihan ka namin kung ayaw mong sabihin. Basta Chris nandito lang kami." Trivor.

-----

Maaga kaming dinismiss ng prof. namin kaya kinakabahan akong naglakad ngayon papasok ng mansyon. Nahihiya ako kay Courage.

"Chris, nandyan ka na pala. May misyon tayo mamayang gabi." Heinz.

Misyon? T_T Ibig sabihin makakasama ko na naman si Courage. Wala akong mukha maihaharap sa kanya.

"Pinapasabi nga pala ni Boss na mawawala siya ng ilang linggo kaya tayo muna ang gagawa ng misyon." Heinz.

Bigla naman akong nabuhayan ng dugo. Ibig sabihin ilang linggo ko ding hindi makikita si Courage.

***
Author's POV

Nakahanda na sina Chris, Heinz at iba pang mga tauhan para sa gagawin nilang misyon.

Si Chris ang nakatuka para patayin si Don Rogelio Dimagiba. Isang lider ng sindikato na nagbebenta ng mga smuggle na armas galing China.

Pinagmamasdan muna ni Chris ang kilos ni Dimagiba at hinintay ang go signal ni Heinz na nasa control room ngayon.

"Chris, it's time." Pinaputukan agad ni Chris ang ulo ni Dimagiba gamit ang 50 cal Sniper Rifle.

"Good job guys! Let's celebrate!" Heinz.

***
Someone's POV

"Boss, patay na po si Rogelio Dimagiba." Balita sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

Arrgh! Arrgh!

Dalawa na ang napatay sa mga galamay ko.

Sino ba yang hinayupak na pumapatay sa kanila?

Alam kong hindi Hayes Mafia ang pumatay sa kanila dahil hindi niya titirahin ang mga galamay ko, dididitso yan sa akin.

"Alamin niyo kung sino ang nasa likod ng pagpatay kina Dimagiba at Agustin. Alam kong isa lang ang pumatay sa kanila." Sigurado ako na isa lang ang pumatay sa kanila.

Kung sino ka man? Magtago ka na sa lungga mo.

***

Thanks for reading.

-dkc



MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now