MBAI 38

23.6K 424 3
                                    

Hector's POV

"Boss, ito na po yung report na pinapaimbestigahan sa akin." Inaabot sa akin ni Diego ang isang brown envelop. Binuksan at binasa ko ang mga ito.

Pagkatapos ko basahin ay inabot ko muli sa kanya ang brown envelop ayaw ko kasing makita yang pakalat-kalat rito sa opisina ko.

"Maaari ka ng lumabas."

Nagsalin ako ng alak sa aking baso at pumunta sa dart area ko. Kumuha ako ng dart atsaka binato dun sa dart board kung nasan nakalagay ang picture ni Courage Hayes.

Buntis ka na pala at kabuwanan muna ngayon. Sisiguraduhin kong mamamatay yang anak mo. HAHAHA.

Knock... Knock...

"Pasok!" Tinabi ko muna ang dart at baso na hawak ko sa tabi saka ko hinaharap ang aking tapat na tauhan.

"Boss, nakaantabay na po ang mga tauhan natin dun sa San Francisco inaantay nalang po nila ang utos niyo." -Tauhan.

"Mabuti. Intayin muna nating manganak si Courage saka gawin ang pagkidnap sa anak nila ng Calibre na yun." Humanda kayong dalawa sa akin.

-----

"Dad, what's happening? Bakit ang dami ng body guards ko? Di ba pwedeng isa nalang atsaka bakit may body guards pa ako. Kaya ko naman ang sarili ko." Reclamo ng kanyang anak.

"Hayaan mo anak pansamantala lang yan hangga't hindi pa nakikita nakikila ang naghack ng profile." Para din naman sa kanya tong ginagawa ko.

"Okey dad, I understand pero wag naman nila akong sundan ng sundan sa loob ng university baka matakot yung mga kaklasi ko."

"Ok. Just take a rest now. Maaga pa ang klasi mo bukas."

"Okey dad. Good night!" Hinalikan niya muna ako bago lumabas ng opisina ko.

***
Travis POV

"May nakita ka bang kahinala-nila sa kinikilos niya kanina?" Tanong sa akin ni Trivor.

Nandito kami ngayon sa hide-out namin ni kambal sa ilalim ng aming mansyon. Tanging kami lang dalawa ang nakakaalam nito maliban sa gumawa ng matagal ng patay. Si Tito Darwin, daddy nina Kuya Clay at Courage.

"Wala naman maliban sa hinahanap kayong dalawa ni Chris. Ewan ko ba sa babaeng yun, kasama na nga niya ang gwapong katulad ko naghahanap pa ng iba."

"Ewan ko sayo, Travis." Trivor. Totoo naman diba? Gwapo ako.

"Aist! Oo na. Kamusta nga pala yung pagmamasid kanina?__Buong araw ka talagang absent noh? Alam mo namang malapit na yung major exam, mag-ala Chris ka pa eh matalino yun." Hindi naman mahina yang si Trivor, napakatalino nga yan. Kasama siya sa Top 10 sa buong College of Business and Accountancy, sadyang naghahanap lang talaga ako ng karamay.

"May tinapos lang ako kanina kaya hindi na ako nakapasok ng tanghali." Trivor.

Teka, tinapos? Anong tinapos ang ibig niyang sabihin?

"Anong tinapos mo?" Wag mong sabihing nag-aadventure kang mag-isa at hindi mo ako sinama.

"Yung lalaking nakasuit at mukhang sa tingin ko body guard yun. Nakaturo yung baril niya sayo kanina kaya inunahan ko na." Na touch naman ako sa sinabi ni kambal kaya di ko napigilang yakapin siya.

"Ano ba Travis? Para kang bakla."

"Grabe siya oh! Hindi mo nga ako sinali diyan sa adventure mo tinawag mo pa akong bakla. How could you do this to me? Ginawa ko lahat ang pinapagawa mo sa akin tapos ito lang ang makukuha ko? Bakit? Bakit? BA--"

"Ayan natahimik ka rin." Ang sama talaga nitong kambal kong to, pasakan ba ng maraming chips ang bibig ko.

Paano kong nabulunan ako? Di, di ako makahinga at mamamatay nalang ang gwapong si ako?

"Ang drama mo! Bakla ka talaga." Trivor.

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now