MBAI 16

26.2K 522 2
                                    

Author's POV

"Anak, gising!"Pukaw ng ginang sa kanyang anak na mahimbing na natutulog.

Nagising naman ang lalaki at nagkusot ng mata. Nagulat siya ng makita ang nanay niya.

"Nay, buhay po kayo?" Tanong nong lalaki na di pa rin makapaniwala na nasa harapan niya ang kanyang ina.

"Chris anak, tandaan mo lagi yung sinabi ko sayo na alagaan at poprotekhan mo ang magiging pamilya mo." Saad ng ginang sa kanya.

"Opo nay. Hinding-hindi ko po kakalimutan yan." Sabi nong lalaki.

Biglang may lumabas na bulto ng tao sa likod ng nanay niya at napaiyak nalang siya na mapangsino yung taong yun.

"Tay?" Agad lumapit yung lalaki at niyakap niya ang tatay niyang matagal na niyang hindi nakapiling.

"Anak, magpakatatag ka. Nandito lang kami ng nanay mo.__Sige na anak, aalis na kami ng nanay mo." Paalam ng tatay niya.

"Anak, mahal na mahal ka namin." Sabi ng nanay niya at unti-unti na silang nawawala sa paningin ni Chris.

***
Chris POV

"Chris, gising!" Sino ba yang nanggising sa akin? Istorbo!

"Chris, gumising ka na, may naghahanap sayo sa labas mukhang nakakatakot." Travis.

Nandito pala ako ngayon sa apartment na dati naming tinitirhan ng nanay ko. Dito na muna ako nag-estay dalawang linggo na ang nakaraan magmula nong namatay si nanay. Marami kasi kaming masayang ala-ala dito ni nanay at gusto kong sariwain ang mga yun at sandaling isipin na panaginip lang ang lahat na buhay pa si nanay.

"Lalabas na ako. Wag kang matakot di naman sila nangangain." Ilang araw na ding pabalik-balik tong si Heinz kasama ang mga tauhan ni Courage.

"Chris, kailangan munang bumalik sa mansyon. Kailangan mo nang bumalik sa pagtetraining." Tae! naman tong si Heinz dito pa talaga niya sinabi na nandito si Travis.

"Mansyon? Training?" Naguguluhang tanong ni Travis habang palit-palit niya kaming tingnan ni Heinz.

"Ba-bagong online game. Tama! Online game. Hahaha." Sana maniwala tong tukmol na to sa palusot ko.

"Ah. Ganun ba? Akala ko ano na. Sige Chris, mauna na ako baka hinahanap na ako ni Trivor. Alam mo naman madali niyang mamiss ang gwapo niyang kambal." Travis.

Mukhang naniwala naman siya sa palusot ko. Pasalamat nalang ako wala si Trivor dito kung nagkataon mapapaamin ako ng wala sa oras.

"Sige. Ingat Travis. Tanga ka pa naman. Hahaha." Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Nong masiguro ko ng wala na si Travis binalingan ko ng masamang tingin si Heinz.

"G*go! Muntik na tayong mabuko kanina ni Travis." Ngunit di niya pinansin ang sinabi ko.

"As I am saying kanina, kailangan mo nang bumalik sa mansyon sa lalong madaling panahon." Heinz.

"Bakit ba?" Walang gana kong tanong.

"Hindi ko alam basta umuwi ka na sa mansyon." Sabi ni Heinz atsaka lumabas na ng apartment ko.

-----

Pagkadating ko mansyon dumiretso ako sa opisina ni Courage, may gusto kasi akong itanong sa kanya.

Kakatok na sana ako ng makita kong nakaawang ang pinto at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ni Heinz.

Aalis na sana ako ng marinig ko ang pangalan ng aking ina.

"Are you sure, that old hag who ordered those assh*le to kill Ana Calibre?" Heinz.

Si nanay pinatay? Diba ataki sa puso ang kinamatay niya, yun ang sabi ng doktor.

"Yes! And I don't know what his motive to kill that Ana Calibre." Courage.

Biglang napatingin si Courage sa gawi ko. Di na ako nagtago pumasok nalang ako ng tuluyan sa opisina niya at naupo sa upuan na katapat ni Heinz.

"I know you heard everything. So, what is your plan?" Courage.

"Totoo ba? Totoo ba na pinatay si nanay? At hindi ataki sa puso ang ikinamatay niya?" Nanginginig kong tanong.

Tumango si Courage at nakayuko lang si Heinz sa tabi. Akala ko iniwan ako ni nanay dahil hindi na niya kinaya ang sakit niya yun pala pinatay siya.

"Sino ang pumatay?" Malaman ko lang kung sino ang pumatay kay nanay sisiguraduhin kong sa impyerno ang punta niya.

***

Thanks for reading.

-dkc

MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now