MBAI 22

26.5K 539 10
                                    

Chris POV

"Okey class, we all know that the foundation week is getting near at gaya ng nakagawian natin magtatayo tayo ng mga iba't-ibang booths. Kayo na ang pumili kung ano ang gagawin niyo.__Alis na ako Ms. Florencio see me at the faculty kung ano na ang gagawin niyong booth.__Bye Class!" Mrs. Montes.

Ayaw ko talaga ng foundation week. Nakakairita kasi lalo na kapag may blind date at marriage booth. Di naman sa nagmamayabang, bentang-benta ako kapag foundation week.

"Siguradong bentang-benta na naman si Chris nito. Hahaha." Travis.

"So, okey na tayo sa Maid Café booth? Wala ng tututol?" Valerie.

Pansin ko umiwas na siya sa amin o sa akin mula nong huli naming pag-uusap.

Wala namang tumutol sa kanya kaya pinauwi na kami.

Nasa gate palang ako ng mansyon ng patakbong sinalubong ako ni Butler Seyo.

"Sir Chris, nakadala po ba kayo ng dragon fruit?" Butler Seyo.

Dragon fruit? May ganun bang prutas?

"Hindi niyo po ba natanggap yung text ni Sir Heinz, Prime, Lady Suzane at ni Boss?" Boss? Nakabalik na siya?

Dali-dali akong tumakbo papasok ng mansyon. Naabutan kong nakaupo si Courage sa sofa. Walang anung-ano'y niyakap ko siya. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin, basta ang gusto ko lang ay yakapin siya.

"Where are the dragon fruits I texted you." Bigla akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at bahagyang napalayo baka masuntok ako nito.

"Hehe. Pasensiya na hindi ko nabasa. Low--"

"ARRGH! JUST BUY ME NOW OR ELSE I'M GONNA KILL THIS LITTLE CREATURE INSIDE ME!" Huh? Little Creature? Inside her?

"She's two months pregnant and she's carving for a dragon fruit." Bulong ni Ate Suzane.

Pregnant? 2 months? It means---

"WHAT ARE YOU WAITING FOR? BUY ME NOW!" Courage.

Agad akong tumakbo palabas ng mansyon para ibili si Courage ng dragon fruit.

"Chris, sumakay ka na rito para mas mabilis tayong makarating kung saan may nagbebenta ng dragon fruit." Heinz. Agad akong sumakay sa kotse.

"Heinz, may dragon fruit ba talaga?" Eh, ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganyang prutas eh.

"Ewan. Di ko alam. Bigla nalang kasing dumating kanina si Boss na namumutla at nagsusuka kaya pinatawag ni Prime ang doktor. Sinabi ng doktor na dalawang buwan ng buntis si Boss.___Graveh ka Chris nakapuntos ka agad. Hahaha. Paano kaya niyo ginawa yun?" Napahawak sa baba niya si Heinz at tela nag-iisip.

"Gag*! Ano bang koneksyon ng tanong ko sa sinabi mo?"

"Chris, buntis si Boss at sa tingin ko dragon fruit ang pinaglilihian niya kaya wag ka ng tumunganga maghanap ka na ng dragon fruit diyan." Heinz.

Pang-lima na grocery store na tong pinasukan namin ni Heinz, wala pa rin kaming nakitang dragon fruit.

"Grabe! Ang hirap namang hanapin ng prutas na yun." Heinz.

"Dun tayo Heinz. Baka meron dun." Tinuro ko sa kanya yung supermarket. Hindi ako uuwi hangga't hindi ako nakakadala ng dragon fruit na yan, alang-alang sa mag-ina ko.

"Chris, dito nalang ako maghihintay sa kotse pagod na kasi ako." Heinz.

Pagod? Sabihin mong maarte ka lang.

Kaya ako nalang mag-isa ang pumasok ng supermarket. Agad kong tinungo ang fruit section.

"Manang, may dragon fruit po ba kayo?" Ako.

"Meron iho. Ilang kilo ba sayo?" Manang. Salamat naman at meron dito.

"Talaga po manang? Hulog po kayo ng langit sa akin." Di ko napigilang napaakap ako kay manang sa sobrang tuwa.

"Wag ka ngang mang-akap baka kita tayo ng asawa ko. Kung ano pang isipin nun." Manang.

"Pasensiya po manang. Natuwa lang po kasi ako, kanina pa kasi ako hanap ng hanap dragon fruit." Ako.

"Mahirap talagang hanapin to kasi di pa masyadong kilala ang dragon fruit.__Ilang kilo sayo?" Manang.

"Lahat na po manang." Nakangiti kong sabi ni manang.

"Sigurado ka iho? Limang karton tong nandito." Manang.

"Opo manang." Natuwa naman si manang at tinawag yung asawa niya para kunin yung limang karton ng dragon fruit sa loob.

"Ito na po ang bayad manang." Inabutan ko siya ng limang libo.

"Naku! Iho sobra ito." Isasauli niya sana yung sobra ng pigilan ko siya.

"Wag na po manang. Pasalamat ko na rin po yan sa inyo. Hehehe. Dito na po ako bibili ng dragon fruit sa inyo.__Sige manang mauna na po ako."

Masayang-masaya ako nakabalik sa mansyon dahil nakabili rin ako ng dragon fruit.

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now