MBAI 44

22.4K 417 18
                                    

Continuation...
____________________________________

Still Valerie's POV

"WELCOME TO JUDGMENT ROOM!" Sabi nong lalaki.

"Ang tagal din natin itong hindi nagamit. Sino nga ba yung huli nating pinarusahan rito?" Patay malisya niyang tanong dun sa babae na naglalaro ng mga dart saka inihagis dun sa pader.

"Hmmm. Sino nga ba?" Napahawak pa ang lalaki sa chin na tila nag-iisip.

"Si Christian Salvatore." Sabay nilang sabi.

Bigla ako napatigil sa pagmumumiglas ko mula sa pagkakahawak sa akin ng dalawa nilang tauhan.

Di-dito nila pinatay si Kuya? Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"Igapos niyo na ang dalawang yan." Utos nong lalaki sa mga tauhan nila.

***
Chris POV

Alam ko ang mga nangyari kanina palang ng mula sa pagpatay nila sa mga tauhan naming nakabantay sa labas hanggang sa makapasok sila sa loob ng mansyon at pinagbabaril nina Trivor at Travis.

Halatang nagulat si Valerie sa paglabas nina Trivor at Travis na may dalang sniper.

Hindi na ako bumaba kanina. Baka mas lalong maguluhan si Valerie kapag lumabas pa ako kaya nananatili nalang ako dito sa kwarto namin ni Courage habang binabantayan si Baby Yassy.

At dahil nasa taas lang ako, nakikinig lang ako sa mga pinag-usapan nila.

Mayamaya pumasok na rin si Courage.

"Anong binabalak mong gawin sa kanila?" Agad kong tanong kay Courage habang papaupo sa kama namin.

"I want to feel Hector Salvatore how the feeling of losing someone he protect and love." Courage.

"Papatayin mo din si Valerie?" Hindi naman ako papayag sa gusto niya.

Alam ko namang nasaktan talaga siya sa pagkamatay ng mga magulang niya, ganun din naman ako pero di ko kayang patayin ang taong walang kasalanan.

Si Salvatore ang pumatay kaya siya ang dapat magbayad ng mga kasalanan niya di yung iba.

Kahit papano naging mabuting kaibigan namin si Valerie sa mahabang panahon, nagkataon lang na anak siya ni Salvatore.

Hindi na sumagot si Courage at humiga na kama.

***
Hector's POV

"Boss, napatay po lahat ng mga tauhan natin na kasama ni Miss Valerie at bihag na ng mga Hayes sina Diego at Miss Valerie." Kumuha ako ng baril at agad binaril ang tauhan kong nagbalita sa akin ng kaganapan sa mansyon ng mga Hayes.

"Arrgh!" Pinatay na nga nila si Christian ngayon hawak naman nila si Valerie.

Paano nangyaring natunugan kami ng mga Hayes?

Malinis ang pagpaplano naming dukutin ang anak ni Hayes at Calibre. Maliban kung may traidor sa grupo ko.

Oras ng malaman ko ang traidor na yan, sisiguraduhin kong hindi na siya masisikatan ng araw.

"Boss, pinapatawag niyo po raw ako." Tauhan.

"Heinz, ihanda mo ang mga tauhan natin. Susugod tayo sa teritoryo ng mga Hayes." Ito na ang panahon para tapusin ang giyera na ito.

Humanda kayo Hayes at Calibre sisiguraduhin ko kayo ang mamamatay sa laban na to.

***

Next: The War

Malapit na ang katapusan.

-dkc




MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora