MBAI 24

25.6K 549 3
                                    

Chris POV

"Alam niyo, namiss ko rin to. Yung magkasama tayong apat. Kung hindi nangyari yung pagsabog kanina, wala tayong bonding ngayon." Travis.

Nandito kami sa isang bar ngayon. Ewan ko ba kung bakit dito nag-aya tong si Travis, kadalasan naman sa arcade.

"Pasensiya na kayo kung iniiwasan ko kayo nong mga nakaraang araw." Valerie.

"Bakit mo nga ba kami iniiwasan?" Travis. Hindi sinagot ni Valerie si Travis at yumuko nalang.

"Okey lang kung ayaw mong sabihin. Ang importante hindi mo na kami iniiwasan ngayon."

"Thank you CC." Hindi ako nakakibo ng bigla niya akong niyakap.

"Sorry CC, natutuwa lang ako dahil hindi kayo galit sa akin." Valerie.

"Hahaha. Okey lang. Let's drink." Sigaw ni Travis sabay taas ng beer niya. Sumunod naman kaming tatlo at nagcheers.

-----

"Chris, saan ka uuwi? E-dodrop ka nalang namin." Trivor.

"Wag na. Kaya ko pa ang sarili ko at baka gabihin pa kayo masyado sa daan. Ihahatid niyo pa si Valerie sa condo niya." Hindi pa naman ako masyadong lasing. Sina Travis at Valerie lasing at nakatulog na.

"Okey ikaw bahala. Paano una na kami sayo." Trivor.

"Sige. Mag-ingat kayo." Pinaandar ni Trivor ang kotse atsaka lumarga na.

Nagpara na rin ako ng taxi para makauwi na.

-----

"Where have you been?" Napatigil ako sa pag-akyat ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Sa--" Sasagot sana ako ng pinutol niya.

"Why you are late?"

"Nagka--"

"Why you smells like beer?"

"So--"

"Are you drunk?"

"Hin--"

"Whose with you?"

"Ka--"

"Answer me?" Paano ako makakasagot eh palagi niyang pinuputol ng tanong.

"*sniff* I'm sorry *sniff* for acting like a worried wife. *sniff*."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod siya at nagpunta sa kusina.

Teka, umiiyak siya?

Agad ko siyang sinundan sa kusina at dun naabutan ko siyang nakaupo sa isang stall na umiiyak.

Linapitan ko siya at niyakap mula sa likod.

"Hindi mo kailangang magsorry gawain talaga yun ng asawa. Ako ang dapat magsorry, hindi ako nakapagpaalam sayo na gagabihin ako at nag-iinum pa." Dapat lang talaga akong magsorry. Hindi ko iniisip na may nag-alala at nag-aantay sa akin.

"Teka? Ba't gising ka pa? Masama sa inyong magpuyat ni baby." Oo nga, ba't gising pa ito?

"We're both hungry." Nakapout niyang sabi. Wang ya! Wag kang gumanyan baka di ko mapigilan ang sarili kong halikan ka.

"Ganun ba. Anong gusto niyong kainin ng ipaghanda ko kayo." Kahit na ano wag lang sanang dragon fruit. Magmumukhang dragon na talaga yung anak namin.

"We want noodles." Salamat naman. Kukuha na sana ako ng noodles sa hanging cabinet.

"Dragon fruit flavor." Anak ng! Sigurado na akong wala ganun.

"Pwede itong beef nalang? Wala kasi tayong ganun."

"Hindi pwede. Yung dragon fruit flavor talaga ang gusto namin." Biglang napataas ang boses niya. Balak niya atang gisingin ang lahat ng tao dito.

"Okey. Okey. Igagawa na kita. Just wait for awhile." Ano ba ang gagawin ko?

TAMA!

Kinuha ko yung ginagawa ko kaninang umaga na dragon fruit juice at siyang ginawa kong pangsabaw sa noodles.

Hahaha. Ang talino ko talaga.

"Ito na yung noodles dragon fruit flavor mo." Nilapag ko sa harap ni Courage yung isang bowl ng noodles. Agad naman niya itong sinunggaban.

Grabe! Buong araw ata tong di kumakain. Diri-diretso lang ang subo niya.

"Thanks for the food." Sabi niya matapos kumain.

"Walang anuman basta para sa inyong dalawa ni baby." Hinaplos ko ang maliit na umbok na tiyan niya.

"I'll go ahead first." Courage.

"Sige. Ililigpit ko muna to." Lumabas na siya ng kusina at umakyat sa taas.

Kung buhay pa sana sina nanay at tatay sigurado akong masaya sila para sa akin lalo na't magkakababy na ako.

***

Thanks for reading.

-dkc

MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now