MBAI 17

26.1K 548 2
                                    

Author's POV

Maagang nagdismiss ang prof. nila Chris dahil may biglaang meeting. Nagkakaayaan ang iba na maglaro ng arcade kasama na ang kambal at si Valerie.

"Bro, tara arcade tayo. Matagal-tagal na rin tayo di nakakapaglaro." Aya ni Travis kay Chris na kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit.

"Pass na muna ako. May importante pa akong gagawin.__Sige una ako, kita nalang tayo bukas." At lumabas na si Chris ng classroom.

Naiwan naman ang tatlo na nakatayo pa rin. Ilang linggo na rin nilang napapansin na ganyan si Chris. Hindi naman nila matanong kung may problema ba ito dahil palagi nalang itong nagmamadaling umuwi.

Pagdating ni Chris sa mansyon, agad siya nagpalit ng damit at nagtungo sa training area ni Courage. Pinayagan siya ni Courage na pwede sa training area niya na magtraining si Chris.

Wala ngayon sa bansa si Courage dahil may malaking transaction sa underground business sa Japan kaya solo siyang magtetraining ngayon.

Sa ilang linggo ng pagtetraining ni Chris nag-iimprove na ang kanyang mga skills lalong-lalo na sa pagamit ng baril. Naging purgisido siyang sa pagtetraining nong nalaman niyang pinatay pala ang nanay niya.

***
Chris POV

Naglalakad ako sa hallway ng may tumawag sa akin.

"CC!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Valerie.

"Bakit?" Malamig kung tugon.

"Ang cold mo naman. Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" Naging cold na ako sa mga tao sa paligid ko mula nong nalaman kong pinatay si nanay.

At tinandaan ko yung sinabi ni Courage nong training namin na 'Don't trust anyone around you. Even me.' nalilito man ako pero ginawa ko.

"Wala." Tipid kong sagot. Nakatitig lang siya sa akin. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya pero mukhang wala na kaya tinalikuran ko na siya at naglakad ulit papunta sa library.

Ayaw ko ng mag-aksaya ng oras sa taong hindi naman magsasalita at tititigan ka lang.

***
Valerie's POV

Pinagmamasdan ko nalang ang likod niya habang papalayo na siya.

Nagbago na siya, naging cold na siya sa akin at nasasaktan ako sa ginagawa niya.

'Chris, bakit ka ba nagkakaganyan?' sa isip ko.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Nagulat ako ng may biglang lumitaw na panyo sa harap ko.

"Ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak?" Sabi ni Trivor sabay abot sa akin ng panyo.

Pagkaabot ko sa panyo ay agad din siyang umalis. Kahit napakasungit nitong si Trivor, may tinatago din pala itong kabutihan.

Pagkatapos kong magpunas ng luha ay dumiretso na ako sa classroom baka malate pa ako.

-----

Nasa kalagitnaan kami ng diskasyon ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Chris.

At kailan pa siya nalate? Napakaistrikto niya sa oras.

"Why are you late Mr. Calibre?" Prof.

"Over sleep." Yan lang sinagot niya sa prof. namin at umupo na siya sa upuan niya.

"Ang laki na talaga ng pinagbago niya." Bulong sa akin ni Travis.

Babalik na sana ulit sa pagdidisscuss si Mrs. Buencamino ng biglang may tumunog na cellphone.

"Kaninong cellphone yan?! Patayin niyo yan at lumabas kayo sa classroom na ito." Galit na sabi ni Prof.

Biglang tumayo si Chris at lumabas ng classroom.

At kailan pa siya nagka-cellphone?

"Matagal na. Di mo alam. Kawawa ka naman." Bw*sit! Talaga tong Travis na to.

Ang dami ko na palang di alam kay Chris.

***

Thanks for reading

-dkc

MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now