MBAI 25

26.1K 559 10
                                    

Chris POV

"Sir Chris, tawag po kayo ni boss." Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng to?

Isang araw lang ang naging foundation week namin sana dahil sa nangyaring pagsabog at ngayon nandito lang ako sa mansyon. Palaging inuutusan ng magaling kong asawa, para na akong personal maid nito. T_T

"Ano na naman ang kailangan mo?" Lumingon siya sa akin at---

"Anong nangyari sayo?" Eh, nanunubig kasi ang mata niya. Linapitan ko siya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"*sniff* Pagod ka na ba sa akin,*sniff* sa amin ni baby? *sniff*." Umiiyak niyang tanong.

Niyakap ko siya at hinaplos ang likod niya, ayaw ko kasing makakita na babaeng umiiyak lalo't na asawa ko pa.

"Tahan na. Wag ka ng umiyak. Kailan man hindi ako mapapagod sa iyo, sa inyong dalawa ni baby." Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko.

Hindi ko alam kung paano o kailan ko nararamdaman ito, mahal ko na siya.

"Talaga?! Sabi mo yan ah.__Igawa mo nga kami ni baby ng dragon fruit salad." Masigla niyang sabi.

Kasasabi ko lang di ba na hindi ako mapapagod?

T_T ang hirap pa namang tanggalin ng mga buto nun.

"Sige, hintayin mo lang dito."

"Thank you hubby." Ano raw?

Hubby?!

***
Travis POV

Wala kaming pasok ngayon dahil sa nangyaring pagsabog sa unang araw ng foundation week namin.

"Ang daldal mo, tara na." Trivor.

Ewan ko ba sa kambal kong to. Nagmamadaling pumunta sa bahay ng pinsan namin.

Pupunta kami ngayon sa bahay ng pinsan naming matagal na naming hindi nakikita magmula nong mamatay ang magulang nila.

At kahapon lang sinabi ng daddy namin na nandito sila sa pilipinas at doon umuuwi sa kanilang mansyon kaya bibisitahin namin sila dun.

-----

"Kambal, sigurado ka ba dito yung daan papunta sa kanila? Eh, gubat na tong dinadaanan natin." Si Trivor kasi ang nagmamaneho at GPRS ang gamit naming pangtuntun sa lungga na aking mga pinsan. Nakalimutan kasi naming itanong kay daddy yung address nila. Ito kasing si Trivor nagmamadali.

Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa magmamaneho hanggang sa may nakita na kaming isang mansyon.

Ito na siguro yun.

"Trivor and Travis McCain." Hindi ko namalayan nasa harap na pala kami ng gate at kausap ni Trivor yung lalaking nakamen in black.

Pinagbuksan naman kami ng gate at nagpasalamat na rin ako dun sa men in black, hindi naman kasi nagpasalamat tong si Trivor.

Pagkababa namin ng kotse agad naming nakita si Kuya Clay at mukhang papaalis siya.

"KUYA CLAY!" Napalingon naman siya sa amin.

"Trivor? Travis? Kayo na ba yan? Ang laki niyo na." Kuya Clay.

"At gwapo pa. Hahaha." Ako.

"Aalis po kayo Kuya Clay?" Tanga lang tong si Trivor, kita ngang nakamen in black din si Kuya Clay at may dalang brief case siguradong aalis yan.

"Oo. May aasikasuhin lang. Teka, malalate na ako. Pasok lang kayo nandyan si Ate Suzane niyo sa sala. Si Courage naman sa garden. Sige una na ako." Kuya Clay.

Di na namin pinigilan si Kuya Clay. Pagpasok namin sa loob---

.

O_O Ako

.

O_O Trivor

.

"Kung di lang kita mahal di ako magpapakahirap ng ganito.____Paano ako gagawa ng dragon fruit salad?____Sa dinami-dami bang pwedeng paglihian bakit yun pa?____Panginoong diyos bakit niyo po ako pinapahirapan ng ganito?"

Si Chris ba yong nakita naming dumaan at parang bumubulong na dinig naman namin ni Trivor?

"Si Chris ba yon?" Trivor.

"Tara sundan natin ng malinawan tayo." Susundan na sana namin si Chris ng biglang dumating si Ate Suzane.

"TRAVIS? TRIVOR? KYAAAH! LONG TIME NO SEE! KAMUSTA NA KAYO? SI TITO DANIEL KAMUSTA? MY GOSH! DITO NA KAYO MAGHAPUNAN. NAMISS KO KAYONG DALAWA." Niyakap niya kami ni Trivor ng wagas.

"CRI--SOS--TO--MO!"

Sino yung sumigaw? Si Courage ba yun?

Agad namang lumabas si--

"CHRIS?" Sabay na sabi namin ni kambal.

Natigilan naman si Chris habang may hawak ng isang bowl na may lamang fruit salad ba yun?

"CRISOSTOMO!"

"Magpapaliwanag ako mamaya. Sige alis muna ako." At tumakbo na siya palabas.

"Kilala niyo pala si Chris?" Ate Suzane.

"Opo. Magkakabarkada po kami. Teka lang po, bakit po siya nandito?" Taka kong tanong.

"Hindi niya ba sinabi sa inyo?" Magtatanong pa kaya ako kung alam namin. Ate Suzane talaga.

"Asawa siya ng pinsan niyong si Courage."

"ANO?" Kami ni kambal.

"At magkakababy na sila." Nagniningning ang mga mata ni Ate Suzane ng sinabi niyang magkaka--

"WHAT?" O_O

Tama ba yung narinig ko?

Magkakababy na sila?

***

Thanks for reading.

-dkc

MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon