MBAI 35

24.3K 520 4
                                    

Chris POV

"Hubby, wake up. I'm thristy can you get me a juice downstairs."

She's always waking me up in the middle of the night just to get her juice.

Where here at San Francisco, California like what Courage wants to give birth our first baby here.

"Wifey, there's a lot of water in the mini ref." I'm very tired and sleepy because of what we did earlier.

Even though we're in San Francisco, I never stop my training and my trainers are Clay and Ate Suzane. They never give me a little time to rest.

Ano ba yan? Napapa-english tuloy ako. Baka isipin nag-iinarte na ako dahil nandito ako sa abroad. Hehehe.

"But I want juice. A dragon fruit juice to be exact." Ayan na naman siya sa dragon fruit niya, magmumukhang dragon na talaga yung anak namin.

Hindi ko siya pinansin kaya niyuyug-yug niya akn dahilan ng pagkagising ng diwa ko.

"OO NA! IKUKUHA NA KITA." Hindi ko na siya tiningnan diri-diretso akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para ikuha siya ng juice niya.

Pagbalik ko sa kwarto hindi ko siya makita.

Saan naman nagpunta yung babaeng yun? Dis oras na ng gabi.

Hinanap ko siya sa buong bahay pero wala talaga siya. Ayy! Paano ako makakatulog nito kung nawawala si Courage, buntis pa naman yun.

Nagpatulong na ako sa mga tauhan namin. Pati sina Clay at Ate Suzane nakihanap na rin.

"Ano bang nangyari? Bakit nawawala yung kapatid ko?" Clay.

"Ginising niya ako para magpakuha ng juice. Nong una ayaw ko dahil pagod at inaantok ako kaya niyug-yug niya ako tapos--Nasigawan ko siya." Di ko naman sinasadya yun atsaka nakatalikod ako sa kanya nong sinabi ko yun.

"Bakit mo naman sinigawan? Buntis yun at napakasensitibo nila lalo't kabuwanan na niya." Ate Suzane.

"FIND COURAGE NOW! WAG NA WAG KAYONG UUWI HANGGA'T DI NIYO NAKIKITA ANG KAPATID KO.___at ikaw Chris malalagot ka sa akin kapag may nangyaring masama kay Courage." Pagkatapos sabihin ni Clay yun pumasok na siya sa loob ng mansyon.

"Just pray na walang masamang mangyari kay Courage. Sige pasok na rin ako sa loob." Sabi ni Ate Suzane sabay tapik sa aking balikat.

Bakit ko ba di naisip na sensitive si Courage ngayon? Haaay! Saan ko ba siya hahanapin ngayon? Hindi ko naman alam ang pasikot-sikot dito sa San Francisco.

.

Teka, alam ko na kung saan nagpunta si Courage. Naikwento niya sa akin no'n noong bata pa siya na madalas siyang pumupunnta sa tree house niya sa tuwing nalulungkot o nasasaktan siya.

At walang nakakaalam kung nasan yun, kahit sina Clay at Ate Suzane ay walang alam. Maliban lang sa akin. Dinala niya ako run nong isang araw.

TAMA! Nandun siya dahil nasigawan ko siya kanina. Mapuntahan na nga. Lumingon muna ako sa paligid baka may makakita pa sa akin at masundan pa ako sa hide out ng asawa ko.

Dahil walang nakakita sa akin, tumakbo ako sa likod ng bahay, dito kasi ang daan papunta sa tree house niya.

Medyo malayo-layo rin tong tree house ni Courage sa mansyon. Sa wakas nakarating na rin. Umakyat agad ako sa kahoy, nang nasa gitna na ako bigla kong naisip, paano nakaakyat si Courage sa taas eh ang laki na ng tiyan niya.

"What are you doing there?"

"WAAAH!" Dahil sa pagkagulat ko nalaglag ako sa kahoy. Sino bang di magugulat dis oras na ng gabi at biglang may nagsalita sa likod mo.

"Hubby, are you okey? Saan masakit? Bakit ba kasi umakyat ka diyan? Alam mo namang may hagdanan rito sa gilid." Oo nga noh?! Yun yung ginamit namin nong isang araw pag-akyat sa taas.

"I'm sorry wifey, di ko naman sinasadyang sigawan ka kanina. Pagod at inaantok lang talaga ako. I'm sorry na wifey, pangako susundin ko na lahat ang gusto mo, kahit pagod o inaantok pa ako. Wag mo lang ulit gawin to na umalis na di nagpapaalam." Bahala na basta wag lang siyang ulit umalis na di nagpapaalam.

"Sorry din hubby. I make you worried. Nasaktan lang talaga ako kanina. First time mo kasing sigawan ako naisip kong di muna ako mahal kaya umalis ako."

"Mahal na mahal kita kaya wag kang mag-isip ng anu-ano diyan." Niyakap ko siya.

"Mahal din kita Chris." Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.

"Talaga?! Mahal mo rin ako?" Tumango naman siya.

Sobrang saya ko. Mahal rin ako ng babaeng mahal ko. Gusto ko sana siyang buhatin kaso di pwede baka mapaanak ng di oras si Courage kaya hinalikan ko nalang siya sa labi.

"MAHAL NA MAHAL KITA COURAGE HAYES CALIBRE!"

***

Thanks for reading.

-dkc



MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now