MBAI 23

25.7K 491 13
                                    

Chris POV

Unang araw ngayon ng Foundation Week at ito ako ngayon nakatuka sa pag-aasikaso ng mga customer dito sa booth namin.

Open gate kasi kaya maraming tao at dinumog ang booth namin. Nakakairita na nga dahil yung ibang customer gustong makipagblind date sa akin.

May blind date bang nagkita na?

"Chris, table 5." Sigaw ng president namin na walang iba kundi si Valerie.

Agad ko namang pinunta ang table 5 at kinuha ang mga order nila.

-----

"Grabe! Nakakapagod talaga maging waiter kaya dapat mag-aral akong mabuti." Travis. Nandito kaming tatlo kasama si Trivor sa locker area nagpapalit ng damit, tapos na kasi kami sa shift namin.

"Saan na ang punta natin ngayon?" Trivor.

"Woah! Kambal narinig din kitang magsalita.__Aray! Yan ka na naman sa pambabatok mo. Sisisihin talaga kita kung bumagsak ako." Travis.

"Pffft! Bakit ako ang sisisihin mo? Ako ba ang bobo?" Pang-aasar ni Trivor.

"Nabobo ako dahil diyan sa kababatok mo sa akin. Di ka na naawa sa gwapo mong kambal." Hindi talaga bagay sa isang to ang magdrama, nagiging comedy na ang istorya.

"Tumigil ka nga, yan oh may lumabas na uhog sa ilong mo." Agad namang tumigil si Travis at pinunasan ang ilong niya.

"Wala naman ah." Travis.

"Oto-oto." Nauna na kaming lumabas ni Trivor ng locker area at iniwan si Travis. Alam na naman non kung saan kami pupunta.

"Huhu. Ang sama niyo talaga. Iniwan niyo akong mag-isa sa locker area. Alam niyo bang may multo dun?" Nangingiyak na sabi ni Travis.

Nandito kami sa cafeteria ngayon at pinatitinginan kami ng mga estudyante pati na rin ang mga outsiders sa pagngangawa ni Travis.

"Tumigil ka na nga Travis. Nakakahiya na oh! Pinagtitingan tayo ng mga tao." Sabi ko kay Travis.

.

*BOOGSH!* (tunog po yan ng bomba)

.

"Ano yun?" Travis. Bigla nalang kasi kami nakarinig ng pagsabog at mukhang sa quadrangle galing.

"Tara puntahan natin." Trivor. Agad kaming tumakbo papunta sa quadrangle. Marami kaming nakakasalubong na tao at lahat sila nagpapanic.

May nakita akong isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket na nakikidutdot din sa mga estudyanteng paalis.

Sinundan ko siya, pakiramdam ko kasi may kinalaman siya sa pagsabog kanina.

"Sino ka? May kinalaman ka ba sa pagsabog kanina?" Agad kong tanong ng maabutan ko siya. Nakasandal siya ngayon sa pader hinarangan ko siya sa magkabila kong kamay.

"Po? Wala po ako kinalaman. Natakot lang din po ako kaya nagmamadali rin akong lumabas ng skwelahan na yun." Para namang totoo yung sinabi niya. Sino bang hindi matatakot dun sa nangyari?

*Bogsh* (tunog po yan ng tinuhod sa ---)

Walang hiya! Naisahan ako dun. Tinuhod ba naman ako sa *toot*, para siyang bakla. Babae lang ang nanggaganun.

ARRGH! Ang sakit! Paano kung di na ako magkakaanak nito?

Ay! May baby na pala ako.

Humanda sa akin yung lalaking yun.

***
Someone's POV

"PUNY*TA! T*NTA! Bakit nagpadalos-dalos kayo pasabugin ang Prestine University? Paano kung nadamay ang anak ko?" Mga walang utak na tauhan. Hindi man lang inisip ang anak ko.

Paano kung nadali ang nag-iisa ko nalang anak?

"Patawad po boss. Hindi na po mauulit."

"Hindi na talaga mauulit dahil wala ka na sasusunod."

"Boss, parang awa niyo na. May asawa't anak--"

Hindi ko na siya pinatapos at binaril ko sa ulo. Ayaw ko talaga sa mga taong hindi marunong mag-isip.

***

Thanks for reading!

Merry Christmas everyone.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz