MBAI 27

27.5K 544 2
                                    

Chris POV

"Crisostomo Bala Calibre, tandaan mo may utang ka pa sa amin ni kambal. Dapat ilibre mo kami ng lunch." Travis. Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang utang ko sa kanila?

Inaabuso na ako ng dalawang to porke't tinago ko sa kanila na may asawa na ako na pinsan pala nila at magkakababy na kami.

"Magkano ang utang sa inyo ni CC? Ako na ang magbabayad. Alam niyo naman na walang kapera-pera ngayon si Chris tsaka niyo naman sisingilin." Biglang sumulpot si Valerie sa gilid ko at humugot ng pera.

"Hahaha. Joke lang yun Vali. Nagdadrama lang kami ni Kambal. Wala namang utang sa amin si Chris. Hahaha. Tara na sa cafeteria gutom na ako." Nauna ng bumaba si Travis at hinila si Trivor. Hahaha. Nakaiwas din sa paglilibre.

"Isip bata talaga yung si Travis.__Tara na si CC gutom na rin ako." Nakacling sa braso ko si Valirie habang sumusunod kami sa kambal.

-----

Pagkatapos ng klasi namin tumambay muna kaming tatlo sa tambayan namin malapit sa university. Medyo matagal na rin akong hindi tumatambay dito. Alam niyo na naging busy ako this past few months.

"Chris, sama kami ni kambal sa next mission mo para masaya." Travis.

"Mafia rin kayo?" Hindi ko kasi sila natanong dati kasi nga sa akin lahat ng tanong.

"Oo naman.We are the McCain Twins Sniper." Travis.

Sniper sila? Hindi halata sa mga mukha nila. Well, kung si Trivor pwede pa dahil palaging seryoso ang mukha. Eh, itong si Travis mukha palang di ka paniwala-wala.

"I know what's on your mind Chris na hindi ka paniwala-wala na isang sniper si Travis. Pfft." Trivor.

"Grabe kayo! Dahil lang sa gwapo at inosenti kung mukha, di ako paniwala-wala na isang akong sniper." Travis.

"Dahil sa pagka-isip bata mo di ka kapaniwala-wala. Hahaha" Humahagalpak kami ng tawa ni Trivor. Mukha kasi ni Travis parang nalugi ng isang milxon.

"Barya lang sa akin ang isang milyon." Napalakas ba ang sabi ko o nababasa niya ang isip ko?

"Nababasa ko ang isip mo.__Nababasa ko nga na hindi mo kami isasama ni kambal sa sunod mong misyon." Woah! Naniniwala na ako na isa siyang mafia at sniper.

Teka, all this time nababasa ni Travis ang nasa isip ko kaya pala kung may exam kami sa akin siya nakatingin, pero kung nakakabasa talaga siya bakit hindi niya alam na may asawa ako, na palagi kung iniisip?

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Parang awa mo na Chris isama mo na kami. Matagal na rin kaming hindi nakakasama sa misyon."

"Tumayo ka nga diyan para kang ewan. Oo na isasama na kayo."

-----

Nandito kaming lahat sa conference room kasama sina Travis at Trivor pinatawag kasi kami ni Courage.

"Tomorrow there will be an auction. All businessmen and women in the world are invited in the said auction including Hector Salvatore." Bukas ko na pala makakaharap ang taong pumatay sa mga magulang ko at sa mga magulang nina Courage.

"Hector Salvatore is not our target for now. Our target is the Full Diamond Necklace that worth of 20 billion dollars." Courage.

"Di pa ba natin itutumba si Salvatore? Ang laki na ng pinsala niya." Travis.

"Hindi pa sa ngayon. Kailangang mapasatin ang kwentas para makuha natin ang Diamante Mafia."

"Sa isang cruiseship gaganapin ang auction. Ito ang blue print ng barko." Nilapag ni Courage ang isang blue print sa mesa.

"Heinz, dito ka dadaan papunta sa control room. Kayo Trivor at Travis dito dadaan papunta sa hall at dito kayo pupwesto. Mike, Rex, Carl blah blah blah" Nakatingin lang ako kay Courage habang tinuro niya kung saan pupwesto.

"At dito kami ni Chris dadaan sa main entrance kasama sina Clay at Suzane." Teka?

"Sasama ka?" Bakit ba siya sasama? Delikado para sa kanila ni baby.

"Yes!" Tipid niyang sagot.

"Wag ka ng sumama buntis ka delikado para sa inyo ni baby." Nag-aalala lang ako baka hindi makita ng anak ko ang mundo. Wag naman sana.

"Don't worry I can manage. Hindi ko naman pababayaan si baby atsaka nandyan ka naman sa tabi ko." Bigla akong napangiti sa sinabi ni Courage.

"Hahaha. Mukha ka ng kamatis Chris sa sobrang pula ng mukha mo. Hahaha." Travis.

Tumalikod ako sa kanila pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Nakakahiya.

***

Thanks for reading.

-dkc


MAFIA BOSS AND I ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now