CHAPTER 6

1.2K 32 0
                                    

Rich.

I never dreamed of having my first kiss with a guy whom I don't know and I don't love. Damn this thing. I can't accept it just happended. GOD!

How dare him to kiss me. Napakabastos niya para gawin iyon.

Such a thief Jerk. Magnanakaw ng halik. Parang gusto ko talaga siyang sabunutan ngayon din pero dahil sa bigla hindi ko magawa.

Isa lang ang nakaya kong gawin.

*SLAP*

Agad ko syang sinampal ng pagkalakas-lakas nang makawala ako sa bisig nya. UGH! Dapat lang iyon sa kanya. Sa rami ng nagawa niya sa'kin. Dapat lang niyang matikman ang isang malakas na sampal.

He just stole my first kiss and wala na akong magagawa doon kundi ang gantihan siya ng sampal.

Damn this jerk!

Nagulat naman yung lahat ng nakatingin samin dahil sa ginawa ko. Pakialam ko sa kanila? Kahit pa lumuwa ang mata nila sa gulat. Wala akong pakialam dahil galit ako. Ganun na din sa lalaking nagnakaw ng halik ko. Nabigla rin sya sa pagsampal ko. Well, ano tingin nya sakin. Katulad ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Wag nya akong itulad sa mga malalanding babae dahil kahit kailan hindi ko ipapagkaloob ang first kiss ko sa hindi ko gusto. Peste sya!

Agad akong naglakad papalayo papunta sa pinto. Gusto kong makalabas sa eksenang ito. Sa eksenang never kong naisip na mangyayari.

Bago ako tuluyang makalabas sa pinto, liningon ko muna ang jerk na yun. Nakita ko syang nakahawak sa kabilang pisngi nyang sinampal ko. Iba yung tingin nya sa akin-- Masakit ba? You deserved it.

Inirapan ko sya and of course, I mouthed him, "Fvck you!" My middle finger raised for him. At tuluyan na akong Lumabas. Dianaanan ko lang ang mga tsismosa.

Kainis! UGH.

Parang ramdam na ramdam ko pa rin yung lips. Kailangan ko ng magmugmog kaya tumakbo na ako. Bahala na yung class ko.
Dinial ko ang number ng driver ko.

"Manong Ryan, pakisundo na ako, Right now." Sabi ko sa driver ko sa pagkasagot nya. Nag-intay ako saglit sa gate tapos maya-maya pa dumating na yung driver.

Alam ko may kotse ako sa parking lot pero hindi ko ata kayang magdrive. Kainis! Kaya nagpasundo na lang ako. Ugh!

URRGGH!

Sumakay agad ako pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

"Maam Dauphniee, ano pong problema? Tapos na po ba ang klase?" Tanong ni manong ma may
halong pagtataka pagkaupo ko.

"Wala po, Uwi na lang po tayo!" Sagot ko na lang at isinandal ang ulo sa upuan.

*Sigh*

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin. Damn naman!

Di talaga ako makapaniwala na nahalikan na ako and the heck, si Jerk pa.

Napako ang tingin ko sa salamin ng kotse nang makita ko ang mukha na pulang-pula na.

I'm blushing? What the fudge.

Bakit ang pulang-pula na ng pisngi ko?

Ganun ba talaga kalaki ang epekto sa'kin ng walangyang halik na iyon? Kakaiba. Parang gusto ko na lang ipatanggal ang labi ko.

JERK! I HATE YOU JERK, DI TALAGA KITA MAPAPATAWAD SA KARANTADOHAN MO!

Umakyat kaagad ako pagdating ko ng bahay. And as usual, wala na namang tao. Maliban sa mga katulong. What I mean is wala sila dad at mom, pati na si kuya.
Damn! Nakalimutan ko kung ano ang purpose ko sa pag-uwi.
Dali-dali akong pumasok ng banyo ng kwarto at tinignan ang sarili. Omg! Ang panget ko na.

Nagmugmog ako ng ilang beses, nagtooth brush ako ng paulit-ulit, naghilamos na din ako. Kainis talaga yung lalaking yun. That was my first kiss!

Naligo na lang ako baka sakaling mawala sa isip ko yung pesteng halik na yun. Pero habang umaagos ang tubig sakin galing sa shower.

Lahat nagfla-flashback sakin. Lahat bumabalik sa isip ko. Ayaw maglaho sa utak ko.

Kainis namang utak ito, may sariling pag-iisip. Takteng utak ka!

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako.

*sigh*

Di ko ata kayang lumabas. Magmumukmok na lang ako dito sa loob. I need to forget those shits! First day pa naman.

Humiga sa malambot kong kama na hello kitty ang disenyo. Mabuti pa si hello kitty, nakasmile lang lagi.

Kailangan ko na talagang i-format ang utak ko para naman maisatpwera ko yung nangyari kanina.

Pinikit ko ang mata ko at 'Damnshit'.

Napamura ako sa nakita ko. Yung mukha nung jerk na yun ang lumitaw.

ARRGH! Ano bang meron sa lalaking jerk na yun at ayaw mawaglit sa isipan ko.

Wait... di kaya?

Ginayuma nya ako?

Tsk! Ano ba itong sinasabi ko. Gayuma? Pwes hindi tumalab!

Kahit anong posisyon ang gawin ko, lagi pa rin sya yung nasa isip ko.

May mga tanong sa utak ko na ayaw mawala katulad ng-- Bakit niya ako hinalikan? Bat nya ako inakbayan? Bakit sinabi niyang girlfriend niya ako at magiging asawa niya soon tapos bakit sinabi niya din na magiging daughter-in-law ako ng dad nya?

Hmmm. Type niya kaya ako?

Tsk. Type niya mukha niya. Ugh!
Baka naman sinabi niya lang yun para ipagtanggol ako dahil nga sa sinabi kong ako yung anak ng may-ari ng school na yun.

*sigh*

Tumigil kana sa pag-iisip ng walang kakwenta-kwentang bagay aking utak baka ipasalvage kita.

Joke! Syimpre hindi ko gagawin yun dahil di pa ako nasisiraan ng bait.

Kailangan ko na talang makausap si Dad about this. Kung ano ba talaga ang totoo.

Since walang patutunguhan tong pagtutulug-tulogan ko dahil sa jerk na yun, makapaglaptop na nga lang.

Umayos ako ng upo sa kama ko at kinuha ang Laptop.

Nevermind that jerk and that ki-- Nevermind na nga diba?

Iseset ko na lang ang bright mind ko sa panunuod ng videos sa YT.

May nabalitaan ako na may bagong kanta si Meghan Trainor kaya kailangan kong mapanood ito.

Actually, hindi ko Idol si Meghan. Nagagandahan lang ako sa boses at mga kanta nya. Mas idol ko talaga si Taylor Swift.

Naglog-in ako sa Youtube account ko.

Loading...

Anong title nga iyon? Search ko na nga lang. Pinindot ko yung Most Popular on Youtube.

At napamura ulit ako sa bumulaga sa akin.

What the fudge?

Bakit andito ito?

Bakit andito siya?

Bakit andito ako?

And the hell...

Bakit andito sa video na ako ay hinalikan ni Jerk?

And guess what?

WHAT? Trending na agad siya.

Nasa 35,673 views na in just 1 hour?

NO!

Hindi ito maaari. Hindi ito pwede.

Paano na ang buhay ko?

Thank you for reading. Godbless you! ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now