CHAPTER 33

1.2K 54 8
                                    

Rich.

Today is another day, another day sa pakikipagsapalaran na naman sa mundo. Monday na ulit. Bitin nga eh, gusto ko pa sanang mag-enjoy but since napapabayaan ko na yung pag-aaral ko. Uunahin ko na muna ito.

Pagdating ko sa classroom, naayos na yung binata. Nung binasag ni Jerk, and speaking of Jerk... Bakit wala pa sya?

Umupo na lang ako sa upuan ko, at since magkatabi kami ng gago na yun. Wala pa rin sya.

Hanggang sa dumating na nga ang prof. Wala pa rin. Di nga ako makaconcentrate sa klase ng prof dahil tuwing may dadaan sa lalabas, titignan ko baka si Jerk na yun.

Hanggang sa natapos na ang klase ko. Di pa rin sya dumating. Kainis kang Jerk ka! Bakit ayaw mo pang dumating, ang boring tuloy ng araw ko.

Syimpre, kung nandito sya. Aasarin niya ako. Babanatan! Kaya hinahanap-hanap ko sya. Siguro dahil sa mga ganung klase ng pagtrato niya sakin. Nagustuhan ko na pala siya.

Di ko napansin na papasok na pala ako Cafeteria.

Hinanap ko si Paplo pero di ko sya nakita.

Kaya nagtanong sa kasamahan niyang Janitor.

"Ahm excuse me, asan si Paolo? Janitor rin sya rito." tanong ko sa lalaking may hawak ng mop.

"Ah. Mamayang hapon pa po yung pasok niya ma'am." Sabi niya tapos ipinagpatuloy na niya yung ginawa niya.

UGH. I'm alone!

Pagkatapos kong mag-order, umupo na ako sa bakanteng seat. Ang boring talaga!

Magpakita kana kasing Jerk ka. Ugh! Siguro kasama mo na naman yung tsitsiryang NOVA na yun.
Balatan ko sya ng buto eh.

Habang sarap na sarap ako sa pagkain. Biglang may dalawang babae ang lumapit sakin.

"Excuse me ate, diba ikaw si Richelle?" Boses babae ang nagsalita. Tinignan ko ito. Di sya pamilyar. Tumango ako.

"Yup?" Sabi ko habang ngumunguya.

"Hehe, ako nga pala... si Angelica." Inabot niya sakin ang kamay niya. Binabawi ko na yung sinabi ko. Parang nakita ko na sya dati. Di ko lang matandaan. Basta pamilyar sakin ang itsura, di nga lang ako sigurado kung saan ko sya nakita. Maganda naman sya, mukha syang anghel.

"Ahm. Richelle." Inabot ko rin yung kamay niya at nagshakehands.

"Opo,kilala na kita. Ang sikat mo kaya, boyfriend mo yung pinakagwapo at pinakamayaman dito sa University, si William Ty!" Kinikilig na sabi nya.

"Yeah right, pero hindi ko boyfriend yun. Kaibigan lang, okay?"

"Ahh, pero parang ganun na rin yun Hehe."

"Not really!"

"Ate, pwede bang makipagkaibigan?" Sabi nya na parang nagmamakaawa. Pamilyar talaga siya sakin, lalo na yung style ng buhok niya. Di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

Hindi ako ulyanin. Di ko lang talaga matandaan.

Tumango ako sa tanong niya at ngumiti. Kailangan ko ng magkaroon ng kaibigan. Napapansin kong lagi na lang akong nag-iisa eh.

"Thank you ate!"

"Drop the ate word, hindi naman ako ganun katanda. Ilang taon ka na ba?"

"17 pa lang. Ikaw?"

"Same lang pala tayo eh."

"Hehe oo nga, ano ba gusto mong itawag ko sayo. Beshy? Bestie? Friendship?" Natawa ako dun sa tanong niya. Kailangan pa ba talaga ng tawagan. Dati naman, wala. Name lang.

"Haha no need, tawagin mo na lang akong Rich tapos tatawagin naman kitang Angel. Okay ba?"
Tumango sya.

"Yess. hehe!"

Kahit ngayon lang kami nagkakilala. Close na kami sa isa't isa. Ang saya niya ngang kakwentuhan. May sense tsaka hindi boring.

Marami pa kaming napagkwentuhan sa isa't isa. BSBA yung course niya. 1st year college din. Kaya palaindi ko pa sya nakikita (ngayon pa lang) dahil taga ibang building sya. Marami pa syang nakwento sa akin. Wala dito sa pinas yung magulang niya, nasa US. May business daw sila dun. Gusto nga sana ng mommy nya na dun sya mag-aral pero tumanggi sya. Baka araw-araw duguin yung ilong niya Haha. Kaya ngayon, nakatira sya sa isang condo, nag-iisa. Kawawa naman niya. Pero atleast, independent sya sa sarili niya.

May isa pa siyang shinare sakin. Nagkaroon daw siya ng boyfriend. Pero nagkahiwalay sila sa isang aksindente. Gustong magmigrate sila ng mommy niya kaya tumakas sila ng boyfriend niya.

Basta ang naaalala niya lang daw ay nalulunod na sya hanggang sa nawalan na siya ng malay. Wala na siyang ibang sinabi. Di niya nga napigilan ang mapahagulgol dahil sa kanyang kinwento. Di ko na rin naitago ang nararamdaman ko. Napaluha na rin ako dahil ramdam na ramdam ko yung mga sinasabi niya. Parang nakakarelate ang puso ko.

~~

Pauwi nako ngayon sa bahay, naglalakad. Gulat kayu noh? Di kasi talaga ako mahilig maglakad-lakad, nakakapagod kaya. Kaya lang ngayon, ewan sa utak ko kung bakit ko naisipang maglakad. Kainis lang!

Wala akong kasama, may klase pa kasi si Angelica. Wala tuloy akong makausap.

Di pa rin pumapasok si jerk eh. Namiss ko na yung gagong yun.

Sa paglalakad ko, may nahagip ang mata ko sa seaside. Nadadaanan kasi ang seaside na toh papunta sa bahay.

And guess what kung sino yung nakita ko. Biglang akong sumigla dahil nakita ko si jerk nakaupo sa gilid ng dagat.

"Jerk!" Mahina kong tawag sa kanya kaya di nya narinig. Lumapit ako sa kanya at tinabihan sya sa pag-upo.

Nagulat sya sa biglaan kong pagsulpot. Tapos nun, itunuon nya na yung tingin nya sa malayo.
May problema ata ito eh. Di pa naman magaling sa ganito.

Patawag nyo naman si Madam Birtud oh?

"Jerk, uy! Bakit hindi ka pumasok?" Pagsisimula kong tanong sa kanya.

Di niya ako sinagot, tinignan nya lang ako.

"Bakit ka andito? May problema ba?" 2nd attemp ko na pero di nya pa rin ako sinasagot. Paksht lng! Nagmumukha akong tanga, para akong nakikipagkausap sa hangin.

Makaalis na nga. Kahit gusto kitang Jerk ka, hindi ako papakatanga sayo. Kabadtrip naman oh!

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Mag-isa ka dyan! Bhala ka.

Lalakad na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Stay!" Finally, nagsalita na rin sya. Bumalik ako sa pagkakaupo.

"Ano ba kasi ang problema mo? Kanina pa ako tanong ng tanong sa--"

"It's her Death Anniversary, today is Angelica's death anniversary." Malungkot na sabi niya.

Death annivesary?

Angelica?

SINO BA SI ANGELICA?

Thank you for readingg ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now