CHAPTER 37

278 7 0
                                    

Rich.

Matapos kong magpaalam kina kuya, dad at mom. Sumakay na ako ng kotse dala-dala ang iilang gamit ko. Babalikan ko na ang pamilya ko sa Batangas. Bago ko in-start ang engine ng kotse. Kinawayan ko muna sila kuya Dean Mark. Mahal na mahal ko kayo! :)

~~

Siguro mga less than hour lang makakarating na ako ng batangas. Iniisip ko kung ano na kaya ang nangyayari sa bahay namin. Kamusta na sila mama at papa. Atsaka ang bunso kong kapatid na si Angelo. Nasasabik na akong makita sila.

Hindi ko lubos aakalain na magdadalawang taon na pala simula ng mangyari ang aksidente.

Mga bandang alas 10 ng umaga nang makarating ako sa Brgy. namin.

Maraming nagbago. Mas lumawak pa ang paligid at yumaman ang mga tao. Huminto ako sa isang kalye. Bumaba ako ng sasakyan at una kong nakita ang mga batang naglalaro ng tumbang preso atsaka nagtatakbuhan.

Ano rin kaya ang ginagawa ni Angelo sa mga oras na ito?

Pagpasok ko sa isang iskinita puro tinginan sila sakin. May ibang kilala ko pa pero yung ibang hindi. Mga bagong lipat siguro.

"Gelo. Tama na yang laro diyan. Pawis na pawis ka na. Maligo ka na." Sigaw ng isang matabang babae na nagsasampay.

Lumapit ang isang pamilyar na bata sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali. Kahit ilang buwan na ang lumipas. Hindi ko makakalimutan ang itsura ng pinakamamahal kong kapatid.

Nakilala ko na ang babaeng sumigaw kanina. Si Ate Mading. Ang kapatid ng nanay ko. Di ko mapigilang mapaiyak. Nakita ako ni Ate Mading at parang di siya makapaniwala.

"Angelica?" Napanganga siyang nakatingin sakin.

Linapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Ate Mading. Huhu!" Hindi niya ako niyakap pabalik dahil siguro sa gulat pero di naglaon niyakap niya din ako kasabay ng isang mumunting iyak.

"Angelica? Anong nangyari sayo?" Kumawala siya sa yakap.

"Ate. Mahabang storya. Asan si Itay at Inay?" Tanong ko.

"Ito na ba si Angelo?" Tanong ko.

Tumango siya.

Lumuhod ako sa harap ni Angelo para pantayan siya.

"Angelo!"

Dobleng higpit na yakap ang binigay ko sa kapatid ko. Miss na miss ko na si Angelo.

Nagulat rin siya. Hindi ko alam kung nakikilala ba niya ako dahil apat na gulang pa lang siya ng mawala ako sa buhay nila.

"Asan si Itay at Inay?" Tumayo ako para tanungin si Ate Mading.

Nag-iba ang itsura niya.

~~

"Namatay sila dahil sa isang Car Accident. Namatay sila dahil sa paghahanap sayo, Angelica."

Limang araw na ang lumipas pero di pa rin mawaglit sa isip ko ang sinabi ni ate Mading sa akin.

Wala na ang itay at inay ko dahil sa akin. Namatay sila dahil sa paghahanap saakin. Kung di sana ako nawala di sana sila mamamatay.

Binisita ko na rin ang puntod nila para magpasalamat, magsorry at magpaalam. Sana kung saan man sila ngayon. Masaya sila Inay at Itay.

Pauwi kami ngayon ni Angelo. Isinama ko siya dahil ako na ang mag-aalaga sa kanya.

Siguradong matutuwa sila mom at dad.

Nagbilin na ako ng pera sa pamilya ko sa batangas na nag-alaga sa kapatid ko.

Habang nagddrive. Biglang sumagi sa isip ko si Willian. Dapat ko pa nga ba siyang balikan?

Despite sa lahat ng nangyari saamin?

Palagay ko, tama na yung nangyari sa amin dati para mapatunayan na hindi kami para sa isa't isa.


Thank you for reading. Godbless ❣️

Tadhana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon