CHAPTER 17

857 22 0
                                    

Rich.

Kakatapos lang ng class ko nang maisipan kong pumunta ng Gym para tignan kung magsstart na ang training ng basketball. Manonood sana ako. Pero kunti pa lang yung tao. Kaya umalis na muna ako.

Maaga pa naman para umuwi kaya dito na muna ako. 3pm pa kasi. Gusto kong makita kung paano pagtawanan ang jerk na yun.

Nakalimutan ko nga palang di pa ako naglunch kaya kain muna ako.

Pagpasok ko ng cafeteria, tinginan na naman. Dukutin ko kaya mga mata ninyo. Ugh!

Pagkatapos kong umorder, umupo na ako at nagsimulang kumain.

Habang kumakain, may nakita akong pamilyar na lalaki.. sa isang silid dito sa cafe.

Tumayo ako para sana puntahan yung lalaki nang biglang may nagsigawan.

"Ohmy! Magsisimula na ang training, tara na sa Gym!" Biglang nagtakbuhan ang mga babae.

Mag-start na?

Oo nga pala, kailangan kong makapunta doon. Sumabay na din ako sa mga babaeng tumatakbo papuntang Gym. Iniwan ko pa ang pagkain ko.

Mabilis kaming nakarating ng Gym at tama nga sila. Ang dami ng tao, halos mapuno na ang Gym.

Hinanap ng mata ko si Jerk pero di ko sya makita.

Asan na kaya yun?

Maglalaro kaya yun, aysh baka naman hindi.

Palabas na ako ng gym ng nakasalubong ko ang mga basketball player na nakaJersy na color blue.

Ito yung short ni Jerk ah. So ibig sabihin, maglalaro sya.

Excited na akong makita syang pagtawanan.

Wala pa siya pero I know, pupunta sya dito ngayon. Nabalitaan ko lang na hilig niyang magbasketball at bagay naman sa kanya dahil matangkad siya.

And speaking of... andyan na sya.
Nakasuot na siya ng jersy niya. May hawak pang bola papunta dito. Nag-iisa lang sya.

Ang galing ko, di niya man lang napansin.

Nagtataka niya akong nilapitan.

"Ngiti-ngiti mo dyan? Naggwapohan ka sakin noh?"

Mayabang na sabi niya na may malawak na ngiti.

"Kapal." Sabi ko at umupo na sa bakanting bench.

Tumabi naman sya sakin at inakbayan pa ako.

Oo inaamin ko, ang bango niya.

Tinanggal ko ang balikat niya sakin.

"Arte naman ng asawa ko, oh anong nangyari sa paa mo?" Tanong niya at tinuro ang tuhod ko na nakabond-aid.

"Wala... walang nangyari dito!" Sarkastikong sabi ko.

Akala mo, wala siyang alam ee siya nga ang may utos nito eh. Sapakin ko kaya tong jerk na toh.

Bigla naman syang tinawag ng grupo niya.

"Sige, bye my wife!" Ugh! Wife daw. Eww! Muntikan pa niya akong halikan. Kainis talaga yun.
Habang tumatakbo sya. Kitang-kita ko ang punit sa shorts niya. Sumilay tuloy ulit ang ngiti sa mga labi ko.

Malapit ng magsimula ang game kaya excited na ako.

Nagstretch muna sila. Kitang-kita sa posisyon ko ang punit sa shorts niya.

Poor William!

Bigla na lang syang yumuko kaya kitang-kita na talaga ang punit.
Ohmy! Parang nakaramdam ako ng awa ng biglang may sumigaw.

"KYAAAAAAAAAH! MAY PUNIT YUNG SHORT NI PAPA WILLIAM. WAAAH HAHAHAHAHA!!" Sigaw ng isang babae at nagtawanan sila.

"HAHAHA Oo nga! WAAAAH!" Agree ng ibang studyante at nagtawanan.

Maraming nagtawanan kaya napatingin yung mga kagrupo ni Jerk sa shorts niya.

"Whatthe-- Pfffft haha Bro? Anyari?" Sabi ng isa niyang kagrupo at humagalpak sa kakatawa. Nakisabay na rin ang iba niyang kagrupo pati na ang coach nila sa pagtawa.

Nagsipaghiyawan naman ang kabilang kampo.

Tinitignan ko si Jerk at di maipinta ang mukha sa reaksyon nya.
Kunot noo niyang tinignan ang shorts niya.

Alam nyo ba ginawa ko?

Flshbck,

Kinuha ko ang gunting sa Bag ko at sinimulang gupitin ang short sa likod na parte. Linakihan ko yung paggupit para kita talaga ang pwet nya haha.

~~

Ansama ko ba? Sorry naman noh. Gumanti lang kaya ako.

Nagulat ako nang bigla akong tignan ni Jerk. Bakit sya saakin nakatingin ng ganyan?

Ugh! Parang kakatayin nya ako sa titig niya. Nakakatakot! Such a jerk.

Wala akong kasalan, in the first place siya nga tong may kasalanan saakin eh. I'm just having my revenge.

Pinagtatawanan pa rin ng siya ng crowd. Nakatingin lang ang jerk saakin tapos bigla na lang syang nag-smirk.

wtf!

Para saan yun?

Narinig ko na lang na naglaho ang tawanan at napalitan ng sigawan.
Nakakabinging sigawan.

"KYAAAAH! Ang yummy niya! Waaaah!"

Halos mabingi na ako sa lakas ng hiyawan sa loob ng Gym.

WTF!!

"ANG LAKI. WAAAAH!"

Alam nyo ginawa niya?

UGH!

Thank you for reading ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now