CHAPTER 10

1K 24 0
                                    

Rich.

Humanda ka saking Jerk ka! Hindi na talaga ako papayag na guluhin mo buhay ko.

Kaya iiwasan na talaga kita. Hindi na talaga kita papansinin. Bwisit ka!

Lumabas na ako ng clinic. Syimpre nag-ayos muna ako.

Lagot ako nito kay daddy, baka masira yung reputasyon ni daddy dahil lang sa akin, dahil lang sa napapabayaan ko na yung study ko.

Umakyat na ako sa room ko. Thank God, walang kaguluhan.

Kinuha ko yung schedule ko. Wala na pala akong klase ngayon, maya pa 1pm. Hay! Dalawang araw ko ng namimissed ang first subject ko. Lagot ako ky prof. nito. Ugh!

Kakain na lang muna ako. Gutom na ako eh.

Yung prutas na dinala ng Jerk na yun. Ayun, itinapon ko sa basurahan. Walangya yung lalaking yun, laging nambabadtrip.

Dumiretso na ako sa cafeteria.
Pagkapasok ko, biglang tumahimik ang paligid. Anyari?

Di ko na pinansin yun, dumiretso ako sa counter para umorder.

"Ahh--"

Di pa ako nakakatapos nang biglang may umakbay sakin.

"Hi, asawa ko!" Sabi ng boses lalaki.

Parang pamilyar yung boses kaya tinignan ko kung sino. Di na ako magugulat kung sino. Somehow, nasanay na ako!

Takte, ang laking epal.

Inirapan ko lang siya at umorder na.

"Isa pong french fries, spaghetti, Isang slice ng lasagna atsaka coke! Thankyou!"

Umupo na ako pagbigay sakin ng inorder ko. Malaki ang cafeteria ng school na ito. Alam nyo na, mayayaman yung mga studyante dito.

Nagsimula na akong kumain na parang ako lang yung tao. Bahala sila sa mga buhay nila. Wag nila akong guluhin dahil badtrip ako.

"Asawa, pansinin mo naman ako!"

Kinuha ko yung tab ko sa bag at nag-earphone na lang.

Now playing: Bad Blood by Taylor Swift

Di ako sanay na kumain mag-isa. Iba kasi noon, may mga kaibigan akong kasabay kumain ng snacks at lunch sa school. Namiss ko tuloy sila.

Kain lang ako ng kain nang biglang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kung sino yun.

As expected, siya na naman.

Binigyan ko sya ng nanlilisik na tingin.

Wala ba syang balak patahimikin buhay ko. Parang may sinasabi sya, pero hindi ko marinig dahil malakas ang kanta sa earphone. Wala naman akong pakialam.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ng spaghetti.

Bigla niya na lang tinanggal ang earphone sa tenga ko.

"Asawa, pansinin mo naman ako. Nagtatampo ka ba dahil hindi kita nakiss."

ARG! Anong snasabe nitong gago na toh. Mapapatay ko na talaga ito. Kahapon pa siya ah. Iisnobin ko na sana sya pero bigla niya akong hinalikan sa cheeks.

Putcha!

*SLAAAAAAP*

*Tapon spaghetti*

"Asawa your face! How dare you kiss me, you jerk! Stop ruining my life."

Lahat nagulat sa ginawa ko pero di ko pinansin. Sobra na kasi sya!
Gusto ko ng tahimik.

Marami-rami pa yung spaghetting tinapon ko sa kanya kaya nadumihan talaga yung damit nya. Nakauniform pa naman sya. Aysh! Patay!

Parang galit na siya!

Hala, Ano ba tong ginawa ko. Di na ako nagdalawang isip at agad kong kinuha ang bag ko. Mabilis kong nilisan ang lugar baka ano pang mangyari sakin. Aysh!

Kainis talaga yung lalaking yun. Gutom pa naman ako! Hay.
Sa jollibee na nga lang ako kakain. Maya pa naman yung klase ko.
Since wala yung car ko. No choice kundi magcomute. Hindi naman ganun kalayo eh kaya keri ko 'to.
Pumara ako ng taxi pero di ako pinansin. Wow ha? Pasahero na pala ngayon ang hindi pinapansin. Tsk.

Mabangga ka sana manong.
No choice, gutom ng gutom na talaga ako. Kaya pumara na lang ako ng taxi, kaysa tumirik yung tiyan ko sa kaiintay ng mga pisteng taxi na yan. Hindi pa ako ako nakakasakay sa jeep nang biglang umandar yung sasakyan. wtf!

Muntik pa akong matumba. Ugh! Pinagtawanan tuloy ako ng mga pasahero. Kainis kang driver ka! Ugh! Ipapasalvage ko tong bulok mong jeep.

"Ano? sasakay kaba?" Sigaw ni manong driver. Argh! Kung di lang talaga ako gutom eh.

Sumakay na ako ng jeep pero wala ng bakante. Ba't di ko napansin na puno na pala, so ano? saan ako uupo, wag niyang sabihin tatayo lang ako. Maiksi pa naman yung palda ko.

"Mano--" Di pa ako natatapos magsalita nang bigla na lang pumreno si manong, kaya ang resulta.

Naupo ako sa hita ng kung sino man itong pasahero. Takte! Ang malas ko naman.

"Ayan, ang arte kasi kaya wala ka ng maupuan.Tsk" Rinig kong sabi ni kuya, boses lalaki ee. takte! Nakakahiya.

Liningon ko yung nagsalita and for my surprise, ang Pogi. Nagpeace sign lang ako sa kanya.

"Sorry hehe." Di ko alam, nagjejeep rin pala ang mga pogi hehe. Tatayo na sana ako ulit dahil ang awkward ng posisyon namin pero hinawakan niya sa may waist ko at bumulong.

"Dito ka na lang, ayos lang sakin." Sabi niya at pinakawalan ang bewang ko.

Ok lang sa kanya? Pwes, sakin hindi. Imagine, nakaupo ako sa hita ng di kilalang lalaki. Mag-akalain ng iba, magsyota kami na naglalandian. UGH! And worst, baka may magvideo pa sa amin at makita na lang sa new.

Headline: Naglalandian sa Jeep, navideohan.

Panibagong gulo na naman. Ang awkward kaya, ang daming nakatingin tapos public pa. Diba? Baka isipin ng maruruming isip dyan, haliparot ako.

"Sa akin hindi ayos, Ok?" Reply ko sa kanya at tumayo. Syimpre, inayos ko muna yung palda ko baka alam nyo na. Hirap mabosohan.

"Para, dito lang." Sigaw ng isang ale na kaharap ko lang. Ganito ba talaga kapag sa jeep, di ba pwedeng mahina lang? Kailangan talaga sigaw.

Bumaba na yung ale at sakto, umupo ako sa inupuan ng ale kanina.

Hayy, mabuti naman at makakaupo na rin.

Oh nga pala, kaharap ko si Mister pogi, na kanina pa titig ng titig sakin.

OMG! Rapist kaya ito? Madami pa naman nun ngayon. Nakakatakot naman palang sumakay dito.


Thank you for reading. Love lots ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now