CHAPTER 14

908 24 1
                                    

Paolo.

Umuwi ako sa bahay, dala-dala pa rin ang tablet. Kaya nagtaka tuloy ang mga kapatid ko kung ano yung dala ko.

"Kuya ano po yang dala mo, cellphone ba yan? Ang laki naman kuya!" Bungad sakin ng kapatid kong lalaki na si Jessie, pangatlo sa aming magkakapatid. 10 years old pa lang sya.

"Kuya, pahiram naman yan kuya!" Biglang kapit saakin ni Jestoni habang naghuhubad ako ng sapatos ko. Pang-lima sa amin. 8 yrs old pa lang sya.

"Kuya andyan kana pala!" May sumigaw galing sa pinto ng kusina, may hawak-hawak na pinggan na may pritong tuyo. Yun ay si Jeanrel, pangalawa sa amin. Grade 9 na sya dahil 15yrs old na. Tatlo lang kaming nag-aaral. Ako si Jeanrel at Jessie.

Dahil pito kaming magkakapatid, di kaya ng ina naming pag-aralin kami lahat. Kaya ako bilang kuya nila, ako ang nagsisilbing guro nila kapag wala akong klase.

Ako rin yung nagbabantay sa bunso namin. 2 years old pa lang. Pangalan ng bunso namin Jasmin.

"Asan si Jackson at Julius?" tanong ko kay Jeanrel. Binigyan ko ng tig-iisang halik sa pinsngi ang mga kapatid ko.

"Ayuun, kanina pa naglalaro sa labas!" Sagot ni Jeanrel na naghahanda para sa aming tanghalian.

"Pakitawag, sabi kakain na!" Pagkasabi ko nun, dumiretso ako sa kwarto kung saan nakaduyan si Bunso. Binigyan ko din ng halik sa noo.

*mwaah!*

Himbing ng tulog ni bunso ah. Asan kaya si mama?

"Asan si mama?" tanong ko sa mga kapatid ko na nagkakalkal ng bag ko. Araw-araw na lang silang ganyan. Naghahanap kung may dala ba akong pasalubong.

"Itigil nyo yan, walang pasalubong si kuya!" Kinuha ko ang bag ko sa kanila.

Napasimangot tuloy.

"Andun, nagsusugal na naman kuya!" Padabog na umupo si Jessie sa upuan. Si mama talaga, palagi na lang. Simula nang mamatay ang papa. Naging hobby na niya ang pag-inum at sugal.

"Sge kain na!" Itong batang toh oh. Nagtampo agad.

"Wala akong pera, may binayaran ako sa school eh. Bukas na lang mga boss!" Pabiro kong sabi sa kanila.

Binuhat ko si Jestoni paupo sa upuan para kumain na.

Nagharutan lang kaming magkakapatid.

"Kamusta ang school Jessie? Nag-aral ka ba ng mabuti?"

"Opo kuya!" Sabi niya sabay gulo ko ng buhok sa kapatid ko.

"Mabuti naman!"

"Kuyaaa!" Sigaw ng mga kapatid kong si Julius at Jackson.

Niyakap ko sila at binigyan ko ng halik.

"Hmm, ang babaho nyo na! Maghugas na kayo ng kamay para makain na!"

Umupo na rin sila pagkatapos maghugas ng kamay. Pati si Jeanrel.

Si Julius ay 5yrs old palang, tapos si Jackson 6yrs naman. Di pa sila nag-aaral kaya walang ibang magawa kundi maglaro.

Nagsiupuan na silang lahat kaya umupo na rin ako.

Pagkatapos namin magdasal na pinangunahan ni Jeanrel, nagsimula na kaming kumain. Lagi namin itong ginagawa bago kumain dahil ito ang sabi ni papa. Magdasal bago kumain para magpasalamat.

Ang sarap ng ulam namin, isang latang sardinas at limang tuyo.

Sinamahan ko lang silang kumain, pero di na ako kumain. Tapos na ako kanina.

Di na dapat sana ako uuwi ngayong tanghalian kaya sa karinderya na ako kumain pero may nagsabi sakin na wala daw ang prof namin mamaya. Atska kung gusto ko ba daw ng sideline na trabaho. May aaplayan daw kami mamaya sabi ng Katropa kong si Carl.

At syimpre, bilang kailangan ko na pera. Pumayag na ako!

Natapos na kaming lahat kumain pero di pa rin nagigising si bunso.

"Mga anak!" Napatingin kaming lahat sa tumawag saamin sa may pinto. Nanunuod na kami ng Tv ng biglang pumasok si mama, may kasamang lalaki.

"Ma, mabuti naman at naisipan mo ring umuwi. Sino yang kasama mo?" tanong ko sa kanya.

"A-anak... Ahh--Justin anak! May sasabihin sana ako." Panimula ni mama. Di ko alam kung a

nong nais ni mama pero kinakabahan ako.
"Ano yun?!"

"May mag-aampon na sa mga kapatid mo!" Diritsong sabi ni mama.

Napatawa na lang ako!
"Mama, anong biro yan. Lasing ka ata mama eh, tulog mo na lang po yan!" Matawa-tawa kong sabi.
Lasing na ata talaga si mama eh, kahit ano kasi tinatagay. Mapa-araw man o gabi.

"Hindi anak, hindi ako nagbibiro! Totoo ang sinasabi, may mag-aampon na kay Jessie at Julius! Kasama ko nga ang mag-aampon sa mga kapatid mo eh. Siya nga pala, si Mr.Suzuki. Siya na ang magpapaaral sa iyo Jessie, at mag-aalaga na rin sayo Julius." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mama. Mukhang nagsasabi ng totoo si mama. Halata sa boses nya na nababasag.

Tumayo na ako at hinarap si mama.

"Ma, ano ba kayo? Hindi ba kayo nag-iisip? May pamilya si Jessie at Julius. Bakit pa natin sya ipapaampon mama. Kaya naman natin silang buhayin diba. Bakit kailangan nyo pa silang ipaampon. Mali to mama! Hindi ako papayag. Pauwiin nyo na yang lalaking kasama mo! Walang mangyayaring ampunan! Paalisin nyo na. Alis!"

Palabas na ako ng bahay nang magsalita ang lalaking kasama ni mama.
"Magisip-isip ka Mrs.Leny, aalis na muna ako! Babalik na lang ako pag na kapag-isip kana." Mabuti naman at naiintindihan ni Mr.Suzuki ang sitwasyon namin.

Lumabas na muna ako ng bahay.

Nakasalubong ko si Carl.

"Oh bro? San punta mo?"

"Ahh, magpapahangin sana. oh ikaw?" Inakbayan nya ako at nagsabay na kaming maglakad.

"Pupunta na sana ako sa bahay nyo, diba sabi ko may aaplayan tayong sideline. Nasabi ko ba yun sayo?" Sagot niya.

"Ah oo nasabi mo nga, pero ngayon na pala yun.?"

"Oo, mas mabuti ng maaga tayo baka may mapalitan pa tayo!"

"Oo nga, mabuting mas mauna tayo, tara na!"

Sumakay kami ng jeep, bsta sabi ni Carl, isang university daw yung papasukan namin.

Sana naman maganda yung pagttrabahuan namin.

Bumaba kami sa labas ng isang napakagandang at napakalaking building. Ito na nga ata ang sinasabi niyang university.

Sigurado ako mayayaman ang mga nag-aaral dito.

Watty University ang pangalan ng school.

Thank you for reading. Godbless ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now