CHAPTER 34

310 6 0
                                    

Rich.

Pagdating ko ng bahay, naligo na muna ako. Nakakaloka ang araw na ito.

Matapos ikwento ni Jerk yung nangyari sa kanila ng dati niyang girlfriend. Naisip kong posible kayang si Angelica na bago kong kaibigan at ang Angelicang kinikwento ni Jerk ay iisa?

OMG!

This can't be. Base rin sa kwento ni Angelica ay mapapaisip ka talaga.

Kailangan kong malaman ang totoo. Kung isa lang ba talaga sila.

~~

Pagpasok ko ng University, nakadalubong ko si Paolo.

"Hi." Bati niya sakin.

Ningitian ko lang siya.

"Teka, Richelle!"

Nagulat ako sa pagtawag niya na agad ko namang nilingon.

"May gusto sana akong sabihin sayo!" Nahihiya niya pang sabi.

Ano naman kaya ang gustong sabihin nito.

"Ah. Ano yun?" Pagtatanong ko.

"Gusto ko sanang... Uhm!" Lumunok siya ng laway.

"Gusto ko sanang sabihin Ms. Beautiful na... na..." Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Gusto kita." Natapos niya rin.

Pero teka, ano yung sinabi niya? Gusto niya ako?

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Kinikilig ba ako ako? Ugh!

Ang aga-aga kung anong kuryente agad agad ang dumadaloy sa buo kong katawan.

"Ah. Sige, late na kasi ako!"

Para akong natatarantang mansanas na tumalikod. Nag-iinit ang mukha ko. Gosh!

Parang namumula ako.

"Sige. Sunduin kita mamaya ah."

Kahit di ko siya nakikita dahil nakatalikod ako alam kong nanginginig siya. Halata pa rin sa boses niya ang kaba.

Tumakbo na ako papasok ng classroom ko.

May nadadatnan akong poster sa pader. Out of curiosity, tinignan ko ito.

'WELCOME TO THE NEW OWNER OF WATTY UNIVERSITY MR. KLEVEN WILL TY.'

Yan yung nakasulat.

New Owner? Si Dad yung may-ari nito ah? Bakit naman may new owner na at atsaka kaapelyido pa ni Jerk.

Ibig sabihin si William nga yung anak ng may-ari nito?

Tsk. Kakausapin ko na talaga si Dad mamaya.

"Oy Angelica." May narinig akong nagsalita sa likod.

Tinignan ko kung sinong Angelica ang tinutukoy niya.

God!

Andito si Angelica.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nung babae.

"Ah. Hinahanap ko si Richelle Smaby." Sagot ni Angelica.

"Ayun siya oh." Tinuro ako ng babae.

"Rich, andyan ka lang pala."

Lumapit siya sakin.

"Angelica? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad.

Baka makita niya si Jerk. Hindi pwede ito. Hindi sila pwedeng magkita. Ewan ko ba bakit ko ito naiisip. Basta ang gusto lang mangyari. Hindi sila magkita.

Kaya hinila ko kaagad si Angelica pababa ng hagdan.

"Rich, saan muko dadalhin?" Angal niya.

"Basta sumama ka sakin. May ipapakita ako sayo!" Palusot ko.

Hindi naman masyadong malakas ang pagkakahila ko eh.

"San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ulit niya.

"Basta."

Sa pagmamadali namin, di ko aakalaing may mabangga ako at... si Jerk pa! Sht

"William?"

Napatingin ako kay Angelica.

NOOOOOOOOOOOOOOOO!

Thank you for reading! ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now