CHAPTER 30

724 19 0
                                    

Rich.

"Wife?"

Tinignan ko ang nagsalita. Siya lang naman ang tumatawag sakin nito eh.

Ang kaninang laman ng isip ko, andito sa harap ko ngayon.

Liningon ko sya saglit at ibinalik ulit ang tingin sa paligid.

Anong ginagawa nya dito?

Asan na yung bruhang Nova na yun? Binenta na ba. (refering to Nova na tsitsirya)

"Yes, what now Jerk?" I fake him smile. Basta ayaw kong ipahalata sa kanya na nasaktan ako.

Ang gulo na nga ng utak ko eh, tapos nagpakita pa sya. UGH! Parang sasabog na ako, lalo na nung tabihan nya ako.

"Are you okay n--" Di ko sya pinatapos.

"Yes, I am fine now. So will you please, stay a-away from m-me. Just for now, I want to be a-alone o-okay?" Muntik pa akong mabulol.

Gosh, ang lakas kasi ng tibok ng puso ko.

And DAMN!

Ang gwapo niya--

Sht! I am really crazy now. Did I really give him a compliment?Unbelievable.

Nababaliw na talaga ako.

Walang anu-ano'y tumango sya.
Huh? Himala at di man lang sya umangal.

This guy is impossible, really.

"Okay. I will stay away from you for now and let you be alone. Just remember, whenever you need me, just tell me. Andito lang ako lagi para sayo."

Di ako sigurado pero mukhang ang lungkot nya. Parang dati lang eh ang hyper tapos ngayon, parang pinagsakluban pa ng langit at lupa.

Tumayo na sya at umalis. Bakit ganun ang mukha niya. Parang nilukot ng sampung beses.

Di ako sanay na ganun yung jerk na yun.

Kadalasan kasi, masaya siya except nung umiyak siya sa room nung natrap kami.

Tinitignan ko lang sya habang papalayo sakin.

Ang sakit sa pakiramdam na di man lang sya nag-insist na samahan ako kahit halata namang may problema ako... sa kanya.

Kainis talaga! Gusto ko ng magpahinga.

Bukas na bukas rin, magpapacheck-up na ako.

~~

Andito na ako sa kwarto ko ngayon, kakauwi ko lang. Natagalan ako sa pag-uwi dahil hinatid ko pa si Paolo. Nakatulog kasi ako sa garden at buti na lang, si Justin yung nakakita saakin.

Ginising niya ako at since walang pasok. Umaga palang sinarado na ang cafeteria.

Kaya makakauwi na sya at sakto namang kailangan ko ng umuwi dahil lunchtime na. Sinabi ko na lang sa kanya na ihatid ko na lang sya dahil may dala akong kotse.

Tumanggi pa sya dahil nahihiya. Dapat daw lalaki yung naghahatid sa babae hindi yung babae ang naghahatid sa lalaki. Pero di sya nanalo sakin dahil mapilit ako kaya nahatid ko sya sa kanto lang dahil di kasya yung kotse ko sa daan papasok ng bahay nila. Dikit-dikit kasi yung bahay, parang sa escuater area pero sinabi nilang hindi daw sila ganun dahil sa kanila talaga yung lupa.

Marami-rami rin kaming napagkwentuhan, about dun sa binigay ni moms sa kanya na tablet. Andun pa din daw sa kanila.
Nagbago na nga sya eh, dahil noon seryoso siya tapos ngayon ang kwela na.

But.. siya pa rin yung Mr. Yoso na nakilala ko.

Hayy- antok nako. Nakakaantok kapag bagong kain.

Kaya matutulog muna ako.

~~

Sabado ngayon kaya naisip kong ngayon na magpunta sa Doctor para magpacheck-up. Hindi na ako nag-abalang sabihin pa kay moms, oa pa naman nun.

Ako na lang mag-isa. Di na rin naman ako bata para magpasama pa sa magulang ko eh.

Kilala ko na naman yung Doctor. Kaya walang problema kahit 1st time kong magpacheck-up na walang kasama.

Dala ko itong kotse ko.

Pagdating ko dun, tinanong ko kaagad sa nurse kung nasaan yung room ni Dr. Rose Destiny.

Babae sya, talagang babae. Hindi tulad sa Tv na Destiny Rose.

Sinabi rin sakin ng nurse na maraming paciente ngayon si Dr. Destiny.

Wala akong pakialam, kahit magsisikan pa ako bsta malaman ko lang kung may sakit nga ba ako.

And as expected, madami ngang nakalinya sa upuan sa labas ng room ni Doctora.

Sht! So maghihintay ako dito.

Damn! Kung di lang ako maawaing tao. Inunahan ko sana yung mga nakaupo, pero since mabait ako. Hindi ko yun ginawa.

First come, first serve nga diba. So last ako kaya last serve.

Mahigit 1 hour akong naghintay na tawagin ako at finally tinawag na nga ako ng asst. ni Doc.

Grabe pa nga kung makatingin sakin, halatang insecure.

Pagpasok ko, nakita ko agad si Dr. Destiny.

"Good Morning doc!" Bati ko sabay beso-beso. Kumare sya ni moms kaya medyo close kami.

"Oh iha.. Napadalaw ka? May sakit kaba? Asan yung mommy mo, di mo sya kasama?" Tanong agad ni doc. Nasanay na kasi sya na tuwing magpapacheck-up ako dito. Palagi kong kasama si moms.

"Di ko po sya kasama Doc.. May trabaho po atska di na po ako bata. Kaya ko na pong magpacheck-up mag-isa."

Siguro the last time na pumunta kami dito ay nung 2nd year High School pa ako. Matagal-tagal na nga akong hindi nakakapunta dito kaya nakalimutan ko na kung asan yung room niya. Paminsan-minsan ay bumibisita din sya sa bahay.

"Haha. Yeah I know right. Mas gumanda ka lalo ah." Biro pa ni Doc.

"Thanks doc."

"Ano nga pala ginagawa mo dito." Sabi nya at may pinirmahang papel sa desk niya.

"Ahh. magpapacheck-up po sana ako Doc." Sabi ko.

"Ano naman ang ipapacheck up mo?"

"Itong puso ko po!"

Thank you for reading. Lovelots❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now