EPILOGUE

406 12 3
                                    


Isang taon ang nakalipas mula ng umalis si William para tuluyan na magpagamot. Hindi ko alam ang eksaktong sakit niya pero patuloy lang akong nananalangin na sana gumaling siya. Sana makalimutan niya ang mga sakit na pinagdaanan namin. Gaya ng ginagawa ko. Patuloy lang ako sa paggawa ng makabuluhang bagay para ang mga ala-alang minsan ko ng nakalimutan ay tuluyan ko ng makalimutan. Ayaw kong makulong sa isang bagay na hindi dapat. Kailangang mag-move on. Kahit anong gawin ko, nangyari na iyon at ang magagawa ko na lamang ay tanggapin iyon at magsimula ng panibagong buhay.

Hindi ko sinasabi sa sarili ko na sa pagbalik ni William, ako pa rin. Ako pa rin ang mahal niya. Mahigit isang taon ang lumipas. Pero siya pa rin ang laman ng puso ko. Kahit wala kaming komunikasyon, kahit hindi ko na siya nakikita.

Kung ano man ang mangyari kung babalik siya, buong puso ko itong tatanggapin. Hindi naman ako yung may hawak ng Tadhana. Kung ano ang mangyari, yun ay dahil yun ang nakatadhana. Marami rin kaming napagdaanan pero kung tadhana talaga namin na hindi kami para sa isa't isa. Hindi ko na pipilitin.

Masaya naman ako ngayon kahit may kulang.

Masaya ako dahil andito sina Kuya, Mom and Dad na laging nakasuporta sa pag-aaral ko, sa amin ng kapatid kong si Angelo. Tinuturing na nga rin nilang anak ang kapatid ko. Kahit pa hindi na kanila yung Watty University, masaya pa rin naman. Hindi naman kami naghihirap.

Nag-aaral na rin siya sa maayos na paaralan. Sobrang laki ng pasalamat ko kina mom and dad dahil sa pagkupkop sa akin kahit hindi nila ako tunay na anak. Sobrang saya ko at hindi mababayaran iyon.

"Happy Valentines Day ulit katokayo!" Para akong nabingi dahil sa malakas na sigaw ni Angelica habang kumakaway.

Valentines day nga pala ngayon at andito ako sa school. May tinatapos lang akong report bilang President ng Student Council.

Valentines day ngayon pero parang wala lang sa akin. Parang normal lang na araw. Kung para sa iba sobrang special ng araw na ito, dahil nga araw ng mga puso, araw ng mga nagmamahalan pero hindi ako. Hindi sa bitter ako pero hindi ko lang talaga feel ang araw na ito kaya mas pinili ko na mag-overtime na lang dito sa school para tapusin itong report ko.

Kasama ko si Angelica na kaparehas ng pangalan ko kaya tokayo ang tawag niya sakin. Angie naman ang tawag ko sa kanya. Yun nga lang, mauuna siyang uuwi dahil may gagawin pa siya sa bahay nila. Wala namang problema sakin kung mag-isa ako. Hindi naman ako matatakutin. Hehe!

Hindi rin nagtagal ay natapos ko na ang report at nag-ayos na. Masyado na rin late baka hinahanap na ako ni Angelo.

Sinarado at nilock ko na ang pinto ng Council room at naglakad na para umuwi.

11pm na rin pala kaya wala na talagang katao-tao dito. Madilim pa dahil nakapatay ang ibang ilaw, kunti lang yung nakabukas pero kita ko naman ang daan kaya ayos lang.

Habang naglalakad, nakaramdam ako ng kakaiba dahil pakiramdam ko may nakamasid sa'kin kaya binilisan ko ang paglalakad hanggang sa biglang may tumakip sa bibig ko kaya gulat na gulat ako at halos hindi makagalaw.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng kung sino man ito. Ramdam ng buong katawan ko ang takot na baka may masamang mangyari sa'kin. Di ko mapigilan mapaiyak dahil sa takot.

Pinakawalan niya ako pero wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Sana walang mangyari sa akin.

Hindi ako gumalaw dahil baka saktan niya ako hanggang sa biglang may umilaw sa harap. Andito pala kami sa isang classroom.

Nakita ang mga salitang nakasulat sa harapan.

Happy Valentines Day Wife!

Nagulat ako dahil matagal-tagal rin simula ng may tumawag sa akij ng ganito. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan.

Sobrang namimiss ko na ang taong iyon.

Tama kaya ang hinala ko.

Sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko. Parang may kung anong giyera ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam. Sobrang saya ko.

"William?" Nanginginig ang boses ko.

"Wife."

Tama nga ang hinala ko. Boses niya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam ko ang boses na iyon.

"Happy Valentines Day wife." At tuluyan na nga siyang nagpakita mula sa ilaw.

Nawala lahat ng kaba at takot ko dahil sa nakikita ko.

Si William nga!

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Miss na miss ko na siya.

"Miss na miss na kita!" Aniko habang nakayakap sa bisig niya. Sobrang amoy ko ang bango niya.

"I miss you more wife." Mas hinigpitan niya ang yakap.

Sabik na sabik kami sa isa't isa dahil matagal rin kaming hindi nagkita.

"Andito ka na pala. Bakit hindi ka man lang nagsabi." Sabi ko pagkawa sa yakap.

"Hindi na yun surprise kapag sinabi ko." Pilosopo pa niya.

Ang laki ng pinagbago niya. Mas naging matured ang itsura niya pero gaya pa rin ng dati, sobrang gwapo pa rin.

"Namiss mo nga talaga ako. Ang tindi nh titig mo sa gwapo kong mukha eh." Biro niya kahit totoo naman.

"Mas na miss kita." Sabi niya bago ako siilin ng halik sa labi.

Smooth ang paghalik niya sa akin. Tumugon ako sa halik niya. Bumabalik ang masayang ala-ala namin. Mga alalang nakabaon dito sa puso ko na hindi ko makakalimutan.

"I love you, wife!" Malambing ang boses niya nang sabihin iyon pagkaputol ng halik.

"I love you, husband!" Sagot ko at muling naglapat ang mga labi namin.

Kung ito man ang nakatadhana para sa aming dalawa. Masaya ako. Abot-langit ang saya. Sa kabila ng pinagdaan naming malungkot na mga pangyayari, andito pa rin kami sa moment na ito. Andito kami kung saan patuloy na nagmamahalan.

Maraming masakit na nangyari sa buhay namin. Mga alaalang sobrang hirap balikan kaya sa mga oras na ito, magsisimula kami ng panibago naming storya. Tatakpan ang lahat ng masasakit ng masasayang memories kasama ng taong mahal ko.

Kasama ng taong sa akin ay naka-Tadhana.



End.

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now