CHAPTER 38

380 10 1
                                    

Rich.

Magdodoorbell sana ako nang makitang bukas ang Gate. Hindi na ito yung dati nilang bahay. Mas lumaki pa nga ito.

Parang palasyo. Di nga maipagkakailang mas mayaman sila.

Pumasok ako sa gate. Isang napakagandang garden ang sumalubong sakin. Pumasok ako sa loob ng bahay pero akong nakitang kahit sino.

Kung gaano kaganda ang labas ng bahay ay sya namang kinaganda ng loob.

Umakyat ako ng hagdan at hinanap ang kwarto niya.

Maraming pinto ang makikita mo pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Lumapit ako sa pangalawang pinto at binuksan.

Hindi nga ako nagkamali. Ito na nga ang kwarto niya.

Ito ang kwarto ni Klein William Ty, ang minsang naging dahilan ng pagkawala ko pero hindi ko siya sinisisi dahil alam ko na lahat ng nangyari sa amin ay di niya ginusto.

Alam ko at ramdam kong hindi siya tumigil na mahalin ako.

Sa bawat araw na kasama ko siya habang si Richelle pa ako. Ramdam kong ako pa rin ang tinitibok ng puso niya. Maging ako rin naman eh.

Iba ang nararamdaman ko para sa kanya tuwing magkasama kami.

Tuluyan na akong pumasok sa loob. Maraming pictures siya sa side table niya kaya alam kong kwarto niya na nga ito.

May nakita rin akong litrato naming dalawa. Kinuha ko ito at tinignan ng may ngiti sa labi.

Ito yung araw na 2nd Monthsarry namin nung 3rd year high school pa kami.

Inilibot ko ang paningin sa kwaro.

Asan siya?

May nakita akong papel sa table. Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat.

...the patient experiencing a mental problem were he coudn't remember the face of his past but can remember the moments...

Kaya pala hindi niya ako makilala ng mga oras na yun kaya pala sinasabi niyang 'wife!' niya ako kahit hindi niya ako kilala.

Kaya pala kahit di niya maalala ang mukha ko ay ramdam niyang ako yung dating girlfriend niya.

Well, ako naman pala talaga.

Biglang bumukas ang pinto ng Cr at iniluwa doon si William na nakatopless lang at tuwalya.

Di na ako nag-aksaya ng oras at niyakap siya. Wala akong pakialam kung topless siya basta mayakap ko lang siya.

"William!"

Bakit ba ang daling tumulo ng luha ko kapag mahal ko na ang kaharap ko.

"William, Naaalala ko na ang lahat. Ako si Angelica." Kumalas ako ng yakap at tinignan siya.

"A-angelica?" Di niya makapaniwalang tanong.

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit ulit.

"Oo ako ito William. Buhay ako. Bumalik na ang alaala ko." Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

"Angelica." Sa pagkakataong ito siya na mismo ang yumakap sakin.

"Angelica. Sht! sht!" Ramdam ko ang pagkabasag ng boses niya.

Umiiyak na rin siya.

"Kay tagal kitang hinanap Wife. Sht! Sorry Wife."

Di pa rin niya ako pinapakawalan sa mga bisig niya.

"Wife. Im sorry! Sorry!" Kumalas siya ng yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Di nga ako nagkakamali. Umiiyak na rin siya.

"Wala kang kasalanan."

"Angelica." Niyakap niya muli ako.

Bumukas ulit ang pinto at nakita ko si Nova na nakatapis ng tuwalya.

Wag nilang sabihing-- naligo sila ng sabay?

Umatras ako ng ilang hakbang ng lumapit si Nova kay William.

"What are you doing here?" Tinutukoy niya ako.

"Babe. Anong ginagawa niya dito?" Kumapit siya sa braso ni William.

Tiningnan niya ako.

"Angelica?"

Sigaw ni William nang bigla akong tumakbo palabas ng kanyang kwarto.

Ang sakit.

Ang sakit makita na may kasama na siyang iba. Hindi ko lubos matanggap na... may nangyari ba sa kanila. Matagal akong nawala.

Matagal na nawala si Angelica pero bakit nasasaktan ako.

Hindi nga ba talaga nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya?

Angelica, Bumabalik ulit yung sakit.

William? Bakit hindi mo ako hinintay?

Pero bakit naramdaman kong mahal mo pa ako nang si Richelle pa ako.

Gulong-gulo na ako William.

Thank you for the reads ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now