CHAPTER 19

905 47 0
                                    

Rich.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si kuya na parang may problema. Nakabihis na ako para pumasok.

"Kuya, anyari? Ang aga-aga! Nakasalubong yang kilay mo!" Sabi ko kay kuya. Tumingin sya sakin at napailing ng ulo.

"Wala, sige pasok ka na!"
Nagbeso muna sya sakin at umakyat na sya sa taas.

Problema nun? Minsan ko lang makita yang malungkot.

Di nyo pa sya kilala noh? Makikilala nyo rin sya. Wala na kasi talaga akong oras para ipakilala sya sa inyo.

Late na ako eh.

Paglabas ko ng bahay, sinalubong agad ako ni manang. Yaya namin.

"Ahh maam Richelle, nakaalis na po ang dad and mom nyo. Pinapasabi po ng dad nyo na magcommute na lang ho kayo dahil dala po niya ang kotse ninyo dahil gamit ng mom nyo ang kotse ng dad nya. Tapos yung kotse naman ng kuya mo eh di pwede dahil may lakad sya ngayon. Wala namang pwedeng magdrive dahil may hangover ang kuya mo iha kaya magcommute ka na lang. Sige papasok na ako iha, ingat ka!" Mahabang speech ni Manang Shiela.

Magcommute daw ako?

Joke ba toh? Pinapagcommute ako ni daddy at ni mommy.

Asan ba kasi yung car ni moms at kailangan pa nyang gamitin yung akin?

Ugh! Di ko alam kung paano magcommute eh. Natry ko na yun pero diba nga muntikan pa akong maligaw tsk! Kung wala lang si Paolo eh.

Naalala ko na naman yung Paolo na good samaritan. Musta na kaya sya.

Well, no choice kesa umabsent ako. Magcocommute na lang baka ku-mute(cute) pa ako. Atska marami namang dumadaang taxi rito kaya no worries. Fight lang.

Lumabas na ako gate at nagsimula ng maglakad.

Mag-iilang minuto na akong naglalakad pero wala pa ring taxi na dumaan. Hay! Malas naman nito.

Nakalabas ako ng village na halos maligo na sa pawis. Takte!

Nag-intay ako saglit baka may dumaang taxi dito sa guardhouse.

*tik tok*

Ilang minuto na ang lumipas pero andito pa rin ako, nakatambay!

Ugh! Ano bang nangyari sa pesteng mga taxi na yan.

Napagdesisyunan ko na maglakad na lang kaysa malate pa ako sa kakaintay sa taxi.

Ilang kanto na rin ang nadaanan ko kaya medyo pawisan na talaga ako.

"Ughh!"

Ang aga-aga pa, haggard na mukha ko dahil sa araw. Malapit na kayang mag-8am kaya medyo mainit na.

Kahit papano, alam ko naman yung daan papuntang university. Though, it is my first time maglakad papunta sa school.

Pagtawid ko sa labas ng gate ng kalapit lang na village ay muntikan pa akong mabangga.

Malas talaga!

Naupo ako sa kalsada ng wala sa oras. Buti at bumusina sya kaya muntikan lang akong masagasaan.

Sino ba tong lalaking toh at di tumitingin sa dinadaanan!

Inis akong tumayo pero agad din naman akong naupo ulit. Ang sakit ng binti ko, mukhang nainjured!

Walangya! Mapapatay ko talaga itong may-ari ng kotse.

Marahan kong hinawakan ang binti ko, nainjured ata dahil sa gulat ko kanina. Di ko namalayan na may nangyari sa binti ko.

Bakit ba ang malas ng malas ko ngayon. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko.

Dali-dali ko iyong pinunasan ng palad ko. Damn! Im not retarded.

Nakita kong bumaba ang muntikan ng makabangga sakin, at sa gulat ko. Hindi ako makareact.

Kaya pala minamalas ang araw ko. Dahil nandyan na naman sya...

Si Jerk!

Kainis! Wala na ba talaga syang balak tantanan ako.

Naikuyom ko na lang ang mga palad ko. Linapitan niya ako at maiging tinignan.

"Kaya kita gusto eh, kasi ang tanga mo!" Malungkot ngunit sincere na sabi niya.

Anong sinabi niya...
'Kaya gusto kita eh, kasi ang tanga mo!" Dapat ba akong sumaya sa sinabi niya.

Compliment ba yun?

Anong ibig niyang sabihin. Damn!Hindi ako tanga

Hinaplos niya ang noo ko at inayos ang buhok ko. Anong ginagawa niya. Takte lang! Nasa kalsada kami and then... Ugh!

Sa isip ko, kailangan ko syang awatin at patigilin sa puso ko.

Tapos itong puso ko, ang bilis at ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Daig pa ang car racing sa bilis! Aysh. Ito na ba ang simtomas sa pagiging NBSB ko. Naaapektuhan na ang puso ko dahil hindi pa ako nagmahal.

Aysh! Anak ng tinapa naman. Ano ba tong iniisip ko.

*Erase!*

Nanatili lang syang nakatitig sakin, at ako. Ganun din. Nadadala ako sa mga titig niya.

Maya-maya lang ay nakalutang na ako. Di ko napansin, buhat-buhat niya na pala ako papasok sa kotse niya. Iniupo niya ako sa front seat katabi lang ng uupuan niya.

Ako naman itong si Gaga, na parang naputulan ng dila.

Gusto kong magsalita pero ayaw lumabas ng mga salita gusto kong sasabin.

Pakisagot nga, anong nangyayari sakin? Nagbalik ang diwa ko nang tumunog yung makina at umandar yung kotse.

OMG!

Ngayon ko lang naisip, nakasakay pala ako sa Kotse ni Jerk.

WAAAAAH!

This can't be! Baka marape pa ako, o kaya baka mamurder.

May pagkamanyak pa naman itong gagong jerk na toh. Hindi lang may pagka, MANYAK talaga!

Di ako mapakali habang palipat-lipat ang tingin sa daan at ky Jerk na seryoso lang na nagddrive.

Masakit yung tuhod ko pero mas nangingibabaw yung takot ko. Oo nga, tinulungan niya ako kanina. Este hindi pala, dahil sya ang dahilan din naman yun eh.

Baka may galit pa toh sakin dahil sa ginawa ko kahapon sa shorts niya. Ugh! Jerk, maawa ka sakin.

Hindi ko naman talaga sinasadya yung kahapon eh.

Huhu! Baka gantihan niya ako. Baka bukas or makalawa, mabalitaan na lang na may ulong lumulutang sa manila bay.

Katakot naman! Kahit hindi halata sa kanya, dahil alam nyo na.

POGI niya! Waaaah.

Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong nang bigla syang magsalita.

"Wag kang mag-alaala, hindi kita sasaktan. Asawa kita diba?"

Thank you for reading ❣️

Tadhana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon