CHAPTER 9

1.1K 31 0
                                    

Rich.

"Bye dads ,moms and Kuya!" I gave them a kiss on cheeks while taking breakfast. Balik-skwela na naman.

"Ingat baby!" Said kuya, I pouted. Baby talaga?

Mabuti talaga wala si kuya kahapon baka akalain niyang boyfriend ko yung gagong yun.

Di ko pa pala nasabi sa dad ko yung problema about dun sa school. Mamaya na lang. As for now, I believe na yung university na pinapasukan ko ay pag-aari ng pamilya namin.

Salamat naman at walang nangyaring puyatan kagabi, Ang aga-aga nga ako nakatulog eh.
Isipin nyo, 1am na akong nakatulog. Aga noh? Bwiset kasi yung jerk na yun.

Kahit pa sabihin niyang inuwi niya bag at kotse ko.

Hanggang ngayon talaga I'm still doubting how did he know where is my house. Ugh! Di naman kapani-paniwala na stalker sya eh. Sa gwapo ba namang yun.

And-- Uhh! Yung video sa youtube, umabot na talaga sa 100kViews. OA ko ba? Tignan nyo na lang.

Di na ako nagdala ng kotse baka maiwan ko naman. Baka ihatid na naman ni Jerk.

"Thanks manong!" sabi ko sa driver ko at lumabas. Mabuti naman at walang kaguluhan ang nangyayari ngayon dito sa gate.

2nd day of school baka mapahiya na naman ako. Di ko na talaga hahayaang mangyari yun.

Bulong dito, bulong doon.

"Diba siya yung sa youtube? Ang swerte niya naman."

Swerte? Baka malas. Nakuha ng halimaw ang first kiss ko.

"Di na ako magtataka, kung bakit siya hinalikan ni William. Tignan nyo ang ganda!" Nginitian ko yung babaeng may sabi nun. Buti naman at may positive paring feedbacks tungkol sakin.

"Will-T hindi William. Sila kasi yung may-ari ng school at mayaman din naman sya. kaya tawag sa kanya Will-T since wealthy naman talaga sya!" Nainis ako sa sinabi ng isa.

Ako ang anak ng may-ari. Ako dapat yung tinatawag na mayaman eh. Exactly sa name ko. RICHelle. diba? Will. Ty? Ee, nakakasuka.

"Di na rin ako magtataka kung bukas, buntis na sya!"

Napahinto ako sa paglalakad. Mabubuntis?

Wala sa librarya ko yan. Hayaan na nga lang! Mga walang kwentang usapan. Hindi niyo iyon ikakayaman.

Corridor pa nga lang ang dami ng bulungan. Paano pa kaya sa building.

Matinding tsismisan na naman. Di pa ako nakakaakyat sa building ng Architecture ng makarinig ako ng hiyawan sa taas.

"KYAAAAA! Dito pala yung room niya!" Kadalasan yan yung sinasabi nila.

Panibagong gulo na naman.

Nasa pinakadulong hagdan na ako ng biglang magsiksikan ang mga babae di kalayuan sakin.

Kaya--

Shit. Nadulas pa ako.

"Waaa--"

*booogssh!*

Time of Death: 08:49 am.

Joke lang.

Nagdilim ang paligid ko at may nakikita na akong star na pumapalibot sa ulo ko.

Bigla na lang akong nawalan ng malay.

~~

Novah.

Tadhana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon