CHAPTER 16

877 21 0
                                    

Rich.

Aysh! Nakakainis naman si moms. Bakit niya yun ginawa ky Paolo. Bakit nya binigay yung tablet.

Hindi sa nasasayangan ako kundi naaawa ako kay Paolo dahil sa mga sinabi ni moms.

Bakit ba kasi ganun si moms. Yan yung attitude ni moms na ikinagagalit ko! Ayaw ko sa pagiging matapobre ni moms. Buti pa si dad (-_-)

"Moms, bakit mo sinabihan ng ganun si Paolo. Mabait kaya yun--"

"Sweetheart, you don't know him. Baka rapist yun or worst bka kidnapper pa yun. So stop!"

Ugh! Ang sarap talagang sapakin ni moms. Di pa nga ako natatapos magsalita eh!

Tumahimik na lang ako. Because I know, di ako mananalo sa kanya.
Bakit naman kasi sya ganun kay Paolo. Nakakaawa talaga yung tao! Pero kay Jerk na yun, ang bait ni moms. Ugh! Sa taong kinaiinisan ko pa sya mabait.

Andito kami ngayon sa kotse, ontheway pauwi ng bahay.

"Mom gusto--" Wtf! Binara na naman ako ni moms.

"I said stop, Mayaman tayo. Mayaman tayo kaya sa mga mayayaman lang tayo dapat nakikipag-usap. Hindi sa mga cheap na kagaya ng Paolo na yan!"

Ugh! Makukutusan ko talaga itong si moms. Sasabihin ko lang sana na gusto ko silang makausap ni dad tapos ugh!

"Moms naman gusto ko sanang--"
wth! Wala ba syang balak pataposin ako. Kainis!

"Stop sweetheart, andito na tayo. Bumaba kana, we'll take a lunch!"
Ugh! Di ko napansin nasa tapat na pala kami ng bahay.

Bumaba na rin ako ng sasakyan pagkababa ni moms.

Nubayan! Biglang tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko ito at... Alarm pala yung tumunog.

Pero tekaaa-- OmyG! 1pm na pala at klase ko na. Nawala sa isip ko. Patay ako nito. Late na ako Argh!

Dali-dali akong bumalik sa kotse at sinabihan si manong na magdrive paputang school.
Grr!

Mabuti na lang mabilis kaming nakarating sa school. Kahit na magmukha na akong loka-loka sa pagtakbo kailangan kong makaabot sa class ko pero di pa ako nakakaakyat sa building ko nang biglang may nagsapid sa'kin. Kaya nadapa ako ng wala sa oras!

Shit! Ang sakit... muntik pa akong mapahalik sa lupa.

Uggh! Yung tuhod ko.. may sugat.

R.I.P na lang talaga sa nagsapid sa akin.

Tatayo sana ako pero di ako makatayo dahil masakit yung tuhod ko. Ugh! Bwiset.
Pinagtatawanan na pala ako.
Tinignan ko kung sino yung nagsapid sakin.

And as expected, si Cindy. Kaklase kong malandi at makati nung 4th year H.S.

Dito pala sya nag-aaral. Ugh!

"Yan ang napapala ng mga ambisyosang katulad mo. Hahaha Siguradong matutuwa si William pag-nalaman nya ito. Nakaganti na rin sya haha!" Sabi nya at naghagulpak sa tawa.

"hahahaha!" Tawang-tawa din yung dalawa niyang alipores.
Ano ako clown? Para pagtawanan nila. Ugh!

Humanda ka saking Jerk ka! Ikaw pala ang ang nag-utos sa mga haliparot na toh.

Arrrgh! Humanda kang Jerk ka, dahil sayo nasugatan ang puso ko-- Aww I mean, tuhod ko pala. Tsk! Bwiset na jerk na yun, gagantihan ko siya.

Tumayo na ako kahit masakit yung sugat. Tiniis ko lang dahil ayokong pagtawanan. Amin tong school kaya walang pwedeng pagtawana ako.Nagsialisan naman yung mga tsismosa. Pati na sila Cindy.

Paikang-ikang akong naglakad.
Arrgh! Dumiretso agad ako sa locker room ko para sana kumuha ng damit ng mapadaan ako sa locker ng mga boys.

*clap*

Perfect! Walang tao sa locker ng mga Archetic boys.

Pumasok ako sa loob. Wala namang tao so walang makakakita sakin.

Well, gagantihan ko lang naman si Jerk na yun.

Pasalamat nga sya ito lang yung ganti ko eh. Dahil di naman ako ganun kasama tulad niya.

Hinanap ko ang Locker niya at ayun. Nakita ko rin.

Binuksan ko ito at sakto namang hindi nakalock. Hay! Ang tanga ng jerk na yun. Bakit pa naging locker kung hindi naman nilolock.

Well, salamat na din sa katangahan nya at makakaganti din ako.

Nagkalkal ako sa loob at may nakita akong basketball short. Mahilig pala sya sa color blue. Kadalasan kasi blue yung nasa loob.

Paki ko ba? Bahala siya sa kung anong gusto niya.

*ting*

May naisip na ako.

May training mamaya sa gym kaya I'm sure gagamitin niya ito (^_^)

Ayos! Makakaganti na ako.
Kinuha ko ang gunting sa bag ko.

Perfect na ito sa paghihigante ko!
Binalik ko sa loob ang shorts niya at Isinarado ko pabalik ang locker.
Siguradong pagtatawanan sya mamaya katulad sakin kanina (-.-)

Dali-dali akong lumabas. Di ko na ininda ang sakit ng tuhod ko at dali-daling tumakbo papunta sa locker namin nang biglang

*boogsh*

Aray! Napahawak ako sa noo ko. Grabe. Ang tigas ng bumangga saakin.

Napahawak tuloy ako sa noo ko. Tinignan ko kung sino yung nakabangga sakin.

At... muntikan ng mahulog ang dalawa kong mata.

wtf! Si JERK!

"Oh bakit ka nagtatakbo? May humahabol ba sayo." Sabi niya at lumingon-lingon pa sa likod na parang naghahanap kung may humahabol nga saakin.

"Ahhhh-- ehhh. Ano kasi... may dagang humahabol sakin kaya tumatakbo ako baka maabutan niya ako at kainin. Sige bye!" Pagkasabi na pagkasabi ko nun, tumakbo na ako.

Aish! Muntikan pa akong mabuko!

Hays.

Siguradong magsisisi ka Jerk dahil sa ginawa mo kanina.

*evil laugh*

Wish ko lang sana magdoble ka ng short bago mu suotin ang Jersy shorts mo.

Thank youu ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now