CHAPTER 13

869 28 0
                                    

Paolo.

"Hello, moms?" Napatingin ako sa babaeng may kausap sa telepono. Nakalimutan ko pangalan niya.

Di ko akalain na mapapasmile ako sinabi niya kanina. Di tuloy alam kung namumula ba ako. Kaya napatalikod ako ng wala sa oras tsk!

Kung ikaw rin naman ang nasa kalagayan ko, magiging katulad ka rin sakin.

Isang babaeng parang anghel na bigla ka na lang tatanungin kung bat ka pogi tsk!

Kaya kung pwede ayaw kong tumingin sa kanya. Sineryoso ko na lang ang pagkain kanina kesa mainlove sa pagtitig sa kagandahan niya.

Kaninang nasa jeep, parang bigla nagsitayuan ang dugo ko sa mukha dahil kumandong sya sa hita. Not exactly, napakandong pala saakin ng di sinasadya.

Kaya hinawakan ko sya sa may bewang at sinabing okay lang sakin.

Ang bango niya, parang nakakaadik yung samyo ng pabango niya.

Pero tumanggi sya at dun ako napahiya. tsk!

Naisipan ko na lang na bumaba sa pinagparahan niya. Malapit na rin naman ang bahay namin.

Binigay ko na ang bayad ko pero nagkakalkal pa rin siya sa bag niya.

Gulat ako ng bigla niyang sabihan ang driver na naiwan daw yung wallet niya sa school nila. Halata namang galing sya sa paaralan. tsk!

Palusot pa siya, sabihin nya na lang na wala syang pera. Kaya binayaran ko na lang, kawawa naman kasi. Di bagay sa kanya ang umiyak.

Bumaba na ako, hinintay ko saglit siya kung bababa ba. Pero naisip ko 'Bakit pa?'

Naglakad na ako papuntang karindirya ni Kuya Greg.

Siya yung may ari ng lagi kong kinakainan tuwing lunch. Suki niya na ako eh.

Umorder ako ng isang kanin at ulam. Dinuguan na lang ang inorder para tipid sa pera. Isa rin naman toh sa favorite na ulam ko.

Sa gitna ng pagkain ko. Naligaw ang tingin ko sa labas ng pinto.

Nakita ko naman siya. Ang ganda niya kahit nakasimangot sya.

Pero agad ko ring binalik ang atensyon sa pagkain, dahil tumingin sya sa direksyon ko.

Di ko mawari kung ba't ko hiniling na sana lapitan niya ako.

At ganun nga ang nangyari. Napadungaw na lang ako nang may umupo sa harapan ko. Isang napakagandang dilag.

Napangiti ako sa loob ko. Tiningnan ko sya saglit at itinuon na ang atensyon sa pagkain.

Kahit ayoko sa mga taong makulit. Nawaksi yun sa isipan ko ng kulitin nya ako sa walang kwenta niyang tanong.

Inaamin ko, ginusto ko rin ang pangungulit niya sakin.

Sa huli niyang tinanong, napasulyap agad ako sa kanya. Parang gusto kong tumawa o ngumiti man lang sa harap niya pero di ko nagawa. Kaya mas ninais kong wag ipakitang ngumiti ako sa tinanong nya.

Di ako makapaniwala na kinukulit nya lang pala ako para tingnan ko sya tsk!

Sana sinabi niya na lang~

Nagbalik ang katinuan ko nang bigla niya akong hampasin ng mahina sa braso ko.

"Hey! Yung tablet ko, sagutin mo kung sino yung tumatawag." Sabi niya na hawak pa rin ang cellphone sa tenga.

Di ko namalayan, nakatitig na pala ako sa wallpaper ng tablet niya.

Siya naman ang tatanungin ko,

'Bakit ang ganda mo?' pero di ko masabi.

Sinagot ko yung tawag.

"Pinakinggan ko muna bago ako magsalita.

"Wife, Damn where the fvck are you!" Sabi ng nasa kabilang linya.

Wife?

"Hey wife Talk! This is your husband." Maawtoridad na sabi ng isang lalaki.

Parang di kapani-paniwalang may asawa na pala siya.

Tsk!

Binigay ko sa kanya. Wala akong balak kausapin ang asawa niya!

"Sino daw?" Nagtataka niyang tanong.

"Asawa mo!" Walang gana kong sabi.

"Huh?" Sabi niya lang at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Asawa? Damn--" rinig ko syang nagmura. Di bagay sa kanya.

Tinignan ko sya at galit na nakatingin sa screen ng cp nya.

May asawa na ba talaga siya? Parang ang hirap paniwalaan. tsk

"Ahmm, sige alis na ako! Parating na si mommy."

Napa-tsk na lang ako.

"Sweeeet heaaart!" Biglang may sumigaw si pinto. Parang yung babaeng kaharap ko ang tinutukoy ng sumigaw.

"Moms!"

Tama nga ang hinala ko. Mommy niya pala, pero di halata. Dahil parang magkapatid lang sila. Ang ganda ng mommy niya. Di mo mahahalatang may anak na pala dahil ang sexy pa rin niya.

Nakapasok na pala sya at sinalubong sya ng anak niya.

"Sweetheart, what are you doing here in this cheap and dirty restaurant?" Parang nandidiring sabi ng ina niya. Tsk! Cheap & dirty?

Ang yabang naman pala!

"At sino yang bastardong lalaking kasama mo? You should'nt enter here!" Iretableng dagdag niya pa.

At anong sinabi niya...

Bastardo? Ako?-- Parang gusto kong magmura.

Pinigilan ko na lang ang sarili kong makagawa ng mali. Nanatili lang akong nakatungo sa mag-ina!

"Moms, he's not bastard mom. Mabait sya--" Di na natapos ang sasabihin niya nang bigla syang higitin nang mata-pobre niyang nanay.

Wala na siyang nagawa.

"Mom yung cellphone ko!" Sabi niya habang hila-hila.

Imbes na si ms.pretty ang kumuha, ang ina nya ang lumapit sa mesa at kinuha ang cellphone. Hindi niya kinuha ang tablet.

"Here sayo na yan, i know you can't afford this one. So now its yours, stay away from my daughter okay?"

Parang gustong magwala dahil sinabi ng ina nya pero ko nagawa.

Tama naman sya, hindi ko kayang mabili ang mga ganitong bagay. Pag-aaral pa nga lang kulang na eh.

Di ko napansin pinagtitinginan na pala ako ng mga taong kumakain sa loob.

Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan na lang ang tablet na binigay sakin.

Di ko na sila nagawang tignan pa habang paalis.

Ayos! May tablet na ako.

Sinubukan kong ngumiti. At nilisan ang karindirya, dala-dala ang tablet na binigay.

Sayang naman.

Thank you for reading. Luv yaah ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now