CHAPTER 15

789 26 0
                                    

Paolo.

Nakapasok na kami sa university, papunta kami ngayon ni Carl sa cafeteria. Dun ata kami magwo-work.

"Kayo ba yung mag-aapply?" bungad sa amin ng isang babae. Nakasuot ng pangteacher. Siya ata yung namamahala sa cafeteria dito.

"Opo kaming dalawa po!" Magalang na sagot namin.

Pinapasok kami sa loob ng cafeteria at umupo.

"Ahh, kayo pala. Ang babata pa ninyo ah, nag-aaral pa ba kayo?" Tanong ni Mrs.Enriquez, nalaman naming sya nga ang namamahala dito.

"Ahh opo, nag-aaral pa po kami. Kailangan lang po namin ng sideline para pandagdag sa pag-aaral." Ako na ang sumagot sa tanong niya. Napatango naman si Mrs. Enriquez.

"Ano po ba ang magiging trabaho namin maam?" Tanong ni Carl na katabi ko lang. Himalang naging mabait itong gago. May sayad kasi ito minsan.

"Ahh so bale' magiging Jani-- aa wait lang, paanong pag-aaral nyo eh."

Ay oo nga pala, nag-aaral pa rin pala itong si Carl.

"Ahh ehh, ako po ee sa Hapon lang po ako pwede maam. Ewan sa-- Oh Carl? Diba hapon klase mo?" Tinignan ko si Carl na kasalukuyang naglalaway pa sa kakatitig sa mga babaeng dumaan sa labas.

Napatingin naman din agad sya sakin.

"Ahh oo, so Ikaw nlang sa umaga at ako naman sa hapon!"

Napatango na lang si Carl.

Paano ba naman kasi, ang ganda-ganda ng mga studyante dito. Nahahawa na ako sa pagiging chicboy nitong si Carl eh.

At ayun nga, tanggap na kami bilang isang Janitor sa cafeteria ng university na yun. Ok na din ito kahit papano, atleast may trabaho na ako pandagdag sa pag-aaral. Afternoon shift ako tas si Carl naman morning shift. Bukas na ako magsisimula. 1:30pm ako papasok dahil may pasok pa ako ng 12:50pm.

Aa oo nga pala, Ako si Sean Paolo Mendez. 18 yrs old at 1st year college na.

Balak ko sanang magCriminology pero di kaya ng budget dahil mahal ang course na yun kaya nag-BSBA na lang ako.

Oks na ba yung pagpapakilala ko?

~~

Napatulog ko na ang mga kapatid ko, kaya kailangan ko na ring magpahinga.

Kinuha ko ang Tablet na nasa bag ko. Inopen ko iyun pero may password.

Sayang! Di ko alam anong password. Nilock ko muli para masilayan kahit wallpaper lang.

Isang magandang litrato ng isang anghel. Para talaga siyang anghel na ihinulog mula sa langit. Ano ba tong iniisip ko. Di ko akalain na kakausapin ako ng isang napakagandang binibini at tinanong pa ako kung bakit ako pogi.

Yung lips niya,

Parang ansarap halikan.

Thank you for reading. Luv yaah ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now