CHAPTER 29

697 21 0
                                    


Rich

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Rich.

"Mr. Yoso?" Sabi ko nang iangat ko ang mukha ko. Si Paolo nga, anong ginagawa niya dito.

At bakit may hawak siyang mop...

GOD!

Janitor ba sya dito sa school?

Tumango sya at nginitian ako. Tinulungan niya akong tumayo.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang pinapagpagan yung damit. Pangalawa na ito ah. Bakit ba laging may nababangga ako. Di naman ako tanga ah. Tss

Pinakita nya sakin ang mop na hawak niya.

"Nagtatrabaho ako dito bilang Janitor, sa cafeteria." Tinuro nya ang cafeteria di kalayuan sa amin. Tumango ako.

"Ahh."

"Di mo sinabi dito ka pala nag-aaral." Dagdag na tanong niya.

"Ahh. oo, actually kami ang may-ari nito." Sabi ko. Nagulat pa sy

"T-talaga?"

"Yess." Sagot ko. Buti talaga nakita ko ulit sya. Gusto kong magsorry.

"Sorry nga pala, about dun sa sinabi ni moms, nung last time tayong nagkita." Di ko mapigilang mahiya sa kanya.

Ang sungit-sungit ni moms sa kanya eh ang bait-bait niya naman sakin.

"Ahh kalimutan mo na yun." Kahit misteryoso sya. Di nya maitatagong mabait sya. Ang cute niya nga eh. Tinawag nya pa akong Ms.Beautiful.

"Nga pala, bakit ka tumatakbo kanina?" Tanong niya ulit na ikinasimangot ko. Naalala ko na naman yung Jerk at yung bitch na kasama nya.

"Ahh. Wala, hinahabol kasi ako nung butterfly?" Palusot ko.

"Ahh hehe, weird naman."

"Hehe!" Tinawanan ko na lang sya. Infairness, nagsasalita na talaga sya ng mahaba. Di tulad dati na talo pa ang Tide Tipid.

Napansin ko lang, kanina pa kami nakatayo.

"Sige, may trabaho pa kasi ako." Malungkot na sabi nya at lumingon-lingon pa sa cafeteria kung hinahanap na sya.
Tumango na lang ako.

"Ano nga pala pangalan mo?" Lalakad na sana ako ulit ng magtanong sya kaya liningon ko.

"Im Rich nga pala." Nginitian ko sya at inabot ang kanang kamay para sa shakehands.

Umiling sya at pinakita ang madumi nyang palad. Agad ko ring binawi ang kamay ko.

"Sige, intayin na lang kita." Di ko alam bakit ko nasabing intayin ko sya. Gusto ko lang atang may makausap. Nagiging loner na ako eh. Tsk! Whats happening to me? Nagiging loner na ba ako?

Tinignan niya ako ng halong may pagtataka.

"Huh?"

"Ahh. Sige, gora kana!"

Kahit nalilito ay umalis sya patungong cafeteria. Nagwave pa nga.

Nagtataka lang ako sa mga kinikilos ko ngayon.

Bakit ang BAIT ko na? Di naman kasi ako ganun sa mga di ko masyadong kilala. Pero ky Paolo ang bait ko hehe. Siguro comfortable lang talaga ako sa kanya since ang bait nya sakin.

Naglakad na ulit ako, papunta sa garden. First time ko dito, and I would say... napakaganda ng view at presko yung hangin. Wala namang nasira dahil sa bagyo. May mga naputol nga lang na mga bulaklak atsaka puno pero sira Okay na okay pa rin naman. Umupo ako sa damuhan.

Nagmumuni lang sa kalangitan.

Bakit nga ba ako nasaktan sa nakita ko kanina, yung kiss nila Jerk.

Kainis! Naalala ko na naman yung 1st kiss ko sa kanya. Ugh!

Nakakadiri pala lips nya, kung sino-sino na lang hinahalikan. Mapapatay ko talaga sya kapag nahawaan ako ng virus niya. Tsk

Atsaka sino ba yung Nova na yun at bakit nya tinawag na babe si Jerk. Arrgh! Sarap talaga nilang pag-umpugin dalawa. Kabadtrip ka Jerk.

Kaya pala hindi ka na nagpapakita kasi may kinaaabalahan ka ng iba. Matapos mo akong muntik patayin sa pagstuck mo sakin.

Ang dali mo namang makalimot. Two days ago lang tinatawag mo akong Wife tapos ang sweet-sweet mo sakin. Tapos ngayon, parang di mo na ako kilala. Sinabihan mo pa ako ng bitch ng pisteng Nova na yun. Ang sakit kaya nun.

Aysh! Ano bang nangyayari sakin. Diba dapat nga, maging masaya pa ako dahil may iba na syang babae at di na nya ako guguluhin.

Pero bakit nagagalit ako. Naiinis ako kapag may kasama syang iba. Parang unti-unting natutunaw ang puso ko.

At ito yung naramdaman ko kanina. Pansin ko lang, Tuwing kasama ko sya, may parte sa puso ko na naiinis at may parte rin na masayang-masay ako. Tuwing tinitigan nya ako, nakakaramdam ako ng kiliti na parang gusto kong maglupasay sa kilig? Ewan.

Tapos tuwing tinatawag nya akong wife, sabay banat, nakakaramdam ako ng kakaibang tuwa na di ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko.

Tapos nitong kanina lang, nang makita ko syang may kasama at nakakapit pa sa kanya.

Gusto ko talaga sya sampalin, di ko alam bakit bsta ang malinaw lang sakin ngayon.

Ayokong makita syang may kasamang iba, lalo na kapag malanding babae na parang linta kung makakapit.

I dont know why do I feel this way-- Ohmyghad!

Baka kailangan ko na talagang pumunta sa doctor at patignan ang puso ko.

Sht! Ang tanga ko, baka symptoms na toh na may sakit talaga ang puso ko at di na ako magtatagal sa mundo.

Gosh! Hindi pwed--

"Wife." Natigil ang isip ko sa pagdaloy ng imahinasyon ng biglang may nagsalita.

Sigurado akong sya yun at di nga ako nagkamali.

Thank you for reading ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now