CHAPTER 31

666 42 1
                                    

Rich.

"Itong puso ko po." Sabi ko at tinuro banda ng puso ko.

"Lately po kasi, laging lumalakas ang tibok ng puso ko." Dagdag ko pa.

"Huh? Lumalakas ang tibok ng puso mo. Hmm? Sige, intayin mo ako dito, may ibibigay lang ako sa assistant ko." aniya na panay ang ngiti.

Kahit mid-30's na sya, maganda pa rin naman si Dr. Rose Destiny, mas maganda nga lang si Destiny Rose.

~~

"Doc, may sakit po ba ako?" Tanong ko kaagad paglabas niya.

Tapos na nya akong icheck-up, at pinag-intay nya muna ako ng 30 mins para sa resulta.

"Ahmm. Take a seat muna Richelle." Sabi nya at umupo sa upuan sa may desk nya. Umupo na rin ako paharap sa kanya.

Kanina pa ako kinakabahan sa magiging resulta, baka nga may sakit ako sa puso. Ugh!

"Bakit mo naisipang magcheck-up iha, base sa resulta. Wala namang problema ang puso mo, and ayos naman yung heartbeat. May nararamdaman ka bang kakaiba?" Paliwanag nya.

"Ahmm. Wala naman pong kakaiba, pero--" Nag-isip muna ako kung sasabihin ko ba.

Sige! Sasabihin ko na nga, si Doc. rin lang naman toh.

"May sasabihin po sana ako pero h'wag nyo pong sasabihin ky moms ito ah." Tumango naman sya.

"Uhm!" Paano ko ba toh sisimulan. Ugh!

"N-nagsimula po kasi ito nung may nakilala ako. Lagi po nya akong ginugulo, inaasar, at kung anu-ano pa yung sinasabi nya. Nung una, naiinis ako sa kanya pero habang tumatagal nawawala na yung inis, atsaka Doc. Kapag malapit sya sakin, ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang may karera saloob. Tuwing kasama ko sya, halo-halo yung nararamdaman ko. May inis, may saya, tsaka may kilig. Di ko lang napansin nung una na kinikilig ako kapag andyan siya. Masaya rin ako kapag niyayakap niya ako lalo na nung nastuck kami sa room. Akala ko, yun na yung pinakaworst na mangyayari sakin pero hindi pala. Naging memorable pa nga eh. Tapos nung di ko sya nakita ng dalawang araw, hinahanap ko sya. Gusto ko na sya ulit makasama. Parang ang boring ng buhay ko kapag wala sya. Then, kahapon lang. Nakita ko sya. Nakita ko syang kasamang iba tapos n-nagh-halikan pa sila. Parang biniak yung puso ko. Akala ko nga nun malalagutan na ako ng hininga. Gusto kong umiyak kahapon dahil sa harapan ko pa talaga sila naghalikan. Ang sakit-sakit ng oras na iyon. Then, bigla syang lumapit sakin. Nawala bigla yung inis nung narinig ko yung boses niya. Gusto ko syang yakapin at sabihing, akin lang sya at walang pwedeng humalik sa kanya. Ako lang! Siya kasi ang First kiss ko. Ninakaw nya ang first kiss ko, duon nagsimula ng magbago ang takbo ng buhay ko. Doc, simula ng makilala ko sya. Nagbago ang tibok ng puso ko. Kaya nagpatingin ako sa inyo dahil gusto kong malaman kung bakit ko ito nararamdaman. Doc. Destiny? Normal lang ba itong nararamdaman ko?" Pahayag ko. Para ako ngayong nangungumpisal sa simbahan ng kasalanat at kaharap ay padre.

Pero hindi, iba ang sinasabi ko.

Tinignan ko si Doc.

Bakit sya nakangiti?

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Doc, bakit po kayo nakangiti?" Nagtataka kong tanong.

"Wala iha, I'm just happy that you already felt this one." Ani nya. Di ko sya maintindihan. Ano ang dapat na maramdaman.

So, normal lang ito?

"Iha, there is no problem with your heart..." Sabi niya.

Tama nga ako, normal lang ito. Tsk! Bakit pa ako nagpapacheck-up.

Tatayo na sana ako para umalis ng may sinabi sya na nagpagulat sakin.

"... You are just-- Inlove." anito.

W-WHAT?

I'm I-INLOVE?


Thank you for reading... luvyahh❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now