CHAPTER 23

863 19 0
                                    

Rich.

Aysh! Ano ba itong nangyayari kay Jerk. Pagkatapos niyang umiyak ng umiyak. Nakatulog tuloy, sino ba kasi si Angelica.

And guess what, kahit tulog ang gago. Ang higpit pa rin ng yakap sakin. Kainis talaga, di ako makagalaw!

Pero somehow, nakatulong yung yakap niya dahil nababawasan yung init ng panahon. Di parin kasi tumitigil ang ulan, malakas pa din yung hangin.

Alam nyo ba ano posisyon namin. Ugh! Kainis talaga.

Nakaupo kami sa gilid na magkatabi syimpre, magkayakap nga diba.

Nakahawak ng mahigpit yung dalawa niyang kamay sa bewang ko. Kinukulong ng mga bisig niya ang bewang ko tapos yung ulo niya. Nakasandal sa dibdib ko, not totally sa breast ko. Sa Gilid lang. Part of my shoulder maybe.

Nangangawit na nga eh. Tapos ako dito, nakasandal sa pader. Nasa likod niya lang yung kaliwa kong kamay tapos yung kanan ko. Nanginginig pang nakatukod sa sahig. Arrgh! Gising na Jerk. Ang bango mo.

30 minutes na, di pa rin gumigising. Napapagod na yung balikad ko ah.

Such a JERK!

Ano ng mangyayari sa amin. Nakakaantok kahit kakagising ko lang.

Pinikit ko na lang ang mata ko... Inaantok na ako eh.

~~

Nagising ako dahil may mga kamay na humahaplos sa mukha ko. Pagdilat ko ng mata, nakita ko si Jerk. Nakasmile na ulit.

Huh? Anong kaganapan. Anong nangyayari?

Bakit ganito na yung posisyon namin. Parang nagpalit kami ng pwesto, ako na ulit yung nakasandal sa balikat niya.

Kahit di ko gusto yung posisyon namin, wala na akong nagawa kundi ifeel na lang yung moment na toh.

First time ko kasi ito, 1st time kong sumandal sa isang lalaki. Maliban na lang ky kuya.Sa paligid na lang ako tumingin. Nakakailang kasi tumingin kay Jerk. Ang gulo din ng Jerk na toh eh. Paiba-iba ng mood. Kanina lang eh iyak ng iyak tapos ngayon, kung makangiti. Parang wala ng bukas.

"Jerk!" Tawag ko sa kanya pero sa iba ako nakatingin.

"Yes wife?" Ugg! Bat ang ganda ng boses niya. Nakakailang tuloy dahil sa tingin ko nakatingin sya sakin hbang snasabi iyon.

Mahigpit pa rin yung akap niya saakin. Hinayaan ko na lang. Ang ginaw na kasi (-_-) Grrrr.

Huminga muna ako ng malalim bago sya kausapin.

"Bakit ka umiyak kanina?" Tanong ko sa kanya.

Napagdesisyun ko na humiwalay sa yakap niya. Pinakawalan nya rin naman ako. Para mas maging maayos yung usapan namin. Awkward kasi (><) Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Hindi sa mabaho. Hindi lang ako sanay!
Ngayon katabi ko na sya.
Tinignan ko pagmumukha niya. Kung kanina wagas kung makangiti, ngayon naman ang seryoso daig pa ang judge sa korte.
Umiling sya at tinignan ako.

"Ahh, yun ba?" Tumango ako sa sinabi niya.

"Hmm, may naalala lang ako." Seryoso pero malungkot niyang sabi. Nacurious naman ako sa sinabi niya. Ano kaya yung naalala niya.

Ayaw ko namang magtanong baka isipin niya interesado ako sa kanya.

Walang umimik saamin. Nakatingin lang kami sa labas ng bintana. Ang lakas pa rin ng Ulan pati na yung hangin. Sana talaga makauwee na ako! Nag-aalala na siguro si moms, dads pati na si kuya.

Binasag niya ang katahimikan sa tanong niya na ikinasaya ko.

"Gutom ka na ba?" Nakangiti na niyang sabi.

Tumango ako. Gutom na nga ako, di ko lang napansin kanina dahil sa yakap niya tsk. Parang sa yakap niya lang, busog nko eh-- Joke lang.. ano ba tong iniisip ko. Nakakasuka!

"Wait lang. May dala akong pagkain. Bumili ako kanina baka incase kailangan natin kapag nastuck tayo dito." Nakangisi niyang sabi. Da eff! Talagang handa sya na malock kami dito, wtf! Sinadya ba niya ito.

Binatukan ko sya, mahina lang dahil di naman ako sanay mambatok.

"Arayy! Wife. bakit ka nambabatok diyan?"

Tinignan ko sya ng masama. Napakajerk talaga! Plinano niya nga siguro ito.

"Pinlano mo siguro toh noh? Jerk!" Sumimangot tuloy ako. Kainis tong jerk na toh.

Di nya ako sinagot instead kinindatan niya lang ako. Ugh! Nakakainis ka talagang jerk ka.

Inirapan ko lang ang mokong. Kapag di talaga ako makalabas dito ng isang araw. I swear, di na kita papansinin.

"Oh eto na." Inabot niya sakin ang bag nya na sa tingin ko ay puro pagkain ang laman. Tumabi na din sya sakin pag-abot ko ng bag. Di na ako umangal sa pagtabi niya sakin. Isasanay ko na lang ang sarili ko. Walang katao-tao dito kaya wala akong pwedeng usapin kundi sya lang. Si jerk lang.
Pagkaopen ko ng bag. Lumantad sakin ang napakaraming tsitserya. Takte! Junk food lahat? Wala man lang chocolates? Kainis talaga, minsan na nga lang syang manlibre. Puro junk food naman. Di ako pwede kumain nito eh.

"Oh wife, bat ka sumimangot. May problema ba?" Tsk. Sarap talaga sapakin. Di man lang nag-isip ng bibilhin Ugh! Nauna pa syang kumain saakin. Kinain niya yung malaking NOVA. Hindi ako pwede nito pero alam ko naman anong mga pagkaing ito noh.

"Hindi ako pwede nito eh. Baka maimpa--" Ang laki talaga niyang epal. Patapusin niya kaya muna ako bago sya sumabat. (-_-)

"Ah. Sorry, di ko alam na bawal ka nito." Sabi niya tapos biglang nagpout at yumuko pa. Pacute ang mokong tsk!

"Hay, anong klaseng asawa ka. Di mo alam ang gusto ko!" Sabi ng bibig ko. Daeff!

Anong sinabi ko?

Anak ng malanding kalabaw! Bakit ko sinabi yun?

Anong kagagahan ang pumasok sa isipan ko at sinabing asawa niya ako.

*Tampal sa noo!*

Ako na tanga!

Thank you for reading! ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now