CHAPTER 11

970 27 0
                                    

Rich.

Waaaa! Parang mamatay na ako dito sa jeep na ito.

Sari-sari yung amoy ah. Tapos yung katabi ko pa, nakataas ang kamay tapos nakaharap pa sakin yung kili-kili niyang basang-basa.

Ugh! Moms, I need your help huhu. Baka siponin ako sa malansang amay na toh huhu.

Natakip ko narin ang bag ko sa katawan ko, huhu kadalasan kasi lalaki ang nakasakay dito.

Tinignan ko yung pogi kanina.

"Palit tayo ng pwesto." Mahina kong sabi, di ko na kasi kaya. Parang mamatay na talaga ako.

Inisnob niya lang ako instead na magpakagentleman siya, sayang siya. Baka matulad sa jerk na yun-- ugh! Naalala ko naman sya! Kabadtrip talaga yung lokong yun.

Asan na ba ako?

"Uy mister pogi. Asan na tayo? Saan papuntang Jollibee?" Tanong ko sa kaharap ko. Nakita ko naman syang nagulat. Tapos first time sumilay ang ngiti niya. Ang kyuut!

"Ahh-- eeh J-jollibee baka mo?" Buti naman at sumagot din. Tumingin sya sa labas.

"Ahh, sorry miss, hindi ito papuntang Jollibee, papunta itong north."

Ha? Ano ibig niyang sabihin. Omy! Kailangan ko ng bumaba baka san pa ako dalhin ng jeep na ito.

"Manong, dito lang po!" Sumigaw rin ako sa manong driver. Tumigil naman yung sasakyan sa gilid.

Magkano ba pamasahe dito? Hmm. Binuksan ko yung bag ko.

Asan yung wallet ko? OMG!

Flshbck

cafeteria.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko.
"Bayad po!" Inabot ko ang bayad sa counter at kinuha ko na yung order ko.
Pagkalagay ko ng tray sa table, linagay ko ang wallet sa mesa. Katabi ng Tablet ko.

~~

Ugh! Ang tanga ko! Naiwan ko yung pera ko sa cafeteria. WTF! Wala pa naman akong dalang pera sa bag ko. Huhu Im dead!

"Bayad mo miss?" Tinignan ko yung nagsalita. Si manong driver, Patay!

"Ahh--ee Ohh, manong, naiwan ko po yung wallet ko sa bag ko eh." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Huhu! 1st time kong magipit.

"Lumang palusot na yan miss! Sasakay ka ng walang pe--"

Hahagulgol na sana ako ng iyak nang biglang may nagsalita.

"Bayaran ko na lang sya, dito na ako bababa!" Naramdaman kong may bumaba ng sasakyan. Di ko naman nakita kasi nakayuko ako sa hiya.

"Miss bingi ka ba? Baba na! Ano pa hinihintay mo?!" Maawtoridad na sabi ni Manong drive. Dali-dali akong bumaba ng jeep.

Nakakahiya! Ang malas ko talaga.

Malas yung Jerk na yun sa buhay ko. Dahil sa kanya kaya minamalas ako. Takte! Saan na ako ngayon pupunta.

Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na ito. At wala pa akong pera.

Anong lugar na ba to? Ugh! Sino kaya yung nagbayad sakin?

Tanga ko talaga! Bakit ako sumakay sa jeep na yun, iba pala yung biyahe.

Naglalakad lang ako, at patingin-tingin sa paligid baka may makita akong kakilala.

At sakto, nakita ko si Mister pogi, kumakain sa isang karenderya?

Really? sa gwapo niyang yan, diyan lang sya kumakain sa pipitsuging karenderya?

Nakakahiya man, wala na akong choice kaysa magpalaboy-laboy sa kalsada. Sa ganda kung ito, di bagay sa kalsada.

Pumasok ako sa mumunting karinderya, Ewwws!

Anong klaseng mga ulam naman yung nirereserve nila.

Ang daming kumakain dito, halos wala ng bakante yung upuan. Nasa panghuling seat si mister pogi.

Grabe kung makatingin sakin yung mga tao, ngayon lang ba sila nakakita ng ganito kaganda?!

TSK!

Umupo ako sa isang silya kaharap ni pogi, di man lang niya ako napansin. Seryoso lang siyang kumakain.

"Hi mister pogi!" Approach ko sa kanya kaya napatingin sakin.

Tinignan nya lang ako saglit at ibinalik ang atensyon sa pagkain. wth!

"Hey, anong kinakain mo? Pagkain ba yan?" Pangungulit ko sa kanya para pansinin nya ako, pero nanatili lang sya sa pagkain. Bakit ang seryoso niya?

Di ba sya nagagandahan sakin. Ang sungit pala niya.

Hayy, makaalis na nga! Hindi ko naman sya kilala bakit ko pa nilalapitan tsk. Hindi naman ako ganun kadesperada para lang dito. Bahala na nga!

Tatayo na sana ako nang bigla syang magsalita para umalis nang bigla syang magsalita.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinusundan?" Malamig na tanong niya. Sinusundan? Assuming naman.

Bumalik ako sa pagkakaupo at sinagot sya.

"Kapal mo naman! Hindi kita sinusundan, napadaan lang ako dito at nakita kita."

"Ok." Walang kakwentakwentang niyang sabi.

Di ba sya naaatract sakin para sagutin lang niya ako ng ganyan? Kainis ito ah.

Pogi pa naman sana, mala-Daniel Padilla yung hugis ng mukha niya at buhok niya kaya Magkamukha sila ni DJ.

"Anong kinakain mo?" Tanong ko.

"Pagkain." Ay! Ang pilosopo.

"Alam kong pagkain yan, tinatanong ko anong klaseng pagkain yan?"

Sabi ko sa kanya, tinutukoy ko yung nasa bowl na kulay brown Eww! Pagkain ba yan.

"Kanin at ulam." Nang-iinis ba toh? Hay, pagbigyan na nga. Kung di ko lang sya kailangan eh.

"Ako nga pala si Richelle, ikaw ano pangalan mo?" tanong ko. FC ba? Hehe ganito talaga ako manuyo. Paki nyo ba?

"Paolo." maikli niyang sabi.

"Paolo what?"

"Sean Paolo." Pilosopo talaga ng mokong!

"Apilyedo?"

"Mendez." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ang ikli magsalita tapos di man tumitingin sakin. tsk!

"Ba't ang iksi mong magsalita?" Muli kong tanong sa kanya.

"Kasi wala akong masabi." Kain lang sya ng kain habang ako nakatingin sa kanya na seryosong-seryoso kung kumain.

Pamisteryoso itong si pogi-- ay Paolo pala, pilosopo din naman.

Well, hindi ako papatalo. Minsan na akong natalo sa jerk na yun kaya di ko hahayaang pati sa mysterious guy na ito, mabagsak pa ako.

"Bakit wala kang masabi."

"Kasi wala akong dapat sabihin."

"Bakit wala kang dapat sabihin?"

"Kasi di tayo close."

"Bakit di tayo Close?"

"Kasi hindi kita kilala"

Awww.

Thank u for reading luv ❣️

Tadhana (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora