CHAPTER 12

905 23 0
                                    

Rich.

"Kasi hindi kita kilala."

Yeah! Tama nga sya, hindi niya ako kilala kaya hindi niya ako close. Pwe! Anong nangyayari sakin. Di naman ako ganito kadaldal hehe, hayaan na nga lang. Minsan lang ako maging ganito. Go with the flow, ika nga.

"Bakit di mo ako kilala?" Walang kwenta kong tanong. Senseless yung tanong diba? Parang engot lang haha. Gusto ko lang talaga mapatingin sakin si Paolo, kung mapalingon ko sya sakin then panalo ako haha.

Ito na ata yung resulta ng gutom. I'm being insane!

"Kasi ngayon lang tayo nagkita." Ang hinhin nyang kumain ah. Daig pa ang dalaga haha. Napakabagal sumubo!

Sinagot ko sya sa tanong niya.

"Bakit ngayon lang tayo nagkita?"

"Di ko alam."

"Bakit di mo alam?"

Matagal-tagal siya bago sumagot.

"Kasi wala akong balak alamin."

"Bakit wala?"

"Dahil walang kwenta."

"Bakit walang kwenta?"

"Kasi wala kang kwenta!"

Ramdam ko sa boses niya na naiinis na sya haha.

"Bakit wala akong kwenta?" Ang kulit ko haha.

"Kasi wala kang kwenta." Paulit-ulit? Haha Naubusan na ata ng maisasagot.

Tumingin ka na kasi sakin.

Ibang strategy kaya! Alam ko na siguradong titingin ka rin sakin Mr.Yoso.

"Bakit ang pogi mo?"

At *booomm*

Napatingin agad sya sakin. Oh ano say nyo? Diba ang galing ko.

Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko.

"Hahaha oh ayan napatingin ka rin." Sabi ko't nginitian sya. Di pa rin sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sakin na walang emosyon.

Bigla na lang syang sumimangot at lumingon sa likod. Sino tinignan nya sa likod.

Tapos humarap sya sakin, na namumula ang pisngi. Parang babae lang na kinilig, kung babae lang sya. Iisipin ko talaga na nagbblush sha.

"Tsk!" At nagtuloy sa pagkain.

Actually, gutom na talaga ako. Parang kakalam na ang sikmura ko.

*buurrp*

Biglang tumunog ang tiyan ko. Ugh! Nakakahiya. Napatingin tuloy sakin si Paolo na takang-taka.

Nag-pout na lang ako.

"Paolo, gutom ako! Wala akong pera!"

Uggh! Sabi ko na parang batang nanghihingi ng 5pesos pambili ice cream. tsk! First time kong manghingi ng pagkain, sa di pa kilalang tao.

NAKAKAHIYA talaga!

"Tss." Nakakainis! Wala ba syang balak pakainin ako?

"Ano ba yang kinakain mo?" Turo ko sa ulam ba ito. Parang hindi.

"Pagkain." Uggh!

"Sige, mamilosopo ka pa. What I mean is what kind of a food you are eating now!" Damn! Wala na akong balak makipagbiroan.

Gutom na talaga ako! Gutom na! Naiintindihan nyo ba yun ?

"Di ba halata?!" Nanukso pa ang mokong.

"Di ko nga kilala ano yan eh paano magiging halata? Kainis!" singhal ko na lang sa kanya.

"Tss Dinuguan itong kinakain ko." Sabi niya habang nakaturo sa sinasabi niyang ulam.

Dinuguan?

So dugo ito?

Ewws! Gusto kong masuka! Nauulam na pala yung dugo? Di ako naorient.

"Ulam ba talaga yan?" Tumingin naman sya sakin ng nakasimangot.

"Umorder ka na lang ano gusto mong kainin. Ako na lang magbabayad." Sabi niya, kakatapos niya lang kumain. Uminom sya ng tubig.

Ang bait niya pala, kahit wala akong sinabi sa kanya na pakainin ako. Siya na mismo ang nagsabi hehe mabait din pala.

Hindi naman sguro ako nagmumukhang kaawa-awa para maawa sya kaya niya ako lilibrehin hehe.

Ano kaya pwedeng kainin dito. Tumayo na ako at naglakad papunta sa mga nakadisplayng pagkain.

"Wat do you want for my ulam miss.beautiful, chowws now!" Biglang may sumalubong saaking tindero. Siya ata yung chef cook dito, 'my ulam' daw eh sabi niya. Para syang si Kliren ng Dragon Ball. Kalbo kasi hehe pero may height naman ito, si Klirin wala haha.

Binuksan ko ang mga nakadisplayng pagkain.

Gutom na ta--

(o_o)

Ulam ba talaga ito?

Ugh! Sinara ko agad. Ang baho! Ayysh. Parang nakakamatay namang ulam yun.

Yung dugo yung tinutukoy ko, ang inuulam ni mr.yoso!

Inopen ko lahat ng pagkain pero Damn!

Hotdog, Gulay at Itlog lang yung kilala ko sa mga nakadisplay dito.

wtf! Wala akong mapili kaya binalikan ko si mr.yoso!

Nakabusangot ko syang nilapitan, nagmumukha akong baliw. Kanina nakangiti ako tapos ngayon nakasimangot.

"May napili kana?" Sabi ng nagtatakang si mr.yoso.

"Wala, anong klaseng pagkain naman yun." Sabi ko na nakasimangot pa rin. I'm really hungry!

"Ok!" Yan lang yung sagot niya. (-_-)

*Ring-ring*

Biglang may nagring sa bag ko.

Oh God! Stupid. Nakalimutan kong may dala pala akong mga gadgets. Bakit di ko naisip yun, sana natawagan ko si manong driver. Nagmukha pa akong kaawa-awa.

Habang tumatagal, mas nagiging tanga ako.

*sigh*

Kinuha ko yung bag ko.

"Ring-ring*

Sabay -sabay talagang nag-ring ang tablet at cellphone ko?

Inuna kong tignan ang tablet ko.

Calling...
09123475**
[Dismiss] [Answer]

Sino kaya itong tumatawag. Di nakaregister eh.

Tinignan ko yung cellphone ko.

Calling...
Mommys

[Answer]

"Hello, mom?" Si moms pala yung tumatawag.

Thank you for reading. Mwaa ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now