CHAPTER 20

880 29 0
                                    

Rich.

Dahil sa sinabi niya, nakahinga ako ng maluwag. Except sa last na sabi niya. Yung asawa niya daw ako.

Di na ako umimik. Nakakailang kaya. May ginawa ako sa kanya kahapon pero ngayon, parang wala lang sa kanya. Hindi nga sya galit saakin eh.

Minsan napapalingon ako sa kanya. Kahit nakaside view lang sya sakin. Makikita ko sa mata niya ang kalungkutan.

May problema kaya siya? Minsan ko lang sya makitang malungkot. Kadalasan kasi lagi syang masaya.

Tanungin ko kaya sya kung ano ang bumabagabag sa utak niya. Biglang sumulpot ang aking konsensya!

Konsensya 1: Bakit mo pa sya tatanungin, diba nga magkaaway kayo. Galit ka sa kanya kaya wag kanang makialam kung may problema sya o wala. Maging masaya ka na lang dahil malungkot ang kaaway mo.

Tama kaya itong si konsensya 1? Na maging masaya ako dahil malungkot ang kaaway ko? Hmmm. *isip*

Konsensya 2: Kausapin mo siya, tanungin mo kung ano ang problema niya baka makatulungan ka. Hindi porke't galit ka kanya ay magiging masaya ka dahil malungkot sya. Tandaan mo, tao ka. At bilang tao, wag kang magpadala sa galit o inis sa kanya. Pairalin mo ang puso mo. Tao rin sya kaya kailangan niya ng taong masasandalan, hindi sa lahat ng oras kailangan mong awayin ang inaakala mong kaaway.

Ugggh! Naguguluhan na talaga ako. Ano ba gagawin ko?

a) tanungin sya
b) pabayaan sya o
c) wala sa dalawa?

Takte! Oo na. Letter a, kakausapin ko sya. Mabait kaya ako.

"Oy Jerk!" Umpisa ko, nakatingin lang ako sa side mirror ng kotse. Di ko kasi alam paano ko sya kakausapin. Di naman kasi kami ganun kaclose.

"Yes wife?" Sagot niya agad. Sanay na ako sa wife thingy na yan. Di ko alam kung tumingin sya sakin nang sabihin niya iyon.

"May problema kaba?"

Nanginginig kung sabi.

"Problema? Wala naman, basta kasama lang kita." Nang liningon ko sya, nakatingin din pala sya sakin.

Uggh!

Basta kasama niya ako? tsk!

Ang lungkot ng boses niya. Di ko tuloy napansin na nakarating na pala kami ng university.

Di na tuloy ako nakapagsalita pa dahil bumaba na siya. Umikot sya para pagbuksan ako ng pinto.

Nawala na rin yung sakit sa binti ko. Kunti lang! Pero carry naman.

Salamat naman at makakapasok na rin ako sa class ko. Inaayos ko ang sarili ko nang magsalita sya. Nasa labas sya ng pinto, kaharap ko lang.

"Ok ka na ba? Kaya mo na bang maglakad wife?" Nag-aalala niyang tanong.

"Ahh oo."

*smile*

First time ko syang ngitian.

Dahan-dahan akong bumaba. And as expected, natapilok ako. Buti nasalo kaagad ako ni Jerk.

Hindi ako OA ha? Hindi lang talaga ako makaayos ng tayo.

"Tsk! Buhatin na lang kita." Pagkasabi na pagkasabi niya nun, kinarga niya agad ako.

Damn! Aangal pa sana ako pero nabuhat niya na ako. Ano ba tong ginagawa niya.

Nakakahiya! Baka ano pang isipin ng mga studyanteng makakakita sa amin, pati na yung mga guro.

Pero wala na, nakagarga na niya ako. Tinakpan ko na lang ng dalawang kong mga palad ang mukha ko.

Buhat-buhat niya ako na pang bridal style, yung parang bagong kasal at ready na para sa honeymoon. Ugh!

*Erase*

Papasok na kami ng gate ng tignan ko sya. Bat ngiti-ngiti sya habang naglalakad. Sinusumpong na naman ba sya ng kabaliwan niya.

Nakarating kami sa building namin na halos sumabog yung puso sa kaba. Nakakahiya kasi. Urrgh! Tapos ang bango pa niya.

"Uy, jerk! Baba mo na ako!" Usisa ko. Alangan naman kasi buhatin niya ako paakyat ng hagdan.

Nasa 2nd floor pa yung classroom ko diba. Tumango sya at dahan-dahan niya akong binaba.

Thank God! Nakakatayo na ako ng maayos. Siguro naman kaya ng maglakad nito.

"Salamat nga pala, Jerk!" Ngitian ko sya at nagsimula ng maglakad paakyat.

Sumunod na rin sya. Parang kani-kanina lang eh nakakunot yung noo niya at di mapinta ang mukha niya pero ngayon ang laking ngiti. Anyari dun.

Mabuti talaga nakakalakad na ako at mabuti naman wala akong narinig na bulungan nang dumaan kami sa maraming studyante.

Pagpasok ko ng classroom, laking gulat ko ng walang tao sa classroom. As in, kahit isa wala. Blankspace talaga! Asan yung mga studyante dito.

Baka hindi pa nakakarating. Umupo na muna ako sa likod at nagtab na lang.

Tinignan ko ang oras, time na ah. Bat kaya wala pa yung mga kaklase ko, pati na si prof. tsk!

Makapag-headset na nga lang.

Now playing: Malaya by: Moira Dela Torre

Kanina pa ako naghihintay pero wala pa ring dumadating. Iidlip na nga lang ako kahit sandali lang. Medyo antok na rin naman ako kaya pinikit ko ang mata ko.

Nakakaantok naman itong music.

~~

Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

~~

(11:50am)

Nagising ako sa lamig na dumadampi sa balat ko. Minulat ko ang dalawa kong mata.

Ang dilim.

Anyayari? Nakaidlip lang ako saglit tapos ito na agad. Kahit di ko nakikita ang labas, rinig na rinig ko ang agos ng ulan na pumapatak sa bubongan.

Ang lakas ng ulan ah. Kaya pala madilim. Malakas din yung hangin. Panay lipad ang mga kurtina.

Pagtingin ko sa kabilang silya, nakita ko sa jerk. Nakatihaya. Natutulog din ata. Gaya-gaya talaga itong si Jerk.

Gigisingin ko sana siya nang biglang may mahagip ang mata ko.

OMG! (o_o)

Thank you very much luv! ❣️

Tadhana (Completed)Where stories live. Discover now