2

6K 279 59
                                    

Isinuot na ni Dennis ang pantalon nito, sinarado ang zipper, at hinigpitan ang sinturon. Pinagmamasdan lang ni Kaiden ito habang lumalapit sa kanya na nakangiti.

"Thank you, mahal," ika nito. Hinawakan ni Dennis si Kaiden sa ulo sabay gulo sa kanyang buhok, hinalikan ang noo niya.

Ngumiti naman si Kaiden, "May ipapagawa ka pa ba?"

"Wala pa namang pinagagawa si Maam Rianne sa Economics, pero sasabihan kita kapag meron na," umiiling na sabi nito. Muli itong lumapit kay Kaiden at hinawakan siya baba. Nakatingala si Kaiden habang nakatitig sa bilugang mga mata nito. Ninakawan siya nito ng halik sa mga labi bago tumindig ng maayos, tinanggal ang gusto ng uniporme. "Laking tulong mo sa akin Kaiden. Sabi nila, maliit na lang yung chance na mag-summer ako dahil sa mga extra projects na laging napeperfect dahil sa'yo."

Lumawak ang ngiti ni Kaiden, at least natutulungan niya ito.

"Una na ba ako?" tanong nito sa kanya.

"Mauna kana, susunod ako," tumatangong sabi niya dito. Tumango naman si Dennis.

"Maraming salamat mahal, ang galing mo talaga sumubo," pagpuri nito sa ginawa ni Kaiden bago tuluyang umalis sa hindi okupadong silid-aralan sa paaralan nila. Sinigurado nilang walang tao dito, ilang beses na nilang ginawa ito dito at kahit kailan wala pa namang nakahuhuli sa kanila.

Tumayo na nang maayos si Kaiden bago tumungo sa susunod niyang subject.

Magaan ang pakiramdam ni Kaiden nang makarating siya sa silid-aralan. Naging komportable ang paligid dahil maingay pa ang mga kaklase niya. Wala pa silang teacher, nakahinga naman ng maluwag si Kaiden. Umupo siya sa upuan niya na nakangiti dahilan upang sumunod din sa kanya ang mga kaibigan niya.

"Bakla, pagpasok mo, iba ang itsura mo," bungad ni Carla sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Kaiden.

"Oo nga bakla, pakiramdam ko sagana ka sa chupa, mataas ba serotonin level mo ngayon?" tanong naman ni Gertrude habang nakasalamin at inaayos ang headband sa ulo.

"Mga gaga, bawal ba maging masaya lang?" sarkastikong tanong niya sa mga ito.

"Hindi ka laging nakangiti, Kaiden, iba ang awra mo ngayon," pagpuna naman ni Carla ulit, habang ginagatungan ni Getrude. At tahimik lang si Robie sa likuran niya.

"Manahimik kayo, mga haliparot," turan niya sa mga ito.

Biglang nagsalita si Robie.

"Kaiden, amoy tamod ka."

Ikinabigla naman ni Kaiden ang sinabi nito. Nanlalaki ang mata niyang tumingin dito.

"Pinagsasabi mong bakla ka? Ganyan na nga ilong mo, may naaamoy ka parin?" Mapang-asar na tanong niya dito. Nagtawanan naman sina Gertrude at Carla.

Napansin niyang inamoy ni Carla ang kamay niya na biglang nanlaki ang mata, "Gaga ka, chumupa ka talaga 'no?"

Kinuha naman ni Getrude ang kamay niya sabay amoy din dito, "Tang inang baklang 'to, parating may booking."

Hinatak kaagad ni Kaiden ang kamay niya at tinignan ng masama ang mga ito.

"Mga boba, naglaba ako, gumamit ako ng xonrox," pagsisinungaling niya.

"Oo na lang, bakla," ngumisi ang mga kaibigan niya.

"Bala kayo d'yan," ika niya.

Mabuti na lang at dumating na ang teacher nila. Bumalik na sa mga upuan nila ang mga kaibigan ni Kaiden at umayos na siya ng upo. Pasimple niyang inamoy ang kamay niya.

Tang ina, nalimutan niyang mahugas ng kamay. Amoy tamod nga.

-|-|-

Ilang araw na ang nakalipas, mas naging malapit sa kanya si Dennis. Hindi naman problema 'yon para kay Kaiden dahil una, libre niyang nahahawakan si Dennis, pangalawa, unti-unti na siyang nahuhulog dito.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now