18

3.7K 196 56
                                    

A/N: Hi guys, this chapter contains sensitive topic. We might have different perspective and view about transexual. Feel free to comment it. I am willing to talk to you guys. Hihi

Kaiden

"Sa bawat oras na lumilipas na kasama ko siya....DJ Dyosa...naiintindihan ko kung gaano ka komplikado ang kung anong meron sa aming dalawa...ilang linggo na kaming magkausap...kumpara noon kaunti lang ang nalalaman ko sa kanya, habang tumatagal maas nakikilala ko siya," banggit ni Marc na pangunahing tagapakinig ni Kaiden.

Kung bibilangin, ito na yata ang pangatlong linggo na kausap ni Kaiden si Marc. Ngunit hindi ito tuluy-tuloy. Minsan isa o dalawang beses itong tumatawag sa isang linggo. Nang mga pangunahing linggo na humihingi ito ng advice, humihingi ito ng tulong kung paano siya matutulungan kalimutan ang babaeng matagal na siyang iniwan. Ngunit ngayon, tila'y nakalimutan na ito sa babaeng una niyang nabanggit dahil may panibagong itong ikinukwento na kakakilala niya pa lamang. Marami na rin itong nalalahad at sa poetic na paraan. Sa sariling obserbasyon ni Kaiden, matalino si Marc. Kung paano ito mag salita at kung paano nito banggitin ang mga nararamdaman.

Naging kilala rin si Marc dahil sa gwapo ng boses nito sa telepono. May bahagi din ng isipan ni Kaiden na pamilyar sa boses ni Marc. Hindi niya lang matukoy kung saan at kanino.

Sa dami ba naman ng nakakasalamuha ni Kaiden?

Ngayon, ikukwento ni Marc kung paano unti-unti nahuhulog ang loob niya sa isang kaibigan niyang babae. Hindi naman detalyado ang konteksto ng kwento nito ngunit nandoon sa ideya kung ano ang nararamdaman niya at kung paano niya nakikita ang babaeng nagugustuhan niya.

"Ako naman mismo ang nagsabi sa kanya na handa akong makinig sa mga problema niya," banggit ni Marc. Narinig pa ni Kaiden na huminga ito nang malalim. "Maraming Salamat DJ Dyosa...Salamat sa parating pakikinig sa akin."
Napangiti si Kaiden, "Walang anuman Marc. Bukas ang aming programa upang makinig sa iyong mga Love Handles. Handa kaming bigyan ka ng makabuluhang advice...dito lang 'yan sa 126.6 FM Radio."

"Maraming Salamat ulit, paalam," huling sabi nito bago ibinaba ang telepono.

"Muli, magbabalik tayo matapos ang ilang minute upang mapakinggan naman ang panibagong kabanata na ating tatalakayin upang mabigyan ng solusyon o pakinggan ang mga Love Handles ng ating mga tagapakinig. Handa na ba kayo? Handa na beybeh! Dito lang yan sa 126.6 FM Radio...Love Handles niyo...Pag-usapan natin yan!" huling saad ni Kaiden sa mikropono bago ibinaba ito. Napabuntong hininga si Kaiden dahil sa pagod.

Dinukot ni Kaiden ang cellphone niya sa bulsa sabay binuksan ang bagong text mula kay Marcus.

Kakatapos ko lang tapusin yung lesson plan ko para sa susunod na araw, saad ni Marcus sa text.

Nag-isip naman si Kaiden ng itutugon bago ito itinipo, Libre ka ba mamaya? Gusto mo magkape tayo sa labas? May sasabihin ako sayo.

Tumayo si Kaiden at nag-unat, ilang minuto din siyang naghintay bago nakatanggap ng tugon mula kay Marcus. Isang buwan nang magka-usap si Kaiden at Marcus. Marami nang naikwento si Kaiden kay Marcus at ganun din si Marcus sa kanya. Habang tumatagal nagiging komportable na siyang kausap ito. Nabawasan na din ang pagyoyosi ni Kaiden dahil sa tuwing nakakaramdam siya ng stress, itetext niya lang si Marcus or magkikita sila kahit madaling araw na para makapag-usap.

Nalaman niyang mag-isa lang ngayon si Marcus at wala na itong ibang pamilya. Noong una hindi makapaniwala si Kaiden lalo na't sa itsura pa lang ni Marcus, mukha itong mayaman at mukhang may ibang nag-aalaga dito, hindi ito mapapansin. Doon lang rin napagtanto ni Kaiden na may pagkatulad pala silang dalawa.

DYOSA (TRANS)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora