28

3.1K 140 40
                                    

A/N: 

TRIGGER WARNING - THIS CHAPTER CONTAINS A DISTURBING CONTENT THAT MAY UPSET THE READER. YOU HAVE BEEN WARNED. 

Kaiden

Maraming beses na akong nakapagpasa ng resume sa iba't ibang kompanya at sana makuha na ako. Unti-unti nang nauubos ang ipon ko dahil sa binabayaran ko sa ospital. Malaki ang naging bill ni mama kaya nasimot na ang laman ng bangko ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil para naman kay mama, naiisip ko lang na napakahirap pala talagang umahon ulit kung bigla kang bumagsak.

Sa panahon ngayon, napakahirap makakuha ng trabaho. Madami ding kagaya ko na nawalan ng trabaho at naghahanap na din. May mga pinasahan ako ng resume na nasa initial assessment na sa akin.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa screen ng laptop ko. Isang buwan na rin nang magsimula akong maghanap ng trabaho, kahit na anong makuha ko papatusin ko na.

Nag-ring bigla ang cellphone ko. Pangalan ni Marcus ang nakalabas sa screen kaya sinagot ko kaagad.

"Good afternoon, babe, how are you?" tanong niya na may malamig na boses, napakalma kaagad ang iniisip ko habang iniisip ko si Marcus. Ang amoy niya. Ang yakap niya. Napakasarap niyang mahalin.

Ilang buwan na rin namang kaming magkakilala, magkaibigan, at isang buwan na kaming magsyota. It is safe to say na nahuhulog na ako sa kanya. Hindi ko naman pinipigilan ang nararamdaman ko dahil nakakasigurado akong nasa mabuting kamay ang puso ko.

Walang pumapasok na iba sa isip ko na posible nga kayang magawa ni Marcus ang ibang mga nagagawa ng lalaki sa mga syota nila.

Dahil ba nasa honeymoon stage pa kami?

Hindi ko na din sigurado.

Basta ang alam ko masaya akong kasama siya at nakikita ko namang masaya siya sa akin. Sa tuwing nandyan siya pakiramdam ko napapawi lahat ng nararamdaman ko. Safe space ko si Marcus.

"Okay lang naman, naghihintay ng tawag ng mga employer," tugon ko sa kanya. Sinarado ko muna ang laptop ko sabay rolyo sa kama at tinitigan ang kisame.

"Any luck?" tanong niyang muli, napakasarap talaga marinig ang boses niya. Napakagwapo.

"Wala pa so far eh, pero okay lang."

Hindi okay.

Ayaw kong dagdag isipan si Marcus lalo na't nabalitaan ko ang nangyari sa kapatid niyang Matteo ang paglayas nito. Kung pagpapaalalahanin ko nanaman siya, siguradong hindi nanaman matatahimik ang isipan niya. Hindi ako sanay na may ibang taong nag-aalala sa akin at sa mga personal ko na problema.

Siguro sa ganito ako naligtas mula sa relasyon namin ni Adonis noon.

Magkasalungat silang sobra ni Adonis.

Walang pakialam si Adonis noon sa desisyon ko sa buhay. Si Marcus indirectly man, pero nararamdaman ko yung pagsubok niyang mabigyan ako ng choices para mapadali ang lahat. Nagpapasalamat man ako sa kanya, siguro matigas lang talaga ang ulo ko at nahihiya na makaabala ng ibang tao.

"Whenever you change your mind, babe. My offer is still open, okay?" nagsisigurado niyang sabi sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.

Gusto kong ako ang magdesisyon para sa sarili ko.

"Okay..." pagsubok kong magsalita. Nakarinig ako ng kaluskos sa ibang call, marahil sinusubukan ni Marcus na magpalita ng pwesto. "Oo nga pala babe, kumusta na kayo ng family mo?" pagbago ko ng usapan namin.

Ilang segundo din bago siya nakasagot sa tanong ko, "Umiiyak pa din si Carmella. Isang linggo na din nung umalis si Matteo. Parang biglang shinut-down niya yung mga tao sa paligid niya. Hindi ko siya masisisi, lalo na dahil sa pressure sa kanya ni papa. Pero ang hirap kasi parang nakalimutan niya bigla yung kondisyon ni Carmella. Masama pa naman sa kanya na mastress ng ganito."

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon