22

3.1K 163 64
                                    

"Good evening DJ Dyosa...pretty lady, pwede ba kitang i-date?"  tanong ng kabilang linya.

Kung may tao lang na nanunuod sa akin marahil tawa na nang tawa dahil sa iba't ibang ekspresyon na gumuhit sa mukha ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng bagong episode sa gabing ito. Alas dos ng umaga nang tumawag si Marc, ang madalas na caller ko. Doon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga nangyayari. Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng pretty lady at si Marcus iyon! Ibig sabihin si Marc at Marcus ay iisa! Doon lang rin pumasok sa bunbunan ko na parehas na parehas ang ekspresyon ng dalawa at kung paano sila magsalita. Pati na rin ang pangalan, Jusko! Dudugtungan ko lang ang pangalan ni Marc! Napaka boba ko naman para hindi mapagtanto 'yon.

"M-marcus?!" nabigla kong tanong. Nawala na ang bawat pagiging propesyonal ko sa katawan dahil na rin sa pinaghalong pagkabigla at kilig. Oo, kinikilig ako!

Dalawang linggo na akong nililigawan ni Marcus. Sa lahat ng ka-cornyhan na ginagawa niya para makuha ang atensyon ko, ito na yata ang pinaka ikinabigla ko. Hindi ko lang rin maintindihan dahil halos araw-araw na rin naman kaming magksama.

"Sorry? This is not Marcus. This is Marc," tugon ng caller. Kung kasama ko lang si Marcus ngayon, natitiyak kong nakangiti ito ng nakakaloko.

"Ohhhhkay..Marc," I cleared my throat and seated properly. "Humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ako nakikipag-date sa aking mga callers o mga takapakinig. Nandito lamang ang Love Handles ni DJ Dyosa upang magbigay ng advice sa inyong mga buhay pag-ibig..." pagtugon ko sa sinabi niya.

Nakarinig ako sa kabilang linya ng mahinang tawa, "Ang Love Handles ko po ay malulutas lamang kung makikipagdate sa akin si DJ Dyosa."

Nirolyohan ko ng mata si Marcus. Pinagtitripan talaga ako nito. Nitong mga nakaraang linggo, naging aktibo si Marc na tumawag sa programa ko. At hindi ko alam na si Marcus pala ito! Kaya rin pala paiba-iba ang kinukwento nito tungkol sa babae dahil gawa-gawa lang ang mga kinukwento niya! Laki ng topak nitong nilalang na ito!

Sa loob ng dalawang linggo na panliligaw ni Marcus sa akin, wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Mas naging malambing lang at sweet. Lalo na sa tuwing nasa condo niya ako. Kapag nanunuod kami ng palabas, parating nakahiga siya sa lap ko. Hindi naman ako umaalma at sinusuklay ko na lang ang buhok niya. Maka-ilang ulit kong pinagmasdan ang napakagwapo niyang mukha. Lalo na ang mga labi niya na mukhang masarap halikan. Gusto ko man siyang halikan, lumalabas ang pagiging torpe ni Marcus. May hiya rin naman ako sa balat ko kaya hindi rin ako nag-iinitiate no'n. Natatakot ako na baka ayaw niya pala, hindi ko rin sigurado.

Ito na yata ang pinaka-unang pormal na beses niya akong tinanong na i-date. Ayaw ko naman siyang sagutin na live sa radyo dahil baka pagdiskitahan pa ako ng mga nakikinig.

Natameme ako habang pinag-iisipan ang isasagot sa kanya. Bigla naman akong nakarinig ng malakas na katok mula sa salamin sa likuran ko na makikita ang labas ng studio. Nakatayo doon si Benjamin at mina-mouth niya ang salitang 'pumayag kana, rating!'. Tinarayan ko naman siya. Palibhasa walang alam si bakla sa mga nangyayari kaya madali lang sa kanyang sabihin.

"DJ Dyosa?"

Humanda ka sa akin mamaya Marcus. Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Pumapayag na ako Marc."

Nakarinig ako nang kung anu-anong tunog mula sa kabilang linya na hindi ko mawari kung ano. Nagpalakpakan din ang buong production team namin kasama si Benjamin. Nang lumingon ako sa gawi nila, pinagtataray ko silang lahat. Kumorte ang ngiti sa aking mga labi, saan naman kaya ako dadalhin ng mokong na ito?

-|-|-

Alas tres ng umaga nang makalabas ako ng building na pinagtatrabahuhan ko. Ang laki pa ng ngiti ko habang nakikipagtawanan sa mga katrabaho ko. Inabot lang ako ng mga pag-aasar nila dahil na nga rin sa pagyaya sa akin ni Marcus na dalhin ako sa isang date. Ang siste tinatanong nila ako kung kilala ko daw ba sa personal ang lalaking ito, at syempre patay malisya ako habang nagkukunwaring clueless sa mga banat nila. Hindi nila alam ilang buwan ko nang kasama ang mokong na iyon.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now